You are on page 1of 15

Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina (FILDIS)

MODYUL 1: FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA, WIKA NG BAYAN, AT WIKA NG


PANANALIKSIK

I. Mga Layunin:

Sa modyul na ito, inaasahang iyong/ ikaw ay…

1. Maipaliliwanag ang ugnayan ng mga tungkulin ng wikang Filipino bilang


wikang pambansa, wika ng bayan at wika ng pananaliksik na nakaugat sa
pangangailangan ng sambayanan;

2. Maipaliliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng wikang


pambansa, pagpapatibay ng kolektibong identidad at pambansang kaunlaran at;

3. Makapag-aambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan


ng makabuluhan at mataas na antas ng diskursong akma at nakaugat sa
lipunang Pilipino at bilang wika ng pananaliksik na nakaayon sa
pangangailangan ng komunidad at bansa.

II. Introduksyon:

Linawin natin natin ang probisyong pangwika sa ating Konstitusyon. Sa


Artikulo XIV, Seksyon 6 ay ganito ang isinasaad:

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay


dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas na at
sa iba pang mga wika.

Idekonstrak natin ang probisyong ito. Una , malinaw kung ano ang itatawag
na wikang pambansa ng Pilipinas, ito ay Filipino. Ikalawa, ito ay isang wikang nasa
proseso pa rin ng paglilinang. Ikatlo, may dalawang saligan ng pagpapayabong at
pagpapayaman sa wikang ito, at ito ay umiiral na wika sa ating bansa o ang mga
dayalek at ang ikalawa ay ang iba pang wika o ang mga dayuhan na
nakaimpluwensya/ nakaiimpluwensya sa ating kabihasnan tulad ng Ingles , Kastila,
Intsik at iba pa.
Ngunit ano ba ang pormal na deskripsyon ng Filipino bilang wikang pambansa?
Makatutulong sa atin ang muling pagsangguni sa Resolusyon 96-1 ng Komisyon sa
Wikang Filipino. Ganito ang batayang deskripsyon ng Filipino ayon sa KWF.

III. Mga Aralin:


A. KALIKASAN NG WIKANG FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA

Ang Filipino ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang


wikang ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang
buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglilinang sa pamamagitan ng
panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di katutubong wika at ebolusyon ng
iba’t ibang barayti ng wika para sa iba’t ibang saligang sosyal at para sa mga paksa
ng talakayan at iskolarling pagpapahayag.

Sa deskripsyon ng KWF, ipinagdidiinan na ang wikang Filipino ay buhay at


dahil nga buhay , ito ay dinamiko. Ngunit, pansinin natin ang proseso ng paglinang
dito ayon sa nakasaad sa resolusyon. Bigyang -diin natin ang parirala sa
pamamagitan ng panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di katutubong wika.
Totoo naming nanghihiram ang wika sa mga di katutubong wika o mga wikang
dayuhan lalo na para sa mg konseptong walang direktang katumbas sa ating wika.
Ngunit , kaiba sa karaniwang panghihiram ng mga bagay, sa paghihiram ng wika ay
inaari na rin nating atin ang salitang ating hiniram na maaaring nang walang
pagbabago o may pagbabago sa baybay. Hiram sa Ingles ang salitang kompyuter,
taxi, fax machine, cellphone at marami pang iba, ngunit Filipino na rin ang mga ito.
Gayundin ang tsuper , kudeta, mula Pranses; pansit, siopao,lomi mula sa Intsik:
aquarium ,gymnasium, modus operandi mula sa Latin; silya, libro,kubyertos ,
sibuyas mula sa Kastila. Itinuturing na ring Filipino ang mga salitang ito at ang
marami pang iba. Hindi na natin kailangang ibalik ang mga ito sa wikang ating
pinanghiraman, sapagkat bagamat hiram nga at atin na rin.

Hindi rin maitatatwa ang pagpasok sa Filipino ng mga bokabularyong mula


sa mga wika sa ating bansa tulad ng jihad (Muslim) , buang (Bisaya), gurang
(Bisaya), manong/manang (Ilocano), pinakbet (Ilocano) at marami pang iba.
Ngunit , mapupuna sa Resolusyon ng KWF ang sinasabing panghihiram bilang
proseso ng paglinang sa mga salitang ito na mula sa mga wika sa iba’t ibang panig ng
ating bansa. Hindi natin hinihiram ang ano mang bagay na atin naman. Kung ang
salita, kung gayon, ay galing sa Mindanao, Visaya o sa Hilaga o Katimugang bahagi ng
Luzon, hindi iyon
hiniram ng Filipino sapagkat atin din naman ang mga wikang pinagmulan niyon.
Samakatwid, mas akmang gamitin ang salitang pag-aambag sa halip na
panghihiram.

Samakatwid, ang Filipino (1987 Constitution) ay hindi na Pilipino


(Kautusang Pangkagawaran Bilang 7, Kagawaran ng Edukasyon) na batay sa
Tagalog. Ngunit, kailangan linawin na hinid rin ito ang ipinanukalang amalgamasyon
o pantay-pantay na representasyon ng lahat ng wika sa Pilipinas. Demokratiko man ,
imposible ang konseptong ito ni Demetrio Quirino, Jr., (Almario, sa Bernales , et al,
2006). Ginawa na ito sa Europa noon pa. Lumikha sila roon ng isang artipisyal na
wika mula sa pagsasama-sama ng mga salita ng halos lahat ng wika sa Europa at
tinawag nila iyong Esperanto. Namatay ang wikang ito bago pa man isilang dahil
walang tumangkilik o gumamit (Bernales; sa Tumangan , et al., 2000).

Linawin pa natin nang higit ang kaibhan ng Filipino sa Tagalog at Pilipino.

