You are on page 1of 6

TENIAPAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Taniapan, San Pablo, Zamboanga del Sur

SUMMATIVE TEST in ARPAN GRADE 8


Written Work – Quarter 1 / SY 2021-2022
Teacher: Mr. Ramir C. Becoy / 09663994606 / FB: Ramir Caňete Becoy
Walkie-Talkie: Frequency 9

Name: ________________________________________ Score: _________

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Bilugan ang titik nang iyong napiling sagot.

I. MELC: Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig. (AP8HSK-Id-4)

1. Anong tawag sa bahagi ng estruktura sa daigdig na kung saaan may patong na mga batong
nakapakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito?
a. Core b. Crust c. Cover d. Mantle

2. Anong pamamaraan sa pagtukoy ng lokasyon na ang batayan ay mga lugar at bagay na nasa
paligid nito?
a. Latitude line c. Longitude line
b. Lokasyong absolute d. Relatibong lokasyon

3. Ang mundo ay binubuo ng pitong kontinente. Anong kontinente ang may pinakamaliit na sukat
kilometro kuwadrado?
a. Asia c. Europe
b. Australia at Oceania d. South America

4. Alin sa sumusunod na tema ng heograpiya ang tumutukoy sa paglipat ng tao mula sa


kinagisnang lugar patungo sa ibang lugar?
a. Lokasyon b. Lugar c. Paggalaw d. Rehiyon

5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng rehiyon bilang isa sa mga
tema ng pag-aaral ng heograpiya?
a. Ang klima ng Pilipinas at tag-araw at tag-ulan.
b. Islam ang opisyal na relihiyon ng Saudi Arabia.
c. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Timog bahagi ng Taiwan.
d. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations.

6. Alin sa mga pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isa sa tema ng pag-aaral ng
heograpiya?
a. Ang Germany ay miyembro ng European Union.
b. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristiyano.
c. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng karagatang Pasipiko.
d. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga namumuhunan.

7. Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng araw sa buhay ng tao, halaman at hayop. Ano


ang kinalaman ng araw sa kalagayang ito?
a. Ang araw ang nagbigay ng liwanag sa daigdig.
b. Ang araw ang siyang nagbigay ng liwanag sa buwan.
c. Napapanatili ng araw ang dami ng mga halaman sa kapaligiran.
d. Sa araw kumukuha ng enerhiya ang lahat ng may buhay sa daigdig.

8. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa pagbibigay ng ralatibong lokasyon?


a. Anyong lupa c. Imahinasyong guhit
b. Anyong tubig d. Estrukturang gawa ng tao

9. Ano ang pinakamataas na bundok sa buong daigdig?


a. Annapurna b. Everest c. Lhotse d. Makalu
10. Ang daigdig ay may apat na hating globo o hemisphere. Anong imahinasyong guhit ang
humahati sa northern at southern hemisphere?
a. Equator b. Latitude c. Longitude d. Prime meridian

II. MELC: Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa, at mamamayan sa
daigdig (lahi, pangkat-etnolingguwistiko, at relihiyon sa daigdig. (AP8HSK-Ie-5)

11. Ano ang tinutukoy na pagkakatulad at pagkakaiba ng mga tao sa isang bansa o rehiyon batay
sa wika?
a. Etniko b. Etnisidad c. Etnolinggwistiko d. Katutubo

12. Ano ang pangunahing batayan sa pagkilos ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na


pamumuhay?
a. Etniko b. Etnisidad c. Lahi d. Relihiyon

13. Anong saklaw ng heograpiyang pantao ang itinuturing na kaluluwa at nagbibigay


pagkakakilanlan o identidad ng isang pangkat?
a. Lahi b. Pangkat etniko c. Relihiyon d. Wika

14. Alin sa sumusunod na konsepto ang tumutukoy sa pangkat ng tao na may iisang kultura o
pinagmulan?
a. Etniko b. Lahi c. Paniniwala d. Wika

15. Anong saklaw ng heograpiyang pantao ang tumutukoy sa kalipunan ng mga paniniwala at ritwal
ng isang pangkat?
a. Etniko b. Lahi c. Relihiyon d. Wika

