You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF


AGRICULTURE
San Jose, Pili, Camarines Sur 4418
Website: www.cbsua.edu.ph
33 local 101
ISO CERTIFIED

Pangalan: JOCHEBED C. MIRANDA Taon/Seksyon: BSED 2B

Petsa:11-07-2021 Iskor:

Yunit I Introduksyon: Ang Pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa mas Mataas na


Antas ng Edukasyon at Lagpas Pa

PAGSASANAY 1
Panuto: Bigyang pagpapakahulugan at talakayin ang mga sumusunod.
1. Wikang Filipino

Ang Filipino, ay ang pambansang wika ng Pilipinas. Itinalaga ang Filipino


kasama ang Ingles, bilang isang opisyal na wika ng bansa. Isa itong pamantayang
uri ng wikang Tagalog, isang pang-rehiyong wikang Austronesyo na malawak na
sinasalita sa Pilipinas. Kinikilala rin ang Filipino bilang mabisang wika ng
pagtuturo at pagkatuto. Bilang opisyal na wikang panturo, ginagamit na ang
Filipino sa pagtuturo at pag-aaral sa iba’t ibang disiplina ng kaalaman at sa lahat ng
antas ng edukasyon. Layunin nitong mapabilis ang pagkatuto ng mga estudyante,
maiangat ang antas ng literasi ng taong bayan, at malinang ang kaisipang
siyentifiko at pagpapahalagang Pilipino.

2. Wikang Opisyal

Ang Wikang Opisyal o tinatawag rin sa State Language sa wikang


Ingles ay tumutukoy sa isang wika ng partikular na bansa o estado. Ito ay wikang
ginagamit sa pamahalaan o gobyerno at hindi ito ang karaniwang wikang ginagamit
ng mga ordinaryong mamamayan. Ang mga ito ay mga wika na tumutukoy sa
ginagamit na opisyal na lenguwahe ng isang bansa. Bukod rito, ang mga bansang
katulad lang Pilipinas ay may iba’t-ibang “dialect” o dialekto maliban sa wikan na
opisyal.

3. Pangulong Manuel Luis M. Quezon

Siya ay pangulo ng Pilipinas na namuno simula 1935 hanggang 1942.


Siya rin ang ama ng wikang Pambansa.

Si Manuel Quezon ay ipinangak noong 1878 at namatay noong taong 1944.


Siya ay anak ng isang guro ng isang paaralan at isang ginoo na may ari ng isang
maliit na lupain na ang mga ninuno ay galing sa Luzon. Napaikli ang pag-aaral niya
ng law sa Unibersidad ng Santo Tomás sa Maynila noong 1899 upang sumali sa
pakikiprotesta para sa kalayaan ng Pilipinas laban sa Estados Unidos, sa pamumuno
ni Pangulong Emilio Aguinaldo. Matapos sumuko ni Emilio Aguinaldo noong 1901
ay bumalik si Quezon sa unibersidad, tinapos ang pag-aaral at nakuha ang kanyang
degree (1903), at naging isang abogado ng ilang mga taon.

Page 1 of 7
Republic of the Philippines
CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF
AGRICULTURE
San Jose, Pili, Camarines Sur 4418
Website: www.cbsua.edu.ph
Email Address: op@cbsua.edu.ph
ISO CERTIFIED

4. Surian ng wikang Pambansa

Ang surian ng Wikang Pambansa o SWP ay naitatag sa panahon ng komonwelt


sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Manuel Luis Quezon. Ito ay naitatag noong
ika 13 ng Nobyembre taong 1936 na naglalayon na makapili ng isang wikang
katutubo na siyang magiging batayan ng pagpapatibay at pagpapa-unlad ng wikang
pamabansa ng Pilipinas.

5. Mga opisyales ng SWP

Ang mga bumuo ng unang SWP o Surian ng Wikang Pambansa (Filipino) pati
ang wikang kinatawan:

Patnugot: Jaime C. de Veyra (Samar-Leyte)

Kalihim: Cecilio Lopez (Tagalog)

Mga Kagawad:

Santiago Fonacier (Ilokano)


Filemon Sotto (Cebuano)
Casimiro Perfecto (Bicol)
Felix Salas Rodriguez (Hiligaynon)
Hadji Butu (Tausug)

Hinirang ni Pangulong Manuel Quezon si Jaime C. de Veyra bilang Patnugot


ng Surian ng Wikang Pambansa noong Enero 12, 1937. Ang Batas Komonwelt
Bilang 184, serye 1936 ang naging dahilan sa paglikha ng Surian ng Wikang
Pambansa. Nagtatakda ito ng kapangyarihan at tungkulin sa mga bumubuo ng
SWP. Sa kasamaang-palad, may dalawang kagawad ng SWP ang hindi
nakapagpatuloy ng kanilang tungkulin. Namatay si Hadji Butu at nagdimite sa
Filemon Sotto dahil sa kanyang kapansanan.