Tagalog ang wika sa Bulacam , Batangas , Rizal, Laguna , Quezon, Cavite,


Mindoro, Marinduque, ilang bahagi ng Nueva Ecija, Puerto Princesa at maging sa
Metro Manila. Kung gayon, ang Tagalog ay isang wikang natural at may mga
katutubo ito tagapagsalita. Isa rin itong particular na wika na sinasalita ng isa sa
mga etnolinggwistik na grupo sa bansa na tinatawag ding Tagalog (Constantino; sa
Bernales; et al., 2002).

Samantala, pumasok ang pangalang Pilipino bilang wikang pambansa noong


ngang 1959. Bunga ito ng kalituhang ibinunga ng pagbatay sa wikang pambansa sa
Tagalog noong 1937. Naging madalas ang pagtukoy sa wikang pambansa mula noon
bilang Tagalog na isa ngang pagkakamali. Kaya sa bisa ng Kautusag Pangkagawaran
Bilang 59, itinakda na tuwing tutukuyin ang wikang pambansa, ito ay tatawaging
Pilipino. Ngunit lumalabas na ang Pilipino ay Tagalog din sa estruktura at nilalaman.
Samakatwid, ang Pilipino ay isang mono-based national language. Wala noong
pagkakataon ang mga di’ Tagalog na maging bahagi ng pagpapayaman at
pagpapaunlad ng Pilipino. Naging labis na purista rin ang mga taliba nito. Kaya sa
mga eskwelahan noon, mas tama ang aklat kaysa libro; ang takdang -aralin kaysa
asaynment; ang pamantasan kaysa unibersidad; ang dalubhasaan kaysa kolehiyo ;
ang
mag-aaral kaysa estudyante. Tinawag ito ni Prof. Leopoldo Yabes na Tagalog
Imperialism na nagbunga ng mga neagatibong reaskyon sa mga ‘di Tagalog.

Sa kasalukuyan, hindi na tama ang argumentong ang Filipino ay Tagalog din.


Matagal na itong nasagot sa mga saliksik sa lingngwistika. Wika nga ni Almario (sa
Bernaales, et al ;2006), hindi lamang natin iniintinding mabuti. Samantala, may mga
miskonsepsyon pa rin sa wikang Filipino na kailangan nating linawin. Una, ang
pangalang Filipino ng ating wikang pambansa ay hindi galing sa Ingles na Filipino na
tawag sa ating mga mamamayan ng Pilipinas. Hindi rin isang akomodasyong
pampolitika ang pagbabago ng pangalan ng wikang pambansa mula sa Pilipino sa
Filipino. Maaaring napahinahon nga nito ang mga rehiyonalistang anti- Pilipino,
pero higit pa roon ang dahilan ng pasyang pagpapalit ng P sa F. Kinakailangang
gawin iyon upang magkaroon ng kongkretong sagisag ng modernisasyong
pinagdaraanan ng ating wikang pambansa, tulad ng pagdaragdag ng walong titik sa
alpaabeto at ang paglinang dito salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang
mga wika. Mga pagbabago ito kaiba sa pambansang wikang Pilipino. Sa
pamamagitan ng pagpapalit ng P sa F, nakakaptyur ng Filipino ang bagong konsepto
ng wikang pambansang nililinang salig hindi sa Tagalog lamang kundi maging sa iba
pang mga wikang katutubo, kasama ang Ingles, Kastila at iba pang nakaiimpluwesya
sa ating kabihasnan.
Ano, kung gayon, ang pinakaesensya ng konsepto ng wikang Filipino. Walang
iba kundi ang pagiging pambansa lingua franca nito. Bilang isang lingua franca, ito
ay nagsisilbing pangalawang wika ng higit na nakararami sa buong bansa na ating
ginagamit sa pakikipagtalastasan sa isa’t isa lalo na sa mga syudad, kahit pa
mayroon tayong kani-kaniyang katutubo at unang wika gaya ng Cebuano , Ilocano,
Pampanggo
, Tausug , Kalinga at iba. Dahil ang lingua franca at ang pangalawang wika, nabubuo
ang barayti nito bunga ng impluwesya ng ating kani-kaniyang unang wika sa
paggamit nito. Mga barayti itong bunga ng dimensyong heograpiko, kung kaya
maaaring magkaroon ng Iloco barayti ng Filipino, Cebuano barayti, Mindanaon
barayti at iba pa.

Ang huling talata ng isang artikulo ni Dr. Virgilio Almario ( sa Bernales, 2006) ay
isang mahusay na paglalarawan sa esensya ng wikang Filipino bilang isang pambansang
lingua franca.

Nasa kalooban ngayon ng Filipino ang paglinang sa “sanyata” at “ranggay” ng


Iloco, sa “uswag” at “bihud” ng Visaya, sa “santing” ng Kapampangan, sa “laum” at
“magayon” ng Bicol at kahit sa “buntuan” ng Butuanon at sa “suyad” ng Manobo.
Samantala’y hindi ito hadlang sa madaliang pagpasok ng “shawarma”, sashimi”,
“glasnost”, “parestroika”, “shabu”, “megabytes”, “coliform”, “odd-even”, at iba pang
idaragsa ng”satelayt” at “fax” ng globalisasyon.