16. Anong relihiyon ang may pinakamaraming tagasunod sa buong mundo?


a. Budismo b. Hinduismo c. Islam d. Kristiyanismo

17. Alin sa mga pangunahing relihiyon sa mundo ang may painakamaliit na tagasunod?
a. Budismo b. Hinduismo c. Islam d. Kristiyanismo

18. Ano ang mahalagang papel na ginampanan ng wika sa tao?


a. Ito ay susi ng pagkakaintindihan.
b. Sisikat ang tao kung marami ang wika.
c. Dapat pag-aralan ng lahat ng tao ang lahat ng wika.
d. Yayaman ang tao pag may maraming alam na wika.

Para sa aytem 19 – 20, pag-aralan ang talahanayan sa ibaba.


Mga Relihiyon Bahagdan ng mga Naniniwala
Kristiyanismo 31.59%
Isla 23.20%
Hinduismo 15.00%
Non-religious 11.67%
Budismo 7.10%
Iba pa 11.44%

19. Batay sa talahanayan, ang non-religious group ay binubuo ng __________.


a. 7.10% b. 11.44% c. 11.67% d. 15.00%

20. Ano ang iyong mahinuha sa mga datos sa talahanayanan?


a. Mas maraming naniniwala sa Islam kaysa Kristiyanismo.
b. Kakaunti lamang ang yumakap sa relihiyong Kristiyanismo.
c. Nangunguna ang Kristiyanismo sa may pinakamaraming naniniwala.
d. Halos magkatulad ang dami ng naniniwala sa Hinduismo at Budismo.

III. MELC: Nasusuri ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong prehistoriko (AP8HSK-If-6)

21. Alin sa sumusunod na panahon ang hindi pa laganap ang paglikha ng mga kasangkapan?
a. Mesolitiko b. Metal c. Neolitiko d. Paleolitiko
22. Ang sumusunod na pangyayari ay naganap noong panahon ng Mesolitiko maliban sa:
a. Naninirahan na sila sa tabing ilog upang mabuhay.
b. Gumagawa na sia ng mga palayok na gawa sa luwad.
c. Nagsimula na ang mga tao sa pag-aalaga ng mga hayop.
d. Marunong ng makipagpalitan ng produkto sa karatig na lugar.

23. Nahahati sa tatlong kapanahunan ang Panahon ng Bato: Paleolitiko, Mesolitiko, at Neolitiko.
Ano ang kahulugan ng Mesolitiko?
a. Gitnang panahon ng bato c. Panahon ng bagong bato
b. Panahon ng lumang bato d. Gitnang panahon ng bronse

24. Sa anong yugto ng panahong prehistoriko natuto ang mga sinaunang tao sa paglibing ng mga
yumao?
a. Mesolitiko b. Metal c. Neolitiko d. Paleolitiko

25. Aling pahayag ang nagsasaad ng maling impormasyon tungkol sa mga yugto ng pag-unlad ng
tao?
a. Pinakinis na bato ang gamit noong panahong Neolitiko.
b. Umunlad ang Sistema ng agrikultura sa panahong Paleolitiko.
c. Dumami ang maaaring gawin ng mga tao nang gumamit na sila ng metal.
d. Ang Sistema ng agrikultura ang nagbunsod sa pagkakaroon ng kalakalan.

26. Anong kahalagahan ang ginampanan ng mga kaganapan sa panahong Neolitiko?


a. Dito nagsimula ang Sistema ng pagtatanim.
b. Nalinang ang paggamit ng matitigas na bakal.
c. Dito nag-umpisa ang pagkatatag ng mga kaharian.
d. Sa panahong ito natuklasan ang paggamit ng apoy.

27. Ano ang mahihinuha kapag ang tao ay may kaalaman na sa pagtutunaw at kasanayan sa
pagpapanday ng mga bakal?
a. Tataas ang suplay ng pagkain.
b. Uunlad ang pakikipagtalastasan.
c. Higit na makapangyarihan ang tao sa lipunan.
d. Sila ay makagagawa ng kasangkapang yari sa bakal.

