You are on page 1of 6

THEME: GURONG FILIPINO: KATUWANG SA HAMON; KASAMA SA PAGBANGON

PROGRAM SCRIPT
Masters of the ceremony: S: Sherilyn and R: Renielle

-KAMUSTAHAN-
R: Ilan na ba ang mga manonood natin ngayon ng makapagsimula na tayo.

S: Pa-share naman ng live mga bessy kong rajans! Magcomment na din kayo kung sino ang
gustong magpa-shout out.

-SHOUT OUT EME CHUCHU (LIMA LANG)-

R: Ayan Kumare kong Sherilyn mukang marami-rami na ang nanonood sa atin. Teh! wag na
tayong magpatumpik-tumpik pa at umpisahan na natin ang palatuntunan ngayong araw.

-SIMULAN NA-

S: Magandang (Umaga, Hapon, Tanghali) sa mga manonood, mag-aaral, guro, at sa ating


butihing punong guro na si Dr. Ligaya G. Quides. Ako si Sherilyn D. Taghap…

R: At ako naman si John Renielle B. Macalla bilang inyong punong- abala dito sa palatuntunan
na may temang…

R: GURONG FILIPINO,

S: KATUWANG SA HAMON; KASAMA SA PAGBANGON.

R: Simulan natin ang programa na ito sa pamamagitan ng pagkanta ng Pambansang Awit ng


Pilipinas na susundan ng Panalangin

-DOXOLOGY & NATIONAL ANTHEM-

S: Renielle icheck nga natin kung buhay ba ngayong araw ang mga batang rajans.

R: Sige nga kung aktibo ba talaga ang mga batang rajans ngayon tadtarin niyo nga ang ating
comment section ng #NTMsaRaja, ang ating hashtag for the day! Inuulit ko #NTMsaRaja. Go!
Go! Go! (RUFFAE MAE BOSES)

S: Ayan nalaman na natin na buhay na buhay ang mga batang Rajans ngayong araw, kitang kita
naman natin kung gaano sila kabilis magcomment ng ating hashtag for the day. Ngayon atin
naman ng pakinggan ang paunang salita ng ating pinakamasipag at masayahing punong guro
ng Raja Soliman, Dr. Ligaya G. Quides.

-INSPIRATIONAL SPEECH-

R: Ngayon naman, ating kilalanin ang mga punong opisyal sa bawat departamento.

-PRESENTATION OF HEADS-
S: Natunghayan na natin ang mga punong opisyal sa bawat departamento, bago natin
ipagpatuloy ang ating programa sino pa ang gustong magpa-shout out! Comment down
below! Paalala lamang mga Batang Rajans na huwag nating kalimutan ang pagsagot ng
Evaluation Form pagkatapos ng ating programa na naka pin sa ating comment section.

-SHERILYN SHOUT OUT TIME-

R: Ops! Mamaya na ulit ang ating shout out, kung gusto niyong mashout out sa ating programa
ngayon patuloy lamang na manood ng ating palatuntunan hanggang sa ito ay matapos.

S: Siya nga pala Nyel! Alam mo na ba?

R: Teh di ka talaga nauubusan ng chika araw-araw. Ano na naman yang nasagap mong balita
wuy at di na ako mapakali na mapakinggan yan. Ichika mo yan!

S: Alam mo naman teh, ako to si Sherilyn ang dakilang chismosa ng Raja Soliman
HAHAHAAAAHHA so eto na nga teh mainit- init pa’tong tsaa na’to.

R: Nako… ang dami mo pang sinasabi kanina pa ako di mapakali ha.

S: Eto na nga, eh. Dili ka talaga makapaghintay kahit kelan. Upang mas lalo pa kayong ganahan
ngayong araw, may inihandang surpresa ang mga grade 7 officers!

R: Isa ba yang pagsayaw? Pagkanta? O pagbuga ng apoy?