B. TUNGKULIN NG WIKANG FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA

Noong 1972, isang pananaliksik ni Jonathan Pool ang inilathala sa Ikalawang


Bolyum ng Advances in the Sociology of Language (Joshua GFishman, Ed., 1972).
Pinamagatan iyong National Development and Language Diversity. Ang haypotesis ni
Pool (1972) sa kanyang pananaliksik ay Nakasasagabal sa kaunlarang pang-
ekonomiya ang pagkakaiba-iba sa wika . Ginamit na datos ni Pool (1972) ang
praksyon ng populasyon ng pinakamalaking katutubong pangkat-wika mula sa
isandaan tatlumpu’t tatlong (133) bansa. Iniugnay niya ang mga datos na nakalap sa
Gross Domestic Product (GDP) per Capita in USD ng bawat mamamayan kada taon.
Ang ugnayan sa pagitan ng dalawang baryabol ay kinatawan niya sa pamamaraang
grapikal na tinatawag na scatterplot. Sa kanyang grap , ikinalat niya ang mga bansa
batay sa linguistic diversity at GDP ng bawat isa. Samakatwid, mas -linguistically
diverse ang bansa , mas nasa kaliwa ang pagkaka-plot sa bansa (further to the left).
Mapapansin kung gayon na nasa pinakadulong kaliwa ang bansang Congo at
Tanzania, habang nasa pinakadulong kanan naman ang Japan at Portugal.
Samantala, mas ,mataas ang GDP ng bansa, mas mataas ang pagkaka-plot nito.
Mapapansin kung gayon nasa pinakamataas na bahagi ng grap naka-plot ang Kuwait
at U.S.A., habang nasa pinakababa ang Malawi at New Guinea.

Ang scatterplot ay hinati rin ni Pool (1972) sa quadrants. Ang unang quadrant (upper left)
ay para sa mga bansang linguistically diverse o may iba-ibang wika at mataas na GDP. Ang
ikalawang quadrant (lower left) ay para sa mga bansang may iba- ibang wika at
mababang GDP. Ilan sa mga bansang nasa quadrant na ito ang Nigeria, Cameroon, Ghana,
Malaysia at Burma. Nasa ikatlong quadrant (upper left) ang mga bansang hindi
linguistically diverse o may iisa o mangilan-ngilan lamang wika at mataas na GDP. Ilan
sa mga bansang nasa quadrant na ito ay ang Kuwait, U.S.A., New Zealand, Sweden at
Germany. Nasa ikaapat na quadrant (lower right) naman ang mga bansang may iisa o
mangilan-ngilang wika at mababang GDP. Ilan naman sa mga bansang nasa quadrant na
ito ay ang Syria, Brazil, Thailand, Yemen at Haiti. ®

[Marahil ay maitatanong ninyo out of curiosity kung nasaan ang Pilipinas sa


scatterplot ni Pool (1972). Ang sagot: Nasa ikalawang quadrant sa lower left].

Kapansin-pansin sa scatterplot na halos walang bansang nakatala sa unang


quadrant. Ibig sabihin, halos walang maunlad na bansang may iba-bang wika. Ayon
kay Pool (1972), The result appears to support assertions that linguistic diversity is a
barrier to economic development.

Ipinaliwanag ni Pool (1972) ang kanyang kongklusyon sa ganitong paraan.

Language diversity of one sort or another is held to cause the retardation of


development, both poltical and economic. Language diversity… aggravates political
sectionalism; hinders inter-group cooperation, national unity…; impedes… political
support for authorities… and political participation; and holds down governmental
effectiveness and political stability. Similarly, it is said that language diversity slows
economics development, by for example, braking occupational mobility, reducing the
number of people available for mobilization into the modern sector of the economy,
decreasing efficiency, and preventing the diffusion of innovative technique.

Ang mga tuklas ni Pool (1972) ay tumutugma sa mga obserbasyon sa


naunang artikulong isinulat ni Joshua A. Fishman (1968). Ganito ang inilahad ni
Fishman sa kanyang artikulo:

Linguistically homogenous polities are usually economically more developed,


educationally more advanced, politically more modernized and ideologically-
politically more tranquil and stable.

… Concerning the causal relation between language diversity and


development… the usual explanation gives development processes as causes of
increased linguistic (and other) homogenization, but that language diversity may also
hinder (while language unity helps) development.

Simple ang paliwanag ni Fishman (1968) kung bakit. ‘Aniya, countries of


diverse linguistic composition face a special hurdle in development. Ganito ang salin
ng ating awtor sa pahayag na iyon : Ang mga bansang may iba- ibang komposisyong
linggwistik ay nahaharap sa natatanging sagabal sa kaunlaran.

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang linguistically diverse sa daigdig. Ayon nga
sa pag-aaral ni Constantino (1972), may higit na apat na raang (400) wikain o
diyalekto ang sinasalita ng iba’t ibang linggwistik at etnik na pangkat sa buong
kapuluan. Dahil dito, ang ating bansa ay naharap sa tinawag ni Fishman (1968) na
special hurdle in development o natatanging sagabal sa kaunlaran.

Isa ito sa dahilan kung bakit pinagsumikapan ng ating ninunong tayo ay


magkaroon ng isang wikang pambansang magbibigkis sa ating lahat, isang wikang
pambansang magiging simbolo ng ating pagkakaisa. Sapagkat kapalaran na ang
nakatakda ng ating linguistic diversity, naging layunin ng ating mga ninuno ang unity
in diversity. Dahil dito, dalawa sa tatlong paksa ang tinukoy si Sibayan (1994) na
mahahalaga para sa pagpaplanong pangwika. Ang mga ito ay ang pagpapaunlad ng
wikang Filipino bilang wika ng pagkakaisa at pagkakakilanlan; at preserbasyon ng
mga bernakular na wika ng Pilipinas. Samakatwid, malinaw na hindi layunin ng
pagpapaunlad ng wikang Filipino ang pagkitil sa ating mga diyalekto. Sa katunayan,
sa ating Saligang Batas ay isinasaad na ang Filipino ay patuloy na lilinangin at
payayabungin salig sa mga umiiral na wika ng Pilipinas (art.XIV, Sek.6). Ito ang
pinakaesensya ng pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba. Sa kasalukuyan,
ginagampanan ng wikang Filipino ang mahalagang tungkulin ng wikang pambansa
ayon kay Garvin (1974):

The standard language serve to unify a larger speech community in spite of


dialect differences… A national language is characterized by the unifying… function,
provided the national language has arisen naturally or has been chosen judiciously by
authorities…

Ngunit , sa larangan ng pagpapaunlad ng bansa, may tungkulin bang ginagampanan


ang wikang Filipino? Malinaw ang tinutumbok ng pag-aaral na ipinaliwanag sa
unahan. May kinalaman ang wika sa pag-unlad o hindi pag-unlad ng bansa. Ang
tanong ay totoo ba ito sa wikang Filipino at sa bansang Pilipinas? Upang masagot ito,
makatutulong marahil ang muling pagsangguni sa mga diskusyon ng mga
komisyoner na bumalangkas ng ating Saligang Batas noong 1986.