28. Ano ang tawag sa panahon kung saan hindi pa natutong magtala ang tao ng mga kaganapana?
a. Historiko b. Mesolitiko c. Neolitiko d. Prehistoriko

29. Alin sa sumusunod na pahayag ang tamang paglalarawan sa panahong Paleolitiko?


a. Natuto nang magtanim ang tao.
b. Natuklasan ang paggamit ng bakal.
c. Naninirahan malapit sa mga lambak.
d. Nakapaglikha na nag mga palamti na yari sa bronse.

30. Ano ang naging dahilan ng pamamalagi ng mga tao sa isang permanenting lugar sa panahong
ng Neolitiko?
a. Natutunan na ang pagmimina.
b. Takot silang mabihag ng ibang tribu.
c. Mapanatili nila ang pangangalaga ng mga pananim.
d. Natatakot na itong magpalipat-lipat dahil sa mga mababangis na hayop.

IV. MELC: Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa
daigdig. (AP8HSK-Ig-6)

31. Alin sa sumusunod na pinakamatandang kabihasnan ang nananatili pa rin hanggang sa


kasalukuyan?
a. Ehipto b. Indus c. Mesopotamia d. Tsino

32. Alin sa sumusunod ang kinikilalang pinakamatandang kabihasnan sa buong daigdig?


a. Ehipto b. Indus c. Mesopotamia d. Tsino
33. Ano ang mahalagang epekto ng pagkakatuklas ng mga sinaunang Tsino sa paraan ng
pagkontrol ng palagiang pag-apaw ng tubig sa Huang Ho?
a. Nadagdagan ang kanilang kaalaman tungkol sa uri ng mga isda.
b. Bawat tahanan sa lipunan ay mayroon ng sapat na suplay ng tubig.
c. Napahusay nito ang paggawa ng mga malalaking sasakyang pandagat.
d. Nagbigay-daan ang pangyayari upang makapamuhay sa lambak ang mga magsasaka.

34. Ano ang naging bunga ng pag-unlad ng lipunan sa pagkakaroon ng mga pagbabago sa
aspektong panlipunan, pampulitika at panrelihiyon sa Mesopotamia?
a. Nilisan ng mga tao ang Mesopotamia.
b. Nagdulot ito ng sentralisadong kapangyarihan.
c. Nagbunga ito ng hindi pagkakaunawaan sa lipunan.
d. Humina ang kabihasnan dahil sa pakikipagkalakalan.

35. Ano ang kahalagahan ng mga likas na yaman sa pag-unlad ng Kabihasnang Indus?
a. Nagsisilbi itong proteksypn sa kanilang lupain.
b. Madali silang makatago tuwing mayroong mga kalaban.
c. Nagiging pundasyon ng pag-unlad ng kanilang ekonomiya.
d. Pinapalakas nito ang kapangyarihan ng kanilang pamahalaan.

36. Saang rehiyon sa Asya matatagpuan ang sinaunang kabihasnan ng Indus?


a. Hilaga b. Kanluran c. Silangan d. Timog

37. Ano ang naging sanhi ng pagbagsak ng kabihasnang Mesopotamia?


a. Walang likas na hangganan ang lupaing ito.
b. Hindi nagkakaisa ang mga mamamayan dito.
c. Madalas ang pag-apaw ng Ilog Tigris at Euphrates.
d. Walang kasanayan ang mga tao sa pakikipagdigma.

38. Ano sa palagay mo ang mainam gawin upang mapanatili ang pakinabang ng Nile Delta sa
ekonomiya ng bansang Ehipto?
a. Magtayo ng mga kompanya upang maakinabangan ang mga hayop at gawing pagkain.
b. Maghanap ng mamumuhunan upang magpatayo ng mga condominium o di kaya ay
subdivision.
c. Gagawin ang lugar bilang isa sa mga lugar ng turismo upang matulungang mapalago ang
ekonomiya.
d. Gagawin ang lugar bilang lugar ng libangan at isagawa ang aktibidad ng pangangaso at
camping.