S: Teh grabe ka sa pagbuga ng apoy HAHAHA ang o.a ni akla ha. Syempre kahit na nasa
kalagitnaan tayo ng pandemya ngayon hindi ito magiging hadlang para magpakitang gilas ang
mga Batang Rajans, kung kaya’t, wag na tayong magpatumpik-tumpik pa at atin nang i-play
ang video nang masilayan natin ang kanilang inihandang performance para sa lahat! Bigyan
natin ng masigabong emojing palakpakan si Khate Celrine Bugal ng Grade 7-SPSA!

-GRADE 7 INTERMISSION-

R: Wow naman napaka-gandang tunay ang performance ng grade 7, maraming salamat khate.
Gusto ko pa sanang makapanood ng ganyan. Napapaindak ako sa galaw ni ate girl ha, parang
gusto ko na ding magtiktok after ng programa natin ngayon.

S: Ay teh kahit aq nabitin hayaan mo later marami pang bonggang pasabog ang programang
ito. Sa ngayon atin munang panoorin ang maikling mensahe ng dating Pangulo ng Supreme
Student Government, Ginoong Romer P. Valdez para sa ating mga minamahal na Guro.

-MESSAGE OF MR. VALDEZ-

R: Salamat Ginoong Valdez sa iyong napakagandang mensahe para sa ating mga guro. Sa
ngayon, tunghayan at ating kilalanin ang mga magigiting na guro mula sa Kagawaran ng
Filipino, English at Science.

-FILIPINO, ENGLISH, SCIENCE-


S: At ayan atin ng nakita ang ating mga naggagandahan at naggagwapuhang guro mula sa
deprtamento ng Filipino, English at Science. Oh Renielle, diba nabitin ka sa presentasyon
kanina? Ay teh may pasabog na naman!

R: Talaga ba teh? Punong puno talaga ng pakeme basta mga Batang Rajans ano. Jusko!
Naeexcite na naman ako teh!

S: Ay teh ako din hindi na makapaghintay kaya huwag na nating patagalin pa ito. Narito na si
Alphen Gwyneth C. Anunsacion mula sa ika-walong baitang. Bigyan natin siya ng
tumatagingting na emojing palakpakan!

-GRADE 8 INTERMISSION-

R: Maraming Salamat Gwyneth sa iyong presentasyon, nakaka-antig ng puso grabe! Sa


panahon talaga ng pandemiya, ang ating mga guro ang ating bagong bayani ngayon. Kaya
hands up sa ating mga guro na patuloy tayong tinuturuan at tinutulungan na makamit ang
ating mga pangarap, Saludo po kami sa inyong lahat at lubos po kaming nagpapasalamat sa
inyo. Oh loko later na ang drama, ngayon atin namang panoorin ang maikling mensahe ng
Pangulo ng Samahan ng mga Magulang at Guro na si Gng Bernadette Palafox para sa ating
mga minamahal na Guro.

-MESSAGE OF MRS. PALAFOX-

S: Salamat po Gng. Palafox. Ngayon ay atin namang kilalanin ang da best teachers mula sa
departamento ng Mathematics, Araling Panlipunan at Edukasyon sa Pagpapakatao ng ating
paaralan!

-MATHEMATICS, AP, ESP-

R: Ayan tunay ngang ang gaganda at gagwapo ng mga guro sa Raja ano po ano! (eme-emeng
tili ka dito teh)

S: Ay te tru yan, kahit stress sa ating mga estudyante sila mam ser eh ang fefresh pa din jusq
skincare reveal mam ser charot! Pero teh nako! Hindi magpapahuli ang mga nasa ika-siyam na
baitang jusq! Mas matindi ang performance ng mga ito! Kaya halina’t tunghayan natin ang
kagalingan ng Grade 9! Ipinakikilala namin sina Al-Rajid Sinalan at Shadeena Akbar mula sa ika-
siyam na baiting. Emojing palakpakan!