Page 2 of 7
Republic of the Philippines
CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF
AGRICULTURE
San Jose, Pili, Camarines Sur 4418
Website: www.cbsua.edu.ph
Email Address: op@cbsua.edu.ph
ISO CERTIFIED

PAGSASANAY 2

Panuto: Talakayin ang iyong pananaw hinggil sa mga sumusunod.

1. Ang mga sumusunod ay ilan sa mahahalagang puntos na ibinigay ng mga petisyoner laban sa
CMO 20, Series 2013:

a. Ang paghina at, sa kalaunan, kamatayan ng ating pambansang wika, kultura, kasaysayan, at
pambansang pagkakakilanlan.

Isa sa mga importanteng puntos na ibinigay ng mga nag petisyon laban sa CMO 20, Series
2013 ay ang mga paksang mas mahalaga sa pagpapalakas ng pambansang pagkakakilanlan, at
pambansang kaunlaran tulad ng Filipino, English, Economics at iba pang mga paksa ay humina
kaysa sa pagpapatupad ng K to 12 even kung hindi ito naaayon sa pangangailangan ng bansa at ng
mamamayan ng pilipinas. Na ang batas ay tila hindi pinapansin ang yumayabong na kultura, wika, at
kasaysayan ng ating bansa.

b. Dudulo ang panghihina at kamatayang ito ng mga Pilipno bilang nagkakaisang mamamayan
at may pagmamahal sa bayan, at ng Pilipinas bilang maunlad na bansa—mga baya na nilayong
iwasan ng mga nagbalangkas ng Kostitusyon at ng sambayanang nagratipika nito.

Ang wikang Filipino sa pamantasan ay kumakatawan sa ating pagpapahalaga na ang ating


buhay bilang isang bansa ang siyang humuhubog sa isipan ng mga kabataan at matatanda na may
kapangyarihan sa sistemang Edukasyon. Kaya't ang CMO 20, Series 2013 ay magiging mas kaaya-
aya sa patuloy na paglaki at pag-unlad hindi lamang ng ating sariling wika kundi pati na rin ang ating
pagkatao. Ngunit may mga alyansa na nagbigay daan upang mas mapanatili ang pagtuturo ng
Filipino sa bagong Philippine General Education (GEC) sa kolehiyo, itulak ang pambansang
makahulugang edukasyon sa Pilipinas at pakikibaka upang mapanatili ang mga paksa ng Filipino at
Panitikan sa kolehiyo.

c. Kapag hindi napagbigyan ang kahilingan ng mga petisyoner na ipahinto ang implementasyon
ng CMO no. 20 sa pamamagitan ng temporary restraining order at/o writ of preliminary injuction.,
tuluy-tuloy na maipatupad ng CHED ang isang kurikulum na anti-Filipino, anti-nasyonalista at
tahasang lumalabag sa konstitusyon.

Ang isang TRO o pansamantalang pagpipigil sa utos o nakasulat na paunang utos ay inilaan
upang agad na suspindihin ang unang kilos o hangarin na gumawa ng malubhang pag-iwas sa pinsala
o pagbabasa ng isang halimbawa. Kung ang kahilingan ng mga petitioner na itigil ang pagpapatupad
ng CMO no. 20, isasapanganib natin ang panganib na ang Filipino at panitikang Pilipino ay hindi na
maituro sa mga paaralan. Ang mga paksang ito ay nakakagambala sa ating mga Pilipino bilang
bahagi ng ating pamumuhay. Mawawalan kami ng isang makabuluhang sukat sa kultura para sa
pambansang pagkakakilanlan.