39. Bakit binansagang “Biyaya ng Ilog Nile” ang Ehipto?


a. Kung wala ang disyerto ay magiging ilog ang buong Ehipto.
b. Ang nangunguna at bukod-tanging sibilisasyon sa buong mundo.
c. Kung wala ang ilog, ang buonglupain ng Ehipto ay magiging isang disyerto.
d. Ang lupain ng Ehipto ay pinaniniwalaang tahanan ng mga diyos sa buong daigdig.

40. Paano binago ng Huang Ho ang buhay ng mga Tsino?


a. Napalago ng ilog ang Sistema ng pagsasaka ng mga Tsino.
b. Naging mahusay na mandaragat ang mga tao dahil sa pagbaha.
c. Hinubog ng ilog ang kanilang kahusayan sa paggawa ng mga barko.
d. Mas pinili ng mga tao na mamuhay sa kagubatan dahil sa madalas na pagbaha ng ilog.

V. MELC: Nasusuri ang mga sinaunang kabihasnan ng Egypt, Mesopotamia, India at China batay
sa politika, ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala at lipunan. (no code)

41. Alin sa sumusunod ang kaisipang umusbong sa Tsina na nagbigay halaga sa pagkakaroon ng
isang organisadong lipunan?
a. Budhismo b. Confucianismo c. Legalismo d. Taoismo

42. Ano ang tawag sa pinuno ng sinaunang Ehipto na itinuturing na diyos at taglay ang mga lihim
ng langit at lupa?
a. Hari b. Pari c. Pangulo d. Paraon
43. Ano ang tawag sa sagradong aklat nna tinipong himnong pandigma, sagradong ritwal, sawikain
at mga salaysay ng mga Hindu?
a. Bibliya b. Koran c. Ritwal d. Vedas

44. Ano ang tawag sa isang kaisipan na humubog sa kamalayan ng mga Tsino na naglalayong
magkaroon ng isang tahimik at organisadong lipunan sa pamamagitan ng pagpapabuti sa sarili
at pagpapahalaga sa ugnayan ng mga tao sa lipunan?
a. Confucianism b. Daoism c. Legalism d. Taoism

45. Alin sa sumusunod ang hindi kasama sa mga sinaunang kabihasnan ng daigdig?
a. Kabihasnang Mesoamerica c. Kabihasnang Indus
b. Kabihasnang Mesopotamia d. Kabihasnang Tsino

46. Ano ang ipinapahiwatig nang pagkakaroon ng cuneiform ng mga Sumerian at hieroglyphics ng
mga taga Ehipto?
a. Ang mga sinaunang tao ay matatalino.
b. Ang mga sinaunang tao ay mga manunulat.
c. Ang mga sinaunang tao ay mayroon ng Sistema ng pagsulat.
d. Ang sinaunang kabihasnan ay mayroong Sistema ng komunikasyon.

47. Alin sumusunod na pangungusap ang naglalarawan sa kapaligiran at nakatulong sa paglinang


ng mga sinaunang kabihasnan?
a. Nagkaroon ng specialized labor batay sa kakayahan at kasanayan.
b. Ang mga Sumer ay gumamit ng luwad o clay-tablets sa kanilang pagsusulat.
c. Ang Kabihasnang Ehipto ay nakapag-imbento ng teknolohiya para sa pagtukoy ng oras.
d. Dahil sa sobra-sobrang produksiyon ng agrikultura napaunlad ang kalakalan o komersiyo.

48. Bakit mahalaga ang lambak-ilog sa pag-usbong ng sinaunang sibilisasyon?


a. Ang lambak-ilog ay mainam sa pagtatanim dahil sa matabang lupa.
b. Ang lambak-ilog ang naging pinagkukunan ng suplay ng tubig sa komunidad.
c. Ang lambak-ilog ang tulay ng transportasyon at kalakalan.
d. Lahat ng nabanggit.

