You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Division of City Schools – Valenzuela

Video Lesson Script: Araling Panlipunan 9 (2nd Quarter)


MELC: Nasusuri ang kahulugan at ibat-ibang istruktura ng Pamilihan
Sub-Skill:
1. Naipapaliwanag ang kahulugan ng Pamilihan
2. Napapahalagahan ang bahaging ginagampanan ng Pamilihan sa pagtugon sa
pang-araw-araw na pangangailangan ng tao

Live Streaming Teacher: Garganta, Charlon B.

Date of Streaming: February 2, 2021 Date Submitted:

SCENE ACTION NARRATION

1. Panimula A. Pagpapakilala ng guro Magandang araw mga mag-aaral,


at muli ay welcome sa isa na
namang edisyon ng FB Valenzuela
Live Streaming Class para sa
Araling Panlipunan 9.

Para sa araw na ito ang ating


kasanayan sa pagkatuto sang-
ayon sa inilahad ng Department of
B. Paglalahad ng Education na nakapaloob sa Most
kasanayan sa pagkatuto at Essential Learning Competency
mga tiyak na layunin.
ay; : Nasusuri ang kahulugan at
. ibat-ibang istruktura ng Pamilihan

Samantala ang atin namang mga


tiyak na layunin ay ang mga
sumusunod;
1. Naipapaliwanag ang
kahulugan ng Pamilihan
2. Napapahalagahan ang
bahaging ginagampanan ng
Pamilihan sa pagtugon sa
pang-araw-araw na
pangangailangan ng tao

2. Balitaan Pagpapakita ng isang video Bago ang ating talakayan ay


clip na naglalaman ng isang magkaroon muna tayo ng maikling
news item. pagbabalita. Hinihiling ko sa inyo
na panuoring mabuti ang video
para masagot ang ilang
katanungang inihanda ko para sa
inyo. Ilagay ang sagot sa comment
box na makikita sa ibaba.

(Maraming Salamat sa PTV 4


para sa video clip ng balita)

Pamprosesong tanong
1. Ayon sa balita, bakit patuloy ang
pagtaas ng presyo ng karne ng
baboy sa pamilihan?
. (Magaling) Patuloy na tumataas
ang presyo ng mga karne ng
baboy dahil sa kakalungan ng
supply nito bunga ng Asian Swine
Flu o ASF.

2. Anong ahensya ng pamahalaan


ang dapat rumesolba sa pagtaas
ng presyo ng mga bilihin ngayon?
- Department of Agriculture
(Tama)

3. Sa mga bilihan na malapit sa


inyong lugar, ano kaya ang
sitwasyon ng mga presyo ng
pangunahing bilihin? Mataas ba o
mababa ang presyo?
-Magaling. Alam ko na marami sa
inyo ang nakakaalam ng
kasulukuyang presyo ng mga
pangunahing bilihin.

3. Balik-aral Sa pagpapatuloy ng ating klase ay


magkaroon tayo ng balik-aral sa
nakaraang talakayan natin sa
Araling Panlipunan – 9.

Nais kong sagutin ninyo ang


tinutukoy ng mga pangungusap.
Tandaan na ang mga kasagutan
dito ay mula sa talakayan natin
noong Miyerkules.

(Ilagay ang sagot sa comment box


na makikita sa ibaba).

Para sa unang katanungan.


1. Anong tawag sa kurba ang
tinuturo ng arrow na nakikita ninyo
sa screen?
- Demand Curve (“Magaling!”)
Ang susunod;
2. Anong tawag sa kurba ang
tinuturo ng arrow na nakikita ninyo
sa screen?
- Supply Curve (“Magaling!”)
3. Ano naman ang tawag sa punto
na tinuturo ng arrow na nakikita
ninyo sa screen?
- Ekwilibriyong Presyo
(“Magaling!”)
4. Sa anong dami nagkasundo ang
mamimili at nagbibili o tinatawag
na Ekwilibriyong Dami?
- 50 ----Tama----
At panghuli,
5. Sa anong presyo nagkasundo
ang mamimili at nagbibili o
tinatawag na Ekwilibriyong
Presyo?
- 50 (“Mahusay!”)

4. Pangganyak Sa pagkakataong ito, tunghayan


naman natin ang isang laro na
tatawagin nating “POR PIKS WAN
WORD”. Sasagutin natin ang
pinapahanap na salita gamit ang
mga larawan. Muli, ilagay ang
inyong sagot sa comment box na
makikita sa ibaba. Handa ka na
ba?