Page 3 of 7
Republic of the Philippines
CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF
AGRICULTURE
San Jose, Pili, Camarines Sur 4418
Website: www.cbsua.edu.ph
Email Address: op@cbsua.edu.ph
ISO CERTIFIED

d. Pahihinain nito ang pundasyon ng ating nasyonalismo, identidad, kultura, pagkabansa,


pagkakaisa, at demokrasya.

Ang CHED, bilang tagapagtaguyod ng tunay at holistic na edukasyon sa kolehiyo, ay


naglagay ng matatag na pundasyon ng ating pagkatao bilang mga Pilipino. Mahalagang itaguyod ang
ating sariling wika nang higit at pag-aralan ito nang hindi ito winawasak. Ito ang isa pang dahilan
kung bakit pinapalabnaw ng nasyonalismo ang aspetong pangkulturang mga Pilipino. Mula sa iba`t
ibang tema nito bilang isang wika ng pagkakaisa, kaunlaran, karunungan, pagsasaliksik, at maging
ang pagbabago, ipinapakita na ang Filipino ay isang wika na nagmula kahit saan.

PAGSASANAY 3

Panuto: Ilagay ang titik ng tamang sagot sa patlang na inilaan.

1. Ang mga sumusunod ay ang ating mga lider na makabayan sa kasaysayan ng wikang
pambansa maliban sa isa:

a. Cecilio Lopez

b. Teodoro Kalaw

c. Lope K. Santos

d. Jose Rizal

2. Anong taon ginawa Kombensyong Konstitusyonal ang binuo ng Pamahalaang Komonwelt


upang maisakatuparan ang pangarap ni Quezon.

a. 1934

b. 1997

c.1935

d. 1943

3. Anong petsa Inaprobahan ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184 na lumikha ng
Surian ng Wikang Pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika at pumili
ng isa na magiging batayan ng wikang pambansa.

a. Nobyembre 8, 1936

b. Abril 1, 1940
Page 4 of 7
Republic of the Philippines
CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF
AGRICULTURE
San Jose, Pili, Camarines Sur 4418
Website: www.cbsua.edu.ph
Email Address: op@cbsua.edu.ph
ISO CERTIFIED
c. Nobyembre 7, 1936

d. Disyembre 30, 1937

4. Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong Quezon, ang


Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog sa anong taon ?

a. Nobyembre 8, 1936

b. Disyembre 30, 1938

c. Nobyembre 7, 1936

d. Disyembre 30, 1937

5. Sa anong taon ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na nagtadhana ng paglilimbag


ng isang balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa.

a. Abril 1, 1940

b. Disyembre 30, 1938

c. Abril 1, 1942

d. Disyembre 30, 1937

6. Anong taon pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa Hulyo 4,


1946. Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa.

a. Hunyo 6, 1942

b. Hunyo 7, 1940

c. Hunyo 9, 1941

d. Hunyo 8, 1940

7. Anong taon nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa taunang
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula sa Marso 29 - Abril 4. Subalit ang petsa ng
pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-19 tuwing taon.

a. Marso 27, 1954

b. Hunyo 7, 1940

c. Marso 26, 1954

Page 5 of 7
Republic of the Philippines
CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF
AGRICULTURE
San Jose, Pili, Camarines Sur 4418
Website: www.cbsua.edu.ph
Email Address: op@cbsua.edu.ph
ISO CERTIFIED
d. Hunyo 8, 1940

8. Anong taon tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ni Kalihim Jose
Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg 7. Ayon sa kautusang ito, kaylaman at
tutukuyin ang pambansang wika ay Pilipino ang gagamitin.

a. Agosto 12, 1959

b. Hunyo 7, 1940

c. Agosto 13, 1959

d. Oktubre 24, 1967

9. Anong tao nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang nagtatadhana na ang lahat
ng mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay panganlan sa Pilipino.

a. Agosto 12, 1959

b. Hunyo 7, 1940

c. Agosto 13, 1959

d. Oktubre 24, 1967

10. Anong taon ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang isang kautusan na
ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay nito ay maisulat sa
Pilipino.

a. Agosto 7, 1973

b. Hunyo 7, 1940

c. Marso, 1968

d. Oktubre 24, 1967

Page 6 of 7
Republic of the Philippines
CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF
AGRICULTURE
San Jose, Pili, Camarines Sur 4418
Website: www.cbsua.edu.ph
Email Address: op@cbsua.edu.ph
ISO CERTIFIED

Page 7 of 7

You might also like