You are on page 1of 2

Ang Bahay Na Bigla Na Lang Nawala Isang Gabi

Nag-iisang anak nina Mang Kanor at Aling Pacita si Jose kung kaya’t ginagawa nila
ang lahat para dito. Nakatira ang maliit na pamilya sa isang baryo sa probinsya ng
Santo Tomas. Simula noong ipinanganak si Jose ay doon na sila tumira.

Hindi masyadong malaki ang bahay nina Jose pero palaging malinis ang loob nito
lalong-lalo na ang silid ng nag-iisang anak ng mag-asawa.

Kahit hindi man marangya ang pamumuhay nila, masasabing komportable ang
buhay na ibinibigay nina Mang Kanor at Aling Pacita kay Jose. Kaya lang, habang
lumalaki ay tumitigas ang ulo ng kanilang anak.

“Wala pa si Jose? Anong oras na,” sabi ni Mang Kanor.


Dali-dali na bumihis ang mag-asawa at naglakat patungong baryo. Wala na kasing
masasakyan na dyip pag sumapit na ang alas diyes ng gabi. Sinundo nila si Jose sa
isang tyangge.

“Nagku-kwentuhan lang naman po kami ng mga barkada ko. Wala namang masama
doon, uuwi ako kung hindi man mamaya, e, bukas pag may dyip na,” sabi ni Jose.
Walang nagawa ang mag-asawa. Hinintay nila si Jose malapit sa tyangge na
tinatambayan ng grupo niya hanggang magpasya ang magbabarkada na umuwi.

Padabog pa si Jose noong dumating na sila sa bahay nila habang ang ama’t ina
niya ay pagod kakalakad.

Nagpatuloy ang ganung ugali ni Jose. Palagi siyang sinasabihan ng mga magulang
niya na umuwi agad pagkatapos ng klase pero wala ito sa kanya hanggang isang
gabi ay dumating ang hindi niya inaasahan.

Mag-aalas onse na ng gabi nang dumating si Jose sa kanila. Malayo pa lang ay


tanaw na niya ang mga ka-baryo nila na nagsisitakbuhan papunta sa kanilang
bahay na may bitbit na balde.

“Jose ang bahay niyo nasusunog,” sigaw ni Mang Tonyo, ang karpentero na


nakatira malapit sa kanila.
Natulala si Jose. Naalala niya ang bilin ng mga magulang niya na umuwi ng maaga
at nami-miss na nilang maghapunan kasama siya. Pumatak ang luha niya ng hindi
niya namamalayan.

Madaling-araw na ng naapula ang apoy. Halos kusina na lang nina Jose ang natira.
Hindi na rin makilala ang katawan ng mga magulang niya. Natagpuan ang mga ito
sa kanilang hapag-kainan.

“Tay, Nay patawad,” ang nasabi ni Jose sa harap ng mga bangkay ng magulang


niya bago siya nagsimulang humagulgol

You might also like