Para sa unang mga larawan. Ano


po ang sa tingin ninyo ang
tinutukoy dito? – “Mall” ---Tama

Ang sumunod. Ano po sa inyong


palagay ang salitang hinahanap
natin dito? – “Pabrika”--- Magaling

Tingnan naman natin ang


sumunod na larawan, ano naman
ang salitang inaaasahan mabubuo
natin? “Online Shop”---Mahusay

Pangatlo. Sigurado akong naaalala


pa ninyo kung sino ang nasa
larawan. Walang iba kundi “the
richest man in the world” na si Jeff
Bezos. Ano naman sa palagay
ninyo ang ang salitang inaasahan
mabubuo natin? – “Negosyante”

At panghuli. Ano kaya sa palagay


ninyo ang mabubuo nating
konsepto? – “Divisoria”---Tama

Batay sa mga nabuo nating salita


mula sa mga larawan, ano kaya sa
palagay ninyo ang paksa na
tatalakayin natin ngayong araw?
--PAMILIHAN--- Magaling

Iyan ang paksa na pag-uusapan


natin sa edisyong ito ng FB
Valenzuela Live. Handa ka na
bang matuto? Halika, magsimula
na tayo!

5. Paglinang ng Aralin Ano nga ba ang PAMILIHAN?

-Ang pamilihan ay mahalagang


bahagi ng buhay ng prodyuser at
konsyumer.

-Ito ang nagsisilbing lugar kung


saan nakakamit ng isang
konsyumer ang sagot sa marami
niyang pangangailangan at
kagustuhan sa pamamagitan ng
mga produkto at serbisyong
handa niyang ikonsumo.

-Sa kabilang dako ang mga


prodyuser ang siyang nagsisilbing
tagapagtustos ng mga serbisyo at
produkto upang ikonsumo ng mga
tao.

-Subalit, ang pamilihan ay hindi


lamang tumutukoy sa isang
tindahan o lugar na pinagdarausan
ng bilihan ng kalakal. maaaring
magkaroon pa rin ng pamilihan
kahit hindi ito sa palengke o mall.

-Kung may interaksyon sa pagitan


ng namimili at nagbibili, at
nagkakaroon ngbilihan ng
produkto at serbisyo sa alinmang
lugar, iyon ay tinatawag na
pamilihan.

-Sa pamilihan itinatakda kung


anong produkto at serbisyo ang
gagawin at kung gaano karami.
Mayroong dalawang pangunahing
tauhan sa pamilihan ang
konsyumer at prodyuser
-Ang konsyumer ang bumibili ng
mga produktong gawa ng mga
prodyuser, samantalang ang
prodyuser naman ang gumagawa
ng mga produktong kailangan ng
mga konsyumer sa pamamagitan
ng mga salik ng produksiyon na
pagmamay-ari ng mga konsyumer.

-Kaugnay nito, ayon sa 6th


Principle of Economics ni Gregory
Mankiw, “Markets are usually a
good way to organize economic
activity”.

-Ito ay ipinaliwanag ni
Adam Smith sa kaniyang aklat na
An Inquiry into the Nature and
Causes of the Wealth of Nations
(1776) na ang ugnayan ng
konsyumer at prodyuser ay
naisasaayos ng pamilihan.

-Mayroong tinawag na invisible


hand si Adam Smith na siyang
gumagabay sa ugnayan ng
dalawang aktor na ito ng
pamilihan. Ito ay ang “presyo”, na
siyang instrumento upang maging
ganap ang palitan sa pagitan ng
konsyumer at prodyuser.

-Mahalagang bahagi ng pamilihan


ang umiiral na presyo sapagkat ito
ang nagtatakda sa dami ng handa
at kayang bilhin na produkto
at serbisyo ng mga konsyumer.

-Presyo rin ang siyang batayan ng


prodyuser ng kanilang kahandaan
at kakayahan nilang magbenta ng
mga takdang dami ng mga
produkto at serbisyo.

-Kung kaya’t ang pamilihan ang


siyang mabisang nagpapakita
ng ugnayan ng demand at supply.

-Sa pagkakaroon ng mataas na


demand ng mga konsyumer,
nagiging dahilan ito sa pagtaas ng
presyo. Ito ay nagbubunga ng
lalong pagtaas sa pagnanais ng
prodyuser na magdagdag ng mas
maraming supply.