Ganito ang sinabi ni Komisyoner Ponciano Benaggen (sa Journal of


Constitustional Commission, 1986) noong tinalakay ang panukalang probisyong
pangwika sa ating Saligang Batas:

These are arguments for deciding that a national language is a kind of national
symbol. But in the proposal, we mean Filipino, not merely as a national symbol, not
merely as an instrument for national identity and national unification, but also as an
instrument for national growth and development.

Ang gayong pagkilala sa wikang pambansa bilang wika ng pambansang


kaunlaran na hindi rin minsang inalingawngaw at pinanindigan ni Komisyoner
Wilfrido Villacorta (sa Joural of Constitutional Commission, 1986). ‘Aniya, mahalaga
ang tunay na pagpapaunlad ng wikang pambansa upang mapabilis ang kolektibong
partisipasyon ng sambayanang Pilipino sa sosyo-ekonomikong pag-unlad at
pagbubuo ng nasyon (salin ng may-akda).

Binigyan-diin din ng mga komisyoner ang kahalagahan ng wikang Filipino sa


pagsasakatuparan ng iba pang mithiing kalaunan ay isinaad sa Saligang Batas
mismo gaya ng nasyonalismo, kaalamang siyentipiko at teknikal, pambansang
industriyalisasyon, at iba pa – mga mithiing imposibleng abutin kung mahina ang
wikang pambansa. Kaya nga sinabi ni Benaggen ( sa Journal of Constitutional
Commission, 1986):

We are saying that the State shall foster nationalism and, therefore, we need to
have a national language in the same manner that we need a national flag and for
some other things that we associate ourselves with in the pursuit of national identity
and national unity. We are also saying that the State shall foster creative and critical
thinking broaden scientific and technological knowledge; and develop a self- reliant
and independent economy to industrialization and agricultural development. We have
also said earlier that we shall have a consultative government and that people’s
organization shall be protected in terms of their right to participate more fully in the

democratic processes. In all of these, we need to have a unifying tool for


communication which is, of course, Filipino.

Matapos ang mga nabanggit na talakayan sa Konstitusyunal na Komisyon


noong 1986, isinatitik ang probisyong pangwika sa ating Saligang Batas sa Artikulo
XIV, Seksyon 6 hanggang 9; at ang nasabing Saligang Batas ay pinagtibay ng
sambayanan noong 1987. Ngunit , bago iyon ay tila may pagbabala si Komisyoner
Minda Luz Quesada (sa Journal of Contitutional Commission, 1986). ‘Aniya:

…Hangga’t hindi ininasakongkreto sa pamamagitan ng paggamit nito (ng


wikang pambansa) sa instruction at sa gobyerno at talagang empty rhetorics na
naman iyan dahil iyan ang istorya noong mga nakaraang taon. Naroon na iyon sa
ating Konstitusyon, pero hangga’t hindi isinagawa ito sa ating ordinaryong araw-
araw na buhay , sa loob ng gobyerno, as administrasyon , at saka sa ating edukasyon,
sa palagay ko lahat na iyan ay rhetorics na naman.

Ngayon , ilang dekada matapos pagtibayin ang ating Saligang Batas, marami
nang nagawa kaugnay ng pagpapaunlad ng wikang Filipino, ngunit ang Pilipinas ay
mahirap na bansa pa rin. Samakatwid, kung totoo ang haypotesis nating May
kinalaman ang wika sa pagpapaunlad ng bansa at may kinalaman ang wikang
Filipino sa pagpapaunlad ng Pilipinas, hindi marahil kalabisang sabihing
napakarami pang dapat gawin upang mapaunlad ang wikang Filipino nang sa gayo’y
lubos itong makaganap sa tungkuling kaugnay ng pambansang kaunlaran, liban pa
sa tungkuling ginagampanan nito bilang pambansang simbolo, at instrumento ng
pambansang identidad o pagkakakilanlan at pagkakaisa.

C. MGA SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS

Makikita sa nakalipas na seksyon ng kabanatang ito ang malaking hamon sa


pambansang wika ng Pilipinas. Bagama’t halos isang siglo nan ang simulang buuin at
paunlarin ang Filipino, nananatili ang posisyong mapaggiit nito. Bukod sa politika ng
pagpapalanong pangwika sa Pilipinas, sari-saring hamon ang kinahaharap nito sa
gitna ng pagbabago ng panahon at modernisasyon ng lipunan. Napapanahong
patuloy na suriin ang kalagayan ng wika bilang isang penomenong panlipunan
kaugnay ng kalagayang pang- ekonomiya at pampolitika ng Pilipinas. Ang
mayamang kultura, kasaysayan at makulay na politika sa bansa ang nagbubunsod
ng pagbabago sa sitwasyon ng polisiyang pangwika sa edukasyon at iba pang
aspekto ng lipunan.

1. Multilingguwal at Multikultural ang Pilipinas . Multilingguwal at multicultural na


bansa ang Pilipinas. Arkipelago ang ating bansa kung kaya’t ang katangiang
heograpikal nito ang angdudulot ng pagkakaiba-iba ng wika at kultura. Mahigpit na
magkaugnay ang wika at kultura kung kaya’t nasasalamin sa wika ang ano mang
katangiang pisikal at kultura ng bansa.