-GRADE 9 INTERMISSION-

S: Grabe!!! Ibang level ang performance ng Grade9 ha, pang worldwide! Kinikilabutan ako
habang pinapakinggan ang kanilang presentasyon. Maraming salamat uli kina Al-Rajid at
Shadeena. Lubos talaga ang ating pasasalamat sa ating mga guro dahil sila ang tumayong
ikalawang magulang natin upang tayo ay gabayan at tulungan na maabot ang ating mga
pinapangarap sa buhay. So, gaya nga ng binanggit sa awitin kanina “Asahan mong mananatili
ka sa aking puso” ayan noh napapakanta din ako noh! Pero hinding hindi po talaga namin
makalilimutan ang mga aral at payo na inyong ibinahagi sa amin. Muli, maraming salamat po
sa inyo.
R: Ay teh napapakanta ka pa ha, nake-carried away ka sa mga performance ng mga Rajans
ano! Pero true ka diyan mars! Super duper thank you mga mam ser MWAH! Sa sobrang drama
natin teh baka nakatulog na ang mga Rajans. I-check nga natin kung buhay pa ba sila,
SHOUTOUT TIME!!! -RENIELLE IKAW MAGSHOUT OUT-

S: Oh later na ulit ang pashout out, medyo matagal-tagal pa itong programa natin. Sa ngayon
atin namang panoorin ang maikling mensahe ng Barangay Chairman mula sa Brgy. 282 na si
Chairman Steven Yap para sa ating mga minamahal na Guro.

-MESSAGE CHAIRMAN STEVEN YAP-

R: Salamat po Chairman Steven Yap sa inyong mensahe para sa ating mga guro. Malugod
naman naming ipinapakilala ang mga magigiting na guro mula sa departamento ng Technology
and Livelihood Education, Home Economics at MAPEH

-TLE, H,E, MAPEH-

S: Akala nyo matitigil na sa grade 9 ang intermission? Tss. Nagkakamali kayo dyan! Hinding
hindi magpapahuli ang mga nag goglow na imong mga ate at kuya ng Rajans! Presenting, a
great performance of Maria Faye Labonete from Grade 10-SPS

-GRADE 10 INTERMISSION-

R: Grabe na talaga! Wala akong masabi!!! HANDS UP GRABE!!! Iyo na ang korona teh!

S: True teh! Ako din walang masabi jusko, nakanganga ako habang pinakikinggan ang kaniyang
awitin, para akong nasa Tawag ng Tanghalan. Pero maraming salamat Maria Faye sa iyong
napakagandang awitin.

R: Atin namang panoorin ang maikling mensahe mula sa kasalukuyang Congressman ng


Ikatlong Distrito ng Maynila, Kagalang-galang na si Mr. John Marvin C. Nieto o mas kilala sa
tawag na Ginoong Yul Servo para sa ating mga minamahal na guro.

-MESSAGE YUL SERVO-

S: Ngayon naman ipinakilala namin ang ating mga fresh from the oven na mga guro mula sa
departamento ng Senior High School.

-SHS DEPARTMENT-
R: Atin namang ipinakikilala at mainit na winewelcome ang ating mga bagong guro sa Raja
Soliman.

-BAGONG TEACHER DEPARTMENT HAHAHHAHAHA-

S: Ayan! Welcome po sa Raja Soliman mga mam ser nawa po ay maging masaya ang inyong
landas sa pagtuturo dito sa ating paaralan. Pero syempre back to entertainment po tayo ano.
Hindi pa nagtatapos ang mga pasabog sa araw na ito kung kaya’t atin ng panoorin ang
presentasyon na kanilang inihanda para sa ating mga mahal na guro. Bigyan natin ng
tumatagingting na emojing palakpakan sina Julius Marcus Mendoza at Ashley Pearl Tolosa ng
Grade 12-ABM 1202A
-SHS INTERMISSION-

R: Talaga namang hindi magpapakabog sila ate at kuya ano. Akala ko hanggang Junior High
School lang ang may inihandang presentasyon, bonggang pak ganern talaga ang mga nasa
Senior High School!

S: Ay teh alam mo yan di tayo papahuling mga SHS pagdating sa mga ganiyan. Kung mas
bongga ang mga JH syempre dapat mas bongga tayong mga SH noh! Charot! Muli, maraming
salamat Julius Marcus at Ashley Pearl sa inyong inihandang presentasyon ngayong araw.

