You are on page 1of 1

Alamat ng CCTV

Tagapagsalaysay: Isang araw sa isang modernong lipunan, may isang balo na nag ngangalang Carmensita. si Tita
Mench ay may isang anak na babae na may kahaba-habang pangalan, siya ay si Cassandra Chastyn Tecson
Villamor. Si Casia ay mahal na mahal ng kanyang ina, tinuruan nya ang anak sa mga gawaing bahay. Ngunit si
Pinang ay madalas na may katwiran sa tuwing inuutusan ng kanyang ina. Isang araw ay nagkasakit si Tita Mench,
dahil hindi makabangon ay napilitan si Casia na gumawa sa gawaing bahay.
Tita Mench: Anak, magluto ka ng lugaw para may makain naman tayo.
Casia: Sige po, Ma.
Tagapagsalaysay: Agad namang kumilos si Casia ngunit kalaunay lumabas din ito ng bahay para maglaro. Dahil
napabayaang nakasalang ang lugaw, namuo at nanikit ang ilalim nito sa palayok. Nagpasensya na lang si Tita
Mench, kahit papaano nga nama'y napagsilbihan sya nito. Ilang araw pa ay si Casia na ang kumilos sa bahay. Nung
minsang magluto ay hindi nito makita ang sandok. Lumapit ito sa ina at nagtanong.
Casia: Ma, Ma, nasaan ang sandok?
Tita Mench: Nasa kusina lang yan, hanapin mo.
Tagapagsalaysay: Hinanap ulit ni Casia ang sandok, ngunit tinatamad na siyang hanapin ito. Maya-maya pumunta
ulit siya sa kaniyang ina.
Casia: Ma, hindi ko talaga mahanap, saan mo ba inilagay iyon?
Tita Mench: Naku Pinang, sana'y magkaroon ka ng maraming mata upang makita mo ang lahat ng bagay at nang
hindi kana tanong ng tanong.
Tagapagsalaysay: Umalis si Casia upang hanapin ang sandok. Kinagabihan ay lubhang nag-alala si Tita Mench
sapagkat hindi pa bumabalik si Casia. Napilitang bumangon at tawagin ang anak ngunit walang lumapit sa kanya.
Tita Mench: Anak! Anak!! Nasaan ka na?
Tagapagsalaysay: Lumipas ang mga araw, pagkagising, nakita ni Tita Mench ang isang misteryosong robot na
nakakabit sa kanilang kisame. Tila bang’ nakatingin ito sa kanya. Nagulat si Mench sa kadahilanang naalala niya ang
sinabi sa anak. At dito na nagsimula ang historya ng CCTV.

You might also like