Ayon sa pag-aaral ni McFarland (2004), may lagpas isang daang


magkakaibang wika ang Pilipinas samantala sa tala ni Nolasco (2008) ay mayroong
humigit-kumulang 170 iba’t ibang wika sa iba’t ibang pulo ng Pilipinas. Ayon din kay
Nolasco ( 2008) , batay sa sensus noong 2000, ang pinakalaganap na mga wika sa
Pilipinas batay sa dami ng taal na tagapagsalita at Tagalog (21.5 milyon); Cebuano
(18.5 milyon), Ilokano (7.7 milyon), Hiligaynon (6.9 milyon); Bicol (4.5 milyon),
Waray (3.1 milyon), Kapampangan (2.3 milyon), Pangasinan (1.5 milyon); Kinaray-a
(1.3 milyon); Tausug (1 milyon); Maranao (1 milyon); at Maguindanao (1 milyon).
Ang mga nabanggit na wika at itinuturing na mayoryang wika sapagkat relatibong
mas malaking bilang ng tao ang nakauunawa at gumagamit nito kaysa sa iba pang
rehiyonal na wika ng bansa.

Bukod sa mga rehiyonal na wika sa Pilipinas, laganap na rin ang paggamit ng


Filipino bilang lingua franca. Ipinakikita ng datos na 65 milyon mula sa kabuuang 76
milyong mga Pilipino o 85.5 % ng kabuuang populasyon ay may kakayahang
magsalita ng pambansang wika (Gonzales,1998). Itinuturing din and wikang Ingles
bilang pangunahing Ikalawang wika. Ayon sa isang sarbey na isinagawa ng Social
Weather Station (sa Gonzales, 1998) noong 1994, 74% ang nagsabing nakaiintindi
sila ng wikang Ingles kapag kinausap sila ng gamit ito.

2. Ingles ang lehitimong wika sa Pilipinas . Sa kabila ng pagkakaroon


ng
pambansang wika ng Pilipinas, nananatiling makapangyarihan wika ang Ingles sa
ating lipunan. Itinuturing na ikalawang wika ng nakararaming Pilipino ang Ingles.
Ayon sa Social Weather Station (SWS) noong 2008 (sa Nolasco,2008), halos 76%
ng
mga Pilipinong nasa sapat na gulang ang nagsabing nakauunawa at nakapagsasalita sila
ng Ingles, habang 75% ang nagsabing nakapagbabasa sila sa wikang ito. Bukod dito, 61%
ang nagsabing nakapagsusulat sila sa wikang Ingles habang 38% ang nagsabing nag-iisip
sila gamit ang wikang Ingles.

Bilang pinakamakapangyarihang wika ng mundo, patuloy na lumalaganap


ang wikang Ingles bilang wikang panturing sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ayon
kay Macaro (2014) ng British Council at Direktor ng University of Oxford , lalong
dumarami ang mga akademikong institusyon sa buong mundo na gumagamit ng
Ingles upang ituro ang mga akademikong asignatura dahil sa kagustuhang isabay sa
internasyonal na estandard ang propayl ng mga unibersidad. Sa pagpasok ng
Pilipinas sa sosyo- kultural at ekonomikong integrasyon sa ASEAN, kapansin-
pansinna ganito ang nagiging tunguhin ng mga pangunahing unibersidad sa
Pilipinas.

Malinaw sa mga datos na maraming Pilipino ang nanatiling


naiimpluwensyahan at gumagamit ng wikang Ingles sa iba’t ibang antas sa kabila ng
pagkakaroon ng pambansang wika ng Pilipinas. kasama sa opisyal na wika ang
Ingles at bagama’t Filipino ang pambansang wika, Ingles pa rin ang mas ginagamit
sa sistema ng edukasyon at print media . Maaari ring gamitin ang Filipino sa
pamamahala at lehislatura sa Pilipinas, maging sa korte at batas , ngunit Ingles pa
rin ang namamayaning wika. Ingles ang ginagamit para sa mga intelektwal na
usapin, komersyo/ negosyo, habang Filipino naman sa local na komunikasyon at
mga palabas sa telebisyon.

Sa ganitong kalagayan, ayon kay Gonzales (2003), dating Kalihim ng


Kagawaran ng Edukasyon, kapansin – pansin na hindi tugma ang polisiya at aktwal
na implementasyon nito. Ayon sa kaniya, bilang pambansa at opisyal na wika,
nararapat na paunlarin ang paggamit ng Filipino sa mga paaralan, ngunit hindi ito
nangyayari. Ingles ang dominanteng wika sa edukasyon lalong-lalo na sa Siyensya at
Matematika sa lahat ng antas, at sa halos lahat ng asignatura sa kolehiyo. Hindi rin
nagagamit ang intelektwalisasyon nito sa iba’t ibang disiplina at larangan sapagkat
hindi ito ginagamit. Malinaw na tinutukoy sa mga polisiyang pangwika ang
pagpapaunlad ng Filipino mula sa Konstitusyon 1935 hanggang 1987 ngunit hindi
ito naipapatupad.
Kung isasaalang-alang ang ideya ni Bourdieu (1991) sa kanyang aklat na
Language and Symbolic Power , tinutukoy niya ang lehitimong wika sa isang lipunan
bilang wikang ginagamit sa pag-unlad ng sistema ng edukasyon at pagpapagana ng
sistema ng paggawa. Ibig sabihin, pinag-iisa at pinatatatag ng wikang ito ang
ekonomiya at politika ng isang bansa. Ang lehitimong wika ay resulta ng kompleks
na prosesong historical, na madalas ay kinasasangkutan ng matinding tunggalian
(halimbawa ay sa kontekstong kolonyal) sa pagitan ng mga particular na wika. Ito ay
lumilitaw na dominanteng wika, at ang iba pang wika at diyalekto ay nawawala o
kaya ay napapailalim dito.

Kung ilalapat sa karanasan ng Pilipinas ang ideya ni Bourdieu, masasabing


nananatiling Ingles ang lehitimo at makapangyarihang wika sa Pilipinas. Sa ganitong
kalagayan, mahalagang isaalang-alang ang pagtingin niya sa wika hindi lamang
object of study kundi instrumento ng kapangyarihan at aksyon. Ibig sabihin,
kailangang tingnan ang wika sa kontekstong sosyo-historikal at sa kalagayang pang-
ekonomiya at pampolitika ng isang bansa. Sa ganitong pananaw, nananatiling
mapanggiit ang posisyon ng Filipino.

Ingles ang makapangyarihang wika sa Pilipinas hanggang sa kasalukuyan


kung kaya laganap din ang ilang maling pananaw sa pag-aaral ng wikang ito.
Halimbawa
,laganap ang pampublikong diskurso na uunlad ang ekonomiya ng Pilipinas kung
magiging mahusay sa pagsasalita ng Ingles ang mga Pilipino. Kung susuriin sa
naging karanasan ng mga mauunlad na bansa sa Asya, tila hindi syentipiko at
makatotohanan ang ganitong paglalahad. Sa kaso ng Timog Korea, Japan, Thailand,
Indonesia at Malaysia, sariling mga pambansang wika ang naging saligan ng kani-
kanilang maunlad at nagsaasariling ekonomiya, at hindi wikang Ingles.

3. Wikang Global ang Wikang Filipino. Ang kalagayang pang-ekonomiya sa bansan ang
nagtutulak sa mga Pilipinong magtrabaho sa ibang bansa at maging Overseas Filipino
Workers (OFW). Sa ganitong kalagayan, hindi maiiwasan ang paglaganap ng wika at
kulturang Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Ayon sa Index of Survey on Overseas
Filipino Workers noong 2014, tinatayang nasa 2.3 milyong Overseas Filipino Workers ang
nasa iba’t ibang panig ng mundo.
Ayon sa American Community Survey (2013) , pangatlo ang Filipino sa mga wikang
may pinakamaraming nagsasalita sa Estados Unidos, bukod sa Ingles. Pumangatlo ang
Filipino na may 1.6 milyong gumagamit sa Espanyol na nagtala ng 38.4 tagapagsalita at
Chinese na may halos 3 milyong tagapagsalita.

Hindi makakailang lumaganap na nga ang paggamit ng wikang Filipino sa iba’t


ibang bahagi ng mundo. Ilan sa mga mauunlad na Departamento ng Filipno at mga
kaugnay na programa ang matatagpuan sa University of Hawaii-Manoa at Philippines
Studies Program sa Osaka University sa Japan. Bukod dito, itinuturo ang Filipino bilang
asignatura sa iba’t ibang unibersidad sa buong mundo. Itinala ni San Juan (2015) ang ilang
unibersidad at kolehiyo sa ibang bansa na nagtuturo ng Filipino bilang programa o
asignatura.
4. Ang Filipino ay Wika sa Social Media. Binago ng social media ang pamamaraan
ng pamumuhay milyon-milyong Pilipino. Bukod sa naging porma ng komunikasyon,
hindi rin maitatatwa na simbolo ng panlipunang istatus ang access sa Internet, dahil
sa aktibong paggamit ng mga Pilipino ng iba’t ibang aplikasyon sa social media,
tinaguriang Social Media Capital of the World ang Pilipinas ayon sa mga eksperto sa
larangan ng midya at teknolohiya. Ayon sa wearesocial.com (2015), mula 100.8
milyon na kabuuang populasyon sa Pilipinas, 44.2 milyon o 44% bahagi ng
populasyon ang aktibong gumagamit ng Internet. 40 milyon o 40% ang may
aktibong account sa iba’t ibang social media sites habang 30 milyon o 30% ang may
aktibong social media mobile accounts. Mula 2013 hanggang 2015, nakapagtala ng
18% na pagtaas sa bilang ng aktibong gumagamit ng internet. Mula sa datos,
makikitang malawak ang impluwensya ng Internet at social media sa pamumuhay at
pagbuo ng desisyon ng mga Pilipino.
Ang social media ay tumutukoy sa grupo ng internet-based application na ginawa
batay sa Web 2.0, kung saan naging possible na ang pagkontrol kontribusyon ng mga
gumagamit ng Internet sa nilalaman ng iba’t ibang social media sites. naging
pamamaraan itonng interaksyon sa pagitan ng mga tao dahil maaari na silang
magbahagi, magkomento, at mag-edit ng iba’t ibang impormasyon sa isang virtual
na komunidad. Ang pagsisimula at pagsikat ng social media ay nagbigay daan sa pag-
unlad ng web publishing tools na tumatanggap ng ambag mula sa iba’t ibang
gumagamit nito na hindi naman propesyonalsa larangan ng kompyuter. Maaarin
nang magbahagi ng kaalaman at maging lunduyan ng diskurso ang iba’t ibang social
media sites gaya ng Facebook, Twitter, Instagram, Foursquare, Tinder at marami
pang iba.

Ingles ang wika ng Internet, ngunit dahil sa paglaganap ng web publishing


tools, iba’t ibang wika na rin ang nakapasok sa mundo ng cyberspace. Dahil nga sa
ang mga Pilipino ang maituturing na pinakaaktibo sa larangang ito, hindi na rin
maiiwasan ang paglaganap at paggamit ng Filipino sa Internet. Marami nang
pananaliksik ang nagsuri sa katangian ng wikang Filipino na ginagamit sa iba’t ibang
social media sites. Iba’t ibang estilo ng paggamit ng wika na rin ang lumaganap sa
pamamagitan ng Internet. Hindi rin maiwasan ang iresponsable at mali-maling
paggamit ng wika sa konteksto ng instant at madaliang komunikasyon. Kapansin-
pansin ang matinding code switching (pagpapalit-palit ng wika) at maling
pagpapaikli ng ilang mga salita.

