Professional Documents
Culture Documents
Komunikasyon Modyul 3 Quarter 2
Komunikasyon Modyul 3 Quarter 2
Mahalagang Paalala: Gamitin ang sanayang papel nang may pag- iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o susulatan ang anumang bahagi ng sanayang papel. Gumamit ng hiwalay na
palel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Ibalik ang sanayang papel na ito sa iyong guro o
tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Alamin!
Sa sanayang papel na ito ay matutulungan ka upang higit mong matukoy ang kahulugan
at kabuluhan ng mga konseptong pangwika. Pagkatapos ng aralin ay inaasahan kang mapaunlad
ang iyong nabasa nang may pang-unawa upang maiugnay ang mga konseptong pangwika sa mga
napakinggang sitwasyong pangkomunikasyon sa radio, talumpati at mga panayam.
Kasanayang Pampagkatuto:
Subukin
Panuto:
Suriin ang mga pamagat at diyalogo sa pelikula at sagutin ang mga
tanong na kaugnay nitó tungkol sa lingguwistiko at kultura. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.
1. “You don’t have to, wag mo akong mahalin dahil mahal kita, mahalin mo
ako dahil mahal mo ako, because that is what I deserved…” (Mia – Barcelona
– A Love Untold). Ano’ng wika ang ginamit sa pahayag?
a. Barayti ng Filipino
b. Code Switching
c. Ingles
d. Tagalog
2. Bayan o sarili? Mamili ka!” Alin sa mga kultura ng Filipino ang
ipinahihiwatig sa pahayag mula sa pelikulang Heneral Luna?
a. Makatao
b. Maka-Diyos
c. Makabansa
d. Makakalikasan
5. “Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao, nasa puso nating lahat!
Tayo ang gumagawa ng himala! Tayo ang gumagawa ng mga sumpa at ng
mga Diyos…” Anong kultura ng mga Filipino ang masasalamin sa pahayag?
a. Bayanihan
b. Pakikipagkapuwa-tao
c. Pananampalataya
d. Senakulo
B. Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.
10. Ang tema ng mga pelikulang Filipino ngayon ay ibinabatay sa panlasa ng:
a. kababaihan
b. kabataan
c. kalalakihan
d. matatanda
11. Ang mga seryeng tulad ng Be Careful with my Heart, Till I Met You, at Sahaya
ay mga programa sa telebisyon na tinatawag na;
a. dulâ
b. magazine show
c. news and public affairs
d. telenobela
Simulan Natin
Panuto:
Kilalanin kung anong uri ng social media ang inilalarawan sa bawat bílang.
Itiman ang bilóg ng titik ng tamang sagot o kaya’y isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.
1. Ito ay uri ng social media na tumatalakay sa isang paksa na nagmistulang
diary. Kinapapalooban ito ng mga karanasang inilalathala sa paraang
elektroniko.
a. Blog
b. Facebook
c. Pinterest
d. Twitter
a. Facebook
b. Internet
c. Viber
d. Yahoo
5. Malaki ang naitutulong nitó para sa mga táong nawalay sa pamilya dahil sa
pagtatrabaho lalo na sa mga mag-aaral na kailangan nang agarang
kasagutan sa kanilang mga asignatura.
a. Internet
b. Microsoft
c. Netflix
d. YouTube
Alam Mo Ba?
Pelikula at Dulâ
Hindi na nga maitatatwang Filipino ang wika o lingua franca ng telebisyon, radio,
diyaryo, at pelikula. Maaaring sabihing ang pangunahing layunin ng mga ito sa
paggamit ng Filipino bilang midyum ay upang makaakit nang mas maraming
manonood, tagapakinig, o mambabasáng makauunawa at malilibang sa kanilang
palabas, programa, at babasahin upang kumita sila nang mas malaki. Subalit,
hindi rin mapasusubalian ang katotohanang mas dahil sa malawak na
impluwensiya ng wikang ginagamit sa mass media ay mas maraming mamamayan
sa bansa ngayon ang nakapagsasalita, nakauunawa, at gumagamit ng wikang
Filipino. Isang mabuting senyales para sa lalong pag-unlad at paglago ng ating
wikang pambansa.
Bagaman laganap na sa mass media, mapapansin pa rin na ang wikang Filipino ay
madalas na ginagamit sa mga programa sa radyo at telebisyon, sa tabloid, at sa
pelikula kung saan ang nananaig na tono ay impormal, at waring hindi gaanong
estrikto sa pamantayan ng propesyonalismo. Sa maraming babasahin at palabas
na Filipino, ang tila nangingibabaw na layunin ay mang-aliw, manlibang, at
lumikha ng ugong o ingay ng kasayahan (Tiongson, 2012). Isang pag-asam at
hámon para sa mga táong nasá likod ng mass media at mga táong tumatangkilik
sa mga ito na hindi lang basta lumaganap ang Filipino kundi magamit din ito ng
mga nasabing midyum upang higit na maitaas ang antas ng ating wika.
Magtulungan tayo!
“Ginamit lang
“Mas pipiliin
naman ako
ko ang isang
ng tadhana
bukas na
para
nandoon ka
pagtagpuin “I deserve an kaysa sa
kayo. Im’Just explanation! I isang bukas
a piece of need an na wala ka”
your puzzle” acceptable
reason” (Gab)
(Gara)
(Marco)
1 3
Pamantayan sa Pagmamarka:
Magaling! Nagawa mo ang unang gawain nakalaan. Malaki ang naitulong nito upang
lalo mong maunawaan ang katuturan ng wika. Ngayon masasagot mo na ang susunod na Gawain
upang masukat mo ang lalim ng iyong pag unawa sa araling tinalakay.
Isulat sa papel na nakalaan ang iyong mga kasagutan.
Panoorin ang tatlong maikling- maikling pelikulang nakalantad sa ibaba. Punan ang mga kahon ng
iyong pagsusuri pagkatapos.
Panuto:
“Kapag may simula ay mayroon ding wakas! Tiyakin natin ang iyong pagkatuto.”
A. Panuto: Suriin ang mga pamagat at diyalogo sa pelikula at sagutin ang mga
tanong kaugnay nitó tungkol sa lingguwistika at kultura. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.
2. “Gusto ko magkakasama tayo bago ako makipagkita kay San Pedro. Tutal
pitong linggo na lang naman.” (Tatay – Seven Sundays) Alin sa mga kultura
ng Filipino ang ipinapahiwatig sa pahayag?
a. Close Family Ties
b. Extended Family
c. Pamamanhikan
d. Piyesta
3. Ano ang nais ipahiwatig ni Tonyo sa pelikulang Kita Kita nang sabihin niya
kay Lea na “Alam mo click tayo”?
a. Bagay sila
b. Magkaibigan na sila
c. Pumindot na sila
d. Sira ang ulo nila
B. Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa sagutang papel.
6. Ang mga seryeng tulad ng Be Careful with my Heart, Till I Met You, at Sahaya
ay mga programa sa telebisyon na tinatawag na;
a. dulâ
b. nobela
c. noontime show
d. telenobela
8. Ano ang mga naitulong sa wikang Filipino ng mga teleserye tulad ng Ang
Probinsiyano, Kara Mia, at Kadenang Ginto?
a. Maraming Filipino ang nakaunawa at nakapagsasalita ng wikang
Filipino
b. Maraming dayuhan ang natutong magsalita ng ating wika.
c. Maraming Filipino ang gumamit ng rehiyonal na wika.
d. Maraming Filipino ang nahirati sa wikang dayuhan.
Tagasuri: