You are on page 1of 5

AKADEMIKONG PAGSULAT

Bakit maraming mag-aaral ang natatakot magsulat? Sadya nga bang mas mahirap magsulat kaysa
magsalita? Ang tao kapag magsalita nang mabilis, kung minsan, ay hindi gaanong nabibigyang pansin ang
gramatika sapagkat walang tala o dokumento na magpapatunay sa kanyang sinabi. Hindi gaya sa
pagsusulat, Isang pampublikong datos ang nalilikha na nagpapatunay ng kaalaman, opinyon, at
kahusayan sa paggamit ng wika ng manunulat. Kailangang gawin ng tiyak, may puwersa, at katapatan sa
pagsusulat.

Isang napakahalagang kasanayan sa buhat ng tao ang pagsulat, sapagkat, ito ay masining na personal
na interaksyonng paglikha sa sistematikong paraan bunga ng maingat na pagtitimbang ng mga
pangyayari at mga kaisipan batay sa paksa iyong susulatin. Napakahalagang mabatid na ang ganitong uri
ng pagsulat ay isang sining na nangangailangan Ng malalim na pag-unawa at pag-isip na maisaalang-
alang din ang mga siyentipikong pamamaraan sa pagsulat.

Ang Kahulugan at Kalikasan Ng Akademikong Pagsulat

Mga Kasanayang Pampagkatuto

-> Nauunawaan ang kahugan at kalikasan ng akademikong pagsulat na ginagamit sa iba`t ibang larangan.

-> Nabibigyang halaga sa sariling pang-unawa ang kahulugan at kalikasan ng akademikong pagsulat na
ginagamit sa iba`t ibang larangan.

Ang Kahulugan at Kalikasan Ng Akademikong Pagsulat

Bakit ba kailangang magsulat Ang tao gayong nakapagsasalita naman biLang paraan ng
pakikipagtalastasan sa kanyang kapwa? Ano-ano Ang kailangan para makapagsulat ng wasto?

Araw-araw Ang mag-aaral na tulad mo ay nahaharap sa iba`t ibang uri ng sulatin. Hindi lahat ay may
kakayahang magsulat. Ang normal na tao ay nakapagsasalita nang walang pormal nag pagtuturo Hindi
katulad ng pagsulat na dapat turuan ang bawat tao at ito ay kadalasang nagaganap sa paaralan.
Mahalagang malaman at matutunan ang kalikasan ng pagsulat.

Ang akademikong pagsulat ay isang pormal na sulatin o akdang isinasagawa sa Isang akademikong
institusyon kung kayat may mataas na antas Ng kasanayan sa pagsulat. Kinakailangan ang kritikal na
panunuri upang mapaunlad ang talas ng isip na makabuo Ng Isang mabuting sintesis at pagtataya para
sa matibay na pananaliksik. Kung kayat ito ayay sinusunod na partikular na sistema. Nilalayon Ng
ganitong kasanayan na malinang ang kaalaman sa pagsulat ng mga mag-aaral sa iba`t ibang anyo ng
sulating lilinang sa mga kakayahang magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri at masinop na pagsulat sa
piniling larangan na nagpapamalas ng talino ng isang manunulat. Dito nasusuri at natataya ng
mambabasa ang sinusulat ng kanilang kapwa.

Ang pag-iisip ay kasama ng mga ng mga kasanayan g pampag-iisip na lumilikha, nagmamanipula, at


nakikipagtalastasan sa iba Ng personal na simbolo ng isip.

KALIKASAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT

Batayan o kalikasan ng akademikong sulatin ang paraan upang ito ay maisulat. Ang paraan ng pagsulat
ay umiikot sa batayang diskurso na maaaring magsalaysay, maglarawan, maglahad, at mangatuwiran.
Ang apat na pangunahing akademikong diskursong ito kadalasan ay may pinagbabagayang disiplina o
larangan ng akademikong sulatin.

1. Uri ng mambabasa Ng Sulatin

Malaki Ang naitutulong ng pagsulat sa paglinang sa damdamin at isipan Ng mambabasa sapagkat


naipapahayag niya ang damdamin at mithiin tungo sa maayos na pakikipag-ugnayan.

Ibat ibang uri ng mambabasa

A. Partikular na mambabasa

B. Pangkalahatang mambabasa

2. Layunin Ng Sulatin

Mahalagang bigyang tuon at pakaisipain ang iyong layunin sa pagsulat. Ang diskurso Ng paksa sa
Isang komposisyon ay nakabatay sa anyo o genre ng sulatin upang lubusang mabigyang pagsisiyasat ang
pun o argumento ng paksa.

3. Katangian Ng Uri ng Sulatin at Wik

Mahalagang isaalang-alang din ng manunulat ang katangian ng uri ng tekstong kaniyang susulatin
ayon sa interes ng mambabasa.

4. Pagbuo ng mga Salita sa Sulating paksa.

Ang pagpili ng mga salitang gagamitin sa pagbuo ng mga kaisipan ay mahalagang bigyang pansin ng
manunulat batay sa uri ng kaniyang magiging mambabasa.

5. Organisayon sa Pagsulat Ng Sulatin

Mahalagang kalikasan din ng pagsulat Ang organisayon na tumutukoy sa kaisahan at kaayosan Ng


wasting daloy Ng mga kaisipan sa tulong ng wastong gamit ng gramatika.

6. Pamamaraan/Estilo sa Pagsulat Ng Sulatin


Ang Estilo o pamamaraan sa pagsulat ay isang kasanayang tinataglay ng manunulat na maaring
magpakilala ng kaniyang tatak.

7. Damdamin Ng Sulatin

Napakahalaga ng damdamin ng manunulat sa kaniyang sulatin dahil ito ang mag-uugnay sa duwa Ng
kaniyang mambabasa na nagiging daluyan na nagsisilbing salamin at mayamang kaban ng mga ideya na
ipinapahayag ng sulatin.

I. Panuto: Basahin ng mabuti ang mga tanong.


1. Bakit higit na mahirap ang pagsusulat kaysa pagsasalita?

2. Ano-anong kapakinabangan ang maaring makuha sa pagsusulat?

3. Bakit mahalaga na maisaalang-alang ang kalikasan ng pagsulat?

4. Ano ano ang pinagkakaiba ng akademikong pagsulat sa mga di pormal na mga sulatin?

5. Paano nakaapekto ang paggamit ng wika sa epektibong pagsulat?

Basahin muli ang mga Kalikasan Ng Akademikong Pagsulat. Pagkatapos, igawa ito Ng pagkakaugnay sa
akademikong pagsulat sa pamamagitan ng isang grapiko at makabuluhang paliwanag.

Paliwanag

Gumupit ng isang pangulong tudling mula sa kinahihiligan mong pahayagan. Pagkatapos, gupitin at idikit
ito sa Isang malinis na bond paper. Suriin at ipaliwanag ito ayon sa mga sumusunod na pamantayan:

1. Uri ng mambabasa na tinutukou ng teksto

2. Organisayon ng sulatin

3. Katangiaang uri ng sulatin at wika

4. Layunin Ng Sulatin

5. Damdamin Ng Sulatin
6. Mensahe Ng Sulatin para sa iyo

You might also like