Sa ganitong kalagayan ng patuloy na paglaganap ng wikang Filipino sa iba’t


ibang aspekto ng pamumuhay ng tao at iba’t ibang bahagi ng mundo, nananatili ang
hamon sa intelektwalisasyon at estandardisasyon ng wikang pambansa. Magagawa
lang ito kung panghahawakan ng mga institusyong panlipunan ang original na
mandato ng Konstitusyon na gamitin ito sa sistema ng edukasyon at pamamahala.

D. ANG WIKANG FILIPINO BILANG WIKA NG KARUNUNGAN AT PANANALIKSIK

Sa simula’t simula pa lamang, ang sistemang pang-edukasyon ng Pilipinas ay


isang pamamaraan ng pagpapahinahon sa mga mamamayang noo’y nagtanggol sa
kanilang bagong-kamit na kalayaan laban sa mananakop na nagpanggap na
kaibigan. Ang edukasyon ng mga Pilipino sa ilalim ng pananakop ng Amerika ay
isang instrumento ng kolonyal na polisiya. Ang mga Pilipino ay kinakailangang
turuan bilang mabubuting kolonyal. Ang mga murang isip ay kinakailangnag
hubugin upang makaayon sa mga ideyang Amerikano. Ang mga katutubong ideyal
na Pilipino ay unti- unting naglaho upang matanggal ang mga huling banta ng pag-
aaklas. Edukasyon ang nagsilbing pang-akit ng mga bagong panginoon at panunaw
sa nasyonalismong ginamit sa pagpapalaya sa mga naunang dayong kapangyarihan.

Sa ilalim ng mga nagdaang rehimeng kolonyal, tiniyak ng edukasyon na ang


pag-iisip ng mga Pilipino ay maging masunurin sa mga panginoon. Kaya , sinamba
ng mga Pilipino ang mga dayong mananakop. Hindi tinuruan ang mga Pilipinong
tingnan ang mga dayo nang obhetibo, ang sipatin ang kanilang mga kabutihan at
maging kasamaan. Ito ang nag-udyok sa mga mamamayang Pilipino ang magkaroon
ng baluktot na opinyon hinggil sa mga dayong mananakop at maging hinggil sa
kanilang saril. (Constantino, 1966). Ang kanilang naging wikang kasangkapan
wikang
dayuhan!

Ganito ang naging paliwanag ni Constantino (1966) kung paano ang wika ay
gumanap ng mahalagang tungkulin sa edukasyon: Ang wika ay isang kasangkapan
ng proseso ng pag-iisip. Sa pamamagitan ng wika , ang pag-iisip ay nalilinang, at ang
pag-unlad ng pag-iisip ay humahantong sa lalong pag-unlad ng wika. Ngunit , kapag
ang wika ay nagiging sagabal sa pag-iisip, ang proseso ng pag-iisip ay
nahahadlangan o babansot at magkaroon tayo ng kultural na pagbabantulot.

Ang malungkot na katotohanan sa kasalukuyan ay ito: Patuloy ang


pagkabansot ng ating proseso ng pag-iisip. Bunga ito ng edukasyong makadayuhan,
at wala nang iba pang malinaw na katunayan ng pagkamakadayo ng ating
kasalukuyang sistemang pang-edukasyon kundi ang wikang banyaga sa edukasyon.
ito ang reyalidad sa kasalukuyan, sa kabila ng pagbabanta na atin mismong
pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal may ilang daan taon na anag nakalilipas. sa
akda niyang El Filibusterismo ay ganitong halos ang kanyang sinabi.

…. Ano ang gagawin ninyo sa wikang (dayuhan)…? Papatayin n’yo


lamang ang inyong pansariling katauhan at ilalantad ang iniisip sa ibang kaisipan.
Sa halip na gawing Malaya ang inyong sarili ay gagawain n’yo lamang itong alipin…
Kapwa kayo nakalilimot na habang ang tao ay may sariling wika ay mayroon kayong
Kalayaan. Tulad ng tao na Malaya habang nakapag-iisip sa kanyang sarili. Ang wika
ay paraan ng pag-iisip ng tao…

Sa kasalukuyan, hindi na maitatanggi ang istatus ng wikang Filipino bilang


isang wikang pambansa. ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino… patuloy na
nalilinang at pinauunlad salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang wika
(Art. XIV, Sek.6, Konstitusyon ,1987). Isa ring wikang opisyal ang Filipino ng ating
pamahalaan. Nagsisilbi rin itong pambansang lingua franca ng lahat ng mga Pilipino.
Ngunit liban sa pagiging asignatura ng Filipino at wika sa pananaliksik na ginagawa
ng mga nagpapadalubhasa sa wikang Filipino, hindi masyadong napagtutuunan ng
pansin at pagpapahalaga ang Filipino bilang wika ng karunungan at wika na
pananaliksik sa lahat ng antas ng pag-aaral.

Sa katunayan, patuloy ang pakikipaglaban ng mga taliba ng wikang Filipino


upang mapanatili ito bilang asignatura ng kolehiyo. Reaskyon ito ng maraming
nagmamalasakit sa wikang Filipino sa bagong GE Kurikulum ng Komisyon sa Lalong
Mataas na edukasyon na nangmamaliit sa wikang Filipino bilang wika ng
karunungan at wika na pananaliksik. dahil dito, malamang na magkatotoo ang hula
ni Almario (2006)…. mauulit muli ang pagdarahop ng napagyayamang kaalaman
bunga ng gamit ng wikang sarili at babalik muli sa antas ng kamangmangan dulot ng
kawalan ng kakayahang magpahayag at matuto sa sariling wika.