49. Bakit mahalaga ang pag-unlad ng isang pamayanan?


a. Napapaunlad nito ang ekonomiya --- sa paggawa at kalakalan.
b. Natutugunan ang problema ng kakapusan sa pagkakaroon ng makabagong teknolohiya sa
produksiyon.
c. Nagkakaroon ng organisadong paninirahan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng
pamahalaan at batas, pananampalataya, sistemang edukasyon at iba pa.
d. Lahat ng nabanggit

50. Bakit kinikilala ng mga sinaunang tao ang kanilang pinuno bilang diyos?
a. Ang mga pinuno ang nagtatakda ng buwis.
b. Ang mga pinuno ang may responsibilidad sa kaayusan ng sinasakupan.
c. Ang mga pinuno ang batas at dahilan ng pagsikat gn araw, pagbaha at pagtubo ng mga
pananim.
d. Ang mga pinuno ang namumuno sa pagpapalawak ng teritoryo at pagpapatayo ng pook-
sambahan.

VI. MELC: Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.
(AP8HSK-Ij-10)

51. Ang tanyag na Taj Mahal ay nagin pamana ng alin sa nga nabanggit na kabihasnan?
a. Egypt b. Indus c. Mesopotamia d. Tsino

52. Ano ang tawag sa Sistema ng pagsulat ng mga Egyptians na gumagamit ng pagsasagisag sa
isang larawan na inuukit sa mgfa luwad at mga moog?
a. Alpabeto b. Calligraphy c. Cuneiform d. Hieroglyphics
53. Sa anong bansa unang natutunan ang paraan ng pag-iembalsamo na tinatawag na
mummification?
a. China b. Egypt c. India d. Mesopotamia

54. Ano ang kahalagahan ng panitikang Ramayana?


a. Pinag-uusapan ang buhay ni Prinsipe Rama.
b. Ipinadama ang pagmamahal ni Prinsipe Rama sa Prinsesa.
c. Nagpahiwatig ng katapangan si Prinsipe Rama laban kay Ravana.
d. Ipinamalas ang kapangyarihang taglay ni Ravana kay Prinsipe Rama.

55. Bakit mahalaga ang Kodigo ni Hammurabi?


a. Dapat sundin ang namumuno sa lipunan.
b. Dapat sundin ang relihiyon at paniniwala.
c. Dahil mahalaga ang makapag-aral at matuto.
d. Sapagkat naging gabay ito sa aspekto ng buhay ng tao.

56. Bakit itinayo ang Great Wall of China?


a. Depensa sa bagyo. c. Depensa sa mga kalaban
b. Pananggalang sa baha d. Haring sa anumang kalamidad

57. Ano ang gamit ng cuneiform na unang naimbento ng mga sinaunang tao sa Mesopotamia?
a. Umunlad ang sistema ng kanilang kalakalan sa mga karatig pook.
b. Natutunan rito ang paggawa ng kauna-unahang mapa sa buong daigdig.
c. Ito ang nagsilbing paraan ng mga sinaunang tao sa kanilang pagsusulat.
d. Natutunan ng mga sinaunang tao sa Mesopotamia ang pagsunod sa batas.

58. Ano ang pinatunayan ng pagtatayo ng mga natuklasang kalsada, sewerage system at iba pang
uri ng istruktura sa matandang lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa?
a. Sumailalim ang lungsod sa tinatawag na urban city planning.
b. Sumailalim ang lungsod sa maayos na sistema ng agrikultura.
c. Sumailalim ang lungsod sa isang payak na pamumuhay lamang.
d. Sumailalim ang lungsod na itinayo sa isang may kapangyarihang nilalang.

59. Sa kasalukuyang panahon, paano natin pinapahalagahan ang mga pamana ng mga sinaunang
kabihasnan?
a. Sa pamamagitan ng pagsasaulo sa kanilang mga nagawa.
b. Sa pamamagitan ng paggawa ng mga kahanga-hangang bagay.
c. Sa pamamagitan ng pahahalintulad sa kanilang ambag sa kasalukuyan.
d. Sa pamamagitan ng paghanga at pagpapanatili sa knailang mga pamana.

60. Paano nakatulong ang kalakalan sa pamumuhay ng mga tao sa sinaunang panahon?
a. Nakasalalay dito ang pag-unlad ng agrikultura.
b. Dito lamang nakadepende ang yaman ng bansa.
c. Natutugunan nito ang iba pang pangangailangan ng tao.
d. Nagkakaloob ito ng kaayusan at katahimikan ng lipunan.

Pagtatapos sa pagsusulit sa Unang Markahan…

You might also like