-Ang pamilihan ay maaaring lokal,


panrehiyon, pambansa, o
pandaigdigan ang lawak.

-Ang kilalang sari-sari store na


matatagpuan saanmang dako ng
ating bansa ay isang magandang
halimbawa ng lokal na pamilihan.

-Samantalang ang mga


produktong abaka ng Bicol, dried
fish ng Cebu, Durian ng Davao, at
iba pang natatanging produkto ng
mga lalawigan ay bahagi ng
pamilihang panrehiyon.

-Ang bigas naman ay bahagi ng


pambansa at pandaigdigang
pamilihan gaya ng mga prutas o
produktong petrolyo at langis.

-Ang mga nauusong on-line shops


sa pamamagitan ng internet ay
mga halimbawa ng pamilihang
maaring maging lokal, panrehiyon,
pambansa, at pandaigdigan ang
saklaw.

6. Paglalagom Bilang pagtatapos ng ating aralin


sa araw na ito, narito ang inyong
mga dapat na tandaan;

1. Ang Pamilihan ay ang


nagsisilbing lugar kung saan
nakakamit ng isang konsyumer
ang sagot sa marami niyang
pangangailangan at kagustuhan
sa pamamagitan ng mga produkto
at serbisyong handa niyang
ikonsumo.

2. Subalit, ang pamilihan ay hindi


lamang tumutukoy sa isang
tindahan o lugar na pinagdarausan
ng bilihan ng kalakal. maaaring
magkaroon pa rin ng pamilihan
kahit hindi ito sa palengke o mall.

3. Mayroong dalawang
pangunahing tauhan sa pamilihan
ang konsyumer at prodyuser.

4. Ang “Presyo” ay ang


instrumento upang maging ganap
ang palitan sa pagitan ng
konsyumer at prodyuser.

5. Ang pamilihan ay maaaring


lokal, panrehiyon, pambansa, o
pandaigdigan ang lawak.

7. Pagtataya Binabati ko kayo! Sa puntong ito


ay natapos na ninyo ang ika-anim
na linggo ng klase sa Valenzuela
City FB Live Streaming Class,at
upang masukat ang iyong
pagkatuto ay sagutin nyo ang ilang
katanungang inihanda ko para
inyo. Muli, itype ang inyong sagot
sa comment box sa ibaba.
PANUTO:
Basahin ang mga katanungan at
isulat ang salita ng tamang sagot.
1. Ang nagsisilbing lugar kung
saan nakakamit ng isang
konsyumer ang sagot sa
marami niyang
pangangailangan at
kagustuhan sa pamamagitan
ng mga produkto at
serbisyong handa niyang
ikonsumo.
SAGOT: PAMILIHAN
2. Ang dalawang pangunahing
tauhan sa pamilihan
SAGOT: KONSYUMER AT
PRODYUSER

3. “Markets are usually a good


way to organize economic
activity”. Sino ang nagpahayag
nito?
SAGOT: GREGORY MANKIW

4. Ito ang instrumento upang


maging ganap ang palitan sa
pagitan ng konsyumer at
prodyuser.
SAGOT: PRESYO

5. Ang kilalang sari-sari store na


matatagpuan saanmang dako
ng ating bansa ay isang
magandang halimbawa ng
anong pamilihan?
SAGOT: LOKAL NA
PAMILIHAN

8. Takdang-aralin Subalit bago tayo magtapos ay


mag-iiwan muna ako sa inyo ng
isang takdang-aralin upang lalo
pang mapalalim ang inyong pang-
unawa sa paksang ating tinalakay.
Sa inyong kuwaderno ay sagutin
mula sa inyong DepED Learning
Module ang Gawain 4: WORD TO
COCEPT MAPPING sa pahina
180 .

9. Pangwakas na Bago tayo tuluyang magtapos sa


Pananalita ating sesyon sa araw na ito ay nais
ko munang magpasalamat sa mga
may-ari ng mga larawan at may-
akda ng mga aklat at module na
ginamit natin sa araw na ito.

At dito na pansamantalang
nagtatapos ang ating pagsasama
sa ating Valenzuela FB Live
Streaming Class. Hangad ko na
muli kayong makasama sa ating
susunod na sesyon.
Maraming alamat po sa inyong
lahat at magandang araw.

Prepared by:

Name: Garganta, Charlon B.

Teacher III

General Tiburcio De Leon National High School

Script Language Validator:

Name: __________________________________

Date of Validation : ________________________

You might also like