R: Ay true ka diyan! Ngayon naman para sa pag-anunsyo ng mga nanalo sa paligsahan, aming
tinatawagan si Ginoong Casis, you may now take the floor sir.

-AWARDING OF WINNERS-

S: Ayan maraming salamat po Ginoong Casis at congratulations sa mga mag-aaral na nanalo sa


iba’t ibang paligsahan.

R: Congratulations mga dzai! DASURV!!

S: Tru dasurv na dasurv. Sana Rajans noh, huwag tayong huminto sa pagpapakita ng ating mga
talento at patuloy na sumali sa mga paligsahan ng ating paaralan dahil ang new normal
education na ito ay hindi hadlang para hindi natin maipamalas ang ating mga talento.

R: Heavy throat teh! Huwag niyong hahayaan na nakalockdown din ang inyong mga talento,
ilabas niyo yan mga ate’t kuya. (KANTA KA NG LET IT GO FROZEN) Let it go, Let it go, CHAROT!
HAHAHAHAHAHAHAHA! At ngayon, Atin namang pakinggan ang thanksgiving speech na
inihanda ni Nicole Villanueva ang ating Interim SSG President.

-THANKSGIVING SPEECH-

S: Salamat Nicole sa iyong mensahe. Akala mo ba mare ang mga Rajans lang ang may
inihandang presentasyon?

R: Ay te sino pa ba? Si Kuya Raymond? O si Mang Berto? CHAROTTTT!!! Sino pa ba teh?

S: Diyan ka nagkakamali mare! Nako, hindi magpapakabog ang ating mga Guro. Ops Pero bago
yan, shout out time muna tayo teh ng malaman natin kung aktibo pa bang nanonood ang mga
kapwa natin Rajans.

R: Ay pabitin ka ghorl ha! Pero sige na nga, comment down below kung sinong gustong mag
pashout out with our hashtag for the day #NTMsaRaja! Ayan inuulit ko, wag nating
kakalimutan na ilagay ang #NTMsaRaja upang ikaw ay mashout out.

S: Paalala lamang din po na sagutan natin ang Evaluation Form na nakapin sa ating comment
section pagkatapos ninyong mapanood an gating programa ngayong araw.

-RENIELLE SHOUT OUT-


S: Ayan ano, parang nagkape ang mga batang Rajans bago manood ng programa natin ngayon
partner, mga gising na gising e.

R: Ay te, gising na gising sila kasi inaantay pa nila ang mga pasabog ngayon kaya ipagpatuloy
mo na yung sinasabi mo kanina dahil nacucurious ako kung sino ba ang next na
magpeperform.

S: Eto na nga teh! Dahil hindi papakabog ang ating mga guro, atin ng tunghayan ang
presentasyon ni Ginoong Ronald Gazzingan mula sa Kagawaran ng Filipino at ang salaysay
naman ay sinulat ni Regine Bautista na dating mag-aaral ng Raja Soliman.

-MR GAZZINGAN PRESENTATION-

R: Maraming Salamat po Ginoong Gazzingan sa inyong nakakaantig damdamin na


presentasyon. Taos puso at lubos po kaming nagpapasalamat sa inyo. Hindi po matutumbasan
ng kahit anong material na bagay ang sakripisyong ibinuhos niyo sa amin upang kami ay
maturuan ng mga aral sa buhay na aming magagamit sa hinaharap. (PWEDE KANG MAG
ADLIV) Muli, maraming salamat po.

S: Ops! Di pa diyan nagtatapos ang presentasyon ng ating mga guro. Ngayon naman ating
bigyang pansin ang inihandang presentasyon ng ating mga punong opisyal sa bawat
departamento. Bigyan natin sila ng masigabong emojing palakpakan!

-INTERMISSION OF HEADS-

DAGDAGAN MO NA DITO THE TAPOS NA LAST NA YANG INTERMISSION

You might also like