You are on page 1of 2

De Jesus, Sarah Amor // Dionisio, Emillo // Manlapaz, Mikhail.

8-Passion

Alamat ng Pundasiyon

Sa malayong lungsod sa Gresya, may isang lalaki na kinagigiliwan ng lahat, siya ay si Pandu. Isa siyang anak ng
aristokrat. Si Pandu ay magaling sa maraming bagay, kaya maraming tao ay humahanga sa kanyang kakayahan. Lahat ng
pangyayari sa buhay ni Pandu ay maayos hanggang sa magsimulang mainggit ang mga lalaking kasing-edad niya,
karamihan sa kanila'y pinagtatangkaang sirain ang pangalan ng binata ngunit mas marami pa ring mga nanininwalang tao
kay Pandu.

Isang araw, ang mga binatang kasing edad ni Pandu ay nakaisip ng paraan para masira and pangalan ni Pandu,
pumunta sila sa templo ng kanilang diyos na si Pundaries. Pagpasok nila sa loob ng templo, sila'y nagsagawa ng isang
ritwal upang magpakita sa kanila si Pundaries."Bakit niyo ako tinawag, ano ang nais niyo?" tanong ni Pundaries sa malakas
na boses "Mayroon kaming nabalitaang lumabag sa inyong mga utos" "Sino ang walang kwentang Athen ang nagtatapang-
tapangang lumabag sa mga utos ko!?" sabi ni Pundaries na gigil na gigil na at may lumalabas nang usok sa kaniyang
dalawang tainga. Dahil sa takot, sinagot ng mga binata "si Pandu po!!" Natauhan ang Diyos dahil kilalang-kilala niya si
Pandu at hindi agad naniwala sa mga binata "Hindi ako makapaniwala na magagawa iyon ni Pandu, siya ay isang
edukadong binata, kayo ay naiinggit lamang!" sambit ni Pundaries "Dahil diyan, kayo ay parurusahan ko! Ang
pagsisinungaling ay labag sa aking mga utos!" Nabigla ang mga binata't sinubukang tumakas ngunit hindi sila nagtagumpay
at sila'y naging pundasiyon sa templo ng Diyos nila. Linggo nang nakalipas at kumalat ang balita sa lungsod hanggang sa
nakarating ito kay Pandu "Naku! Masyado naman itong mahigpit kahit na may mga taong may galit at inggit sa akin, hindi
ko sila masisisi dahil alam kong nais din nilang magkaroon ng kakayahang tulad ng akin na galing sa diyos na si
Pundaries". Bawat linggo, may mga nakakagawa ng kasalanan dahil sa inggit at galit, dahil sa sobrang daming taong
nagiging pundasiyon, ito'y umusbong at lumawak sa mga kabihasnang malapit sa Athens. Hindi nagtagal nang umunti-unti
ang mga mamamayan ng Athens. Nagsisimula nang lumubog ang lupa dahil dumarami na ang mga makasalanang tao at
mas dumarami ang Pundasiyon. Dito na nagsimulang umaksiyon si Pandu, siya'y pumunta sa kanilang Diyos at nakiusap
na ipatigil ang ginagawa ng Diyos. "Nais ko pong iparating sa inyo na umuunti na ang ating mga mamamayan, nakikiusap
po ako na itigil niyo muna ang paggawa ng mga pundasiyon na ito" umimik si Pundaries, "Sinasabi mo bang hindi ka sang-
ayon sa aking mga ginagawa? Nakalimutan mo na bang ako ang pinakamakapangyarihan dito?" "Opo ako po ay hindi
sumasang-ayon sa inyong mga ginagawa, dahil maaring ito ang magdulot ng pagbagsak ng kabihasnang ito!"sagot ni
Pandu "Walang sinuman ang tatanggi sa mga gusto ko! Mas alam ko ang mga nangyayari at wala kayong magagawa!"
dahil sa tindi ng galit ni Pundaries, aksidental niyang ginawang pundasiyon si Pandu. Ngunit ito'y hindi lamang isang
ordinaryong pundasiyon. Ito'y maganda't napaka kinis kumpara sa iba, ngunit hindi na naibalik ang buhay ni Pandu. Ito'y
naiparating sa mga tao sa lungsod. At dito na nagsimula ang pagbagsak ng Kabihasnang ito, sa dami na ng mga
pundasiyon, