You are on page 1of 2

GAWAIN 3

HANAPIN MO
Panuto: Basahin ang bawat pahayag.Tukuyin ang hinihingi ng bawat titik. (10puntos
ang bawat bilang)

a. Ano ang pinapaksa ng talata?


b. Paano sinumulan ang talata?
c. I-highlight ng kulay berde ang pangunahing paksa.
d. I-highlight ng kulay pink ang mga pantulong na ideya.
e. I-highlight ng kulay dilaw ang konklusyon.

* May nakalaang bahagi (mga blangko) sa mga kasagutan ng a at b.


* Sa pagha-highlight, maaaring gumamit ng marker o kahit anong gamit pangkulay.
* Sa mismong talata na nasa kahon ang gagawing pagsagot sa aytem c, d, at e.

1.
Madalas nating magamit ang salitang kalikasan tulad na lang pag tayo ay
sinasamaan ng tiyan, nasasabi natin na “ako ay tinatawag ng kalikasan”. Sa
mga taong hindi kaagad makakaintindi ng ibig sabihin non ay aakalaing tao
ang kalikasan. Pero hindi nila alam na ang kalikasan ay ang ating
ginagalawan. Ang kalikasan ay madalas na nababalita sa atin dahil ito ay may
mabuti at masamang naidudulot sa atin depende sa ating pangangalaga.
Mararapat nating pangalagaan ang ating kalikasan sapagkat itoy biyaya ng
diyos. Huwag nating pabayaang masira ang ating kalikasan dahil ito ay ating
yaman at maaaring magkaroon ng hindi tamang pagkabalanse sa atin na
pwedeng magdulot ng panganib.
https://pinoycollection.com/sanaysay-tungkol-sa-kalikasan/#Inang-Kalikasan-1

a. Ang Kalikasan

b. Sinumulan ng manunulat ang talata tungkol sa mga paniniwala ng mga


tao tungkol sa kalikasan tulad ng mga salitang “Ako ay tintawag ng
kalikasan”

2.
Dalawang uri ng pamahalaan ang umiiral sa kasalukuyan, ito ay ang
presidensyal at parlyamentari. Ang pinakamataas na nanunungkulan sa
presidensyal ay tinatawag na Praym Minister. Gayunpaman, parehong
demokrasya ang pinaiiral ng dalawang uri ng pamahalaan. Ang Karapatan ng
mamamayan, kapayapaan at hustisya ay pangangailangan din sa dalawang
anyo ng pamahalaan.
https://www.slideshare.net/zarapinkishghurl/filipino-2-paghahambing-at-pagkokontrast-
problema-at-solusyon-s

a. Dalawang uri ng pamahalaan

b. Sinumulan ang talata sa pamamagitan ng pagbibigay impormasyon


tungkol sa dalawang uri ng pamahalaan

3.
Isang bansang agrikultural ang Pilipinas. Nangangahulugang walumpung
bahagdan ng mga Pilipino ay nabubuhay at umaasa sa pagsasaka. Bigas ang
pangunahing pagkain ng mga tao subalit mayroon ding mais na ipinanghalili
bilang kanilang pangunahing pagkain.Gitnang Bisaya, Mindanao at Lambak
ng Cagayan ang pangunahing tagaprodyus ng mais. Itinuturing naming
Kaban ng Bigas ng Pilipinas ang Gitnang Kapatagan sapagkat dito
nagmumula ang pinakamaramit’t pinakamalaking ani ng bigas sa buong
bansa.
https://www.slideserve.com/tonya/tekstong-informativ

a. Bigas ang pangunahing pagkain ng mga tao sa pilipinas


b. Sinumulan ang talata tungkol sa anong klase ang bumubuo o
nagpapalago sa bansa tulad ng agrikultura

You might also like