Sa edukasyong kolonyal maisisisi ang hanggang-ngayong pagdududa sa


kakayahan ng wikang Filipino bilang wika ng karunungan at wika ng pananaliksik.
Ito ay sa kabila ng pagtuturo ni Padre Roque Ferriols ng Pilosopiya sa Filipino, at
pagsasalin sa Filipino ni Hukom Cesar Peralejo ng Kodigo Sibil at Kodigo Penal.
Maaalalang lumikha rin ng diksyunaryo sa Kemika si Dr. Bienvenido Miranda at sa
Medisina sa Dr. Jose Reyes Sytanco. May libro sa Ekonomiks si Dr. Tereso Tullao,Jr.
May mga artikulong pang -Medisina rin si Dr. Luis Gatmaitan sa Filipino. Itinuro
naman ni Dr. Judith Aldaba ang Matematika sa Filipino.

Hindi na dapat pang pinagdududahan ang potensyal ng wikang Filipino


bilang wika ng karunungan at ang likas na kakayahan ng Filipino bilang daluyan ng
mga bagong tuklas na kaalaman sa mga pananaliksik panlipunan.

Pagpapahalaga:

Panahon na upang kilalanin at pahalagahan ang wikang Filipino bilang wika


ng karunungan. Ang suliranin ng kolonyal na edukasyon ay malalang-malala na lalo
na sa mga kabataan.
Panahon na upang pakaisipin natin ang ating sarili, ang ating karunungan,
ang ating kinabukasan. Dahil, samantalang hindi tayo kumikilos tungo sa
makabayang edukasyon at tungo sa paggamit nang lubos ng wikang Filipino bilang
wika ng karunungan, mananatili tayong isang bayang walang tiyak na tunguhin at
walang maaasahang pag-iral sa kinabukasan.

PAGSUSULIT I

Pangalan: Marka:
Taon/Pangkat at Seksyon: _ Petsa:

Panuto:
Basahin ang sumusunod na pangungusap. Sa ½ pahaba na papel isulat ang
TAMA kung ang diwa ng pangungusap ay tama. Kung mali, isulat ang salitang dapat
humalili sa salitang may salungguhit upang ang diwa ng pangungusap ay maging
tama.( 1 puntos bawat isa)

1. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Pilipino.

2. Ang pinakaesensya ng kosepto ng wikang Filipino ay ang


pagiging pambansang lingua franca nito.

3. Ang haypotesis ni Pool (1972) sa kanyang pananaliksik ay


nakatutulong sa kaunlarang pang-ekonomiya ang
pagkakaiba-iba sa wika.

4. Sa kanyang pananaliksik, ang ugnayan sa pagitan ng


dalawang baryabol (linguistic diversity at GDP) ay kinatawan
ni Pool (1972) sa pamamaraang grapikal na tinatawag na
scatterplot.
5. Ayon kay Fishman (1968), ang mga bansang may iba-ibang
komposisyong lingwistik ay nahaharap sa natatanging sagabal sa kaunlaran.

5. Ayon kay Fishman (1968), ang mga bansang may iba-ibang


komposisyong lingwistik ay nahaharap sa natatanging sagabal sa kaunlaran.

6. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang linguistically diverse sa

daigdig.
7. Malinaw ang layunin ng pagpapaunlad ng wikang
Filipino ang pagkitil sa ating mga diyalekto.

8. Ayon kay Villacorta (1986), mahalaga ang tunay na


pagpapaunlad ng wikang pambansa upang mapabilis ang
kolektibong partisipasyon ng sambayanang Pilipino sa
sosyo- ekonomikong pag-unlad at pagbuburo ng nasyon.

9. Batay sa sensus noong 2000, ang pinakalaganap na wika sa


Pilipinas ay Cebuano.

10. Nananatiling makapangyarihang wika ang Ingles sa Pilipinas.

11. Tinukoy ni Bordieu (1991) ang lehitimong wika sa isang


lipunan bilang wikang ginagamit sa pag-unlad ng sistema ng
edukasyon at pagpapagana ng sistema ng paggawa.

12. Ang kalagayang pang-edukasyon ang nagtutulak sa mga


Pilipinong magtrabaho sa ibang bansa.
13. MO ang Filipino sa mga wikang may pinakamaraming
nagsasalita sa Estados Unidos.

14. Ang edukasyon ng mga Pilipino sa ilalim ng pananakop ng


Amerika ay isang instrumento ng kolonyal na polisiya.

15. Sa edukasyong makabayan maisisisi ang hanggang-ngayong


pagdududa sa kakayahan ng wikang Filipino bilang wika ng
karunungan.
Gabay sa Talakayan:

Panuto: Kupyahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong sa isang buong papel

1. Paano mailalarawan ang kalagayan ng wikang Filipino bilang wikang pambansa,


wika ng bayan, at wika ng edukasyon at pananaliksi.

2. Paano nauugnay ang pagpapalakas ng wikang pambansa sa pagpapatibay ng


kolektibong identidad at pagkakamit ng pambansang pagkakaisa at kaunlaran.

3. Paano ka makapag-aambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan


ng kabuluhan at mataas na antas ng diskursong akma sa nakaugat na lipunang
Pilipino at bilang wika ng pananaliksik na nakaayon sa pangngailangan ng
komunidad at bansa.

Karagdagang Gawain:

Sa isang buong papel sumulat ng maikling sanaysay hinggil sa Wikang


Filipino Bilang wikang Pambansa, Wika ng Bayan , at Wika ng Edukasyon at
Pananaliksik. (Dapat isaalang-alang ang bahagi ng sanaysay : May Pamagat,
Introduksyon , Katawan at Wakas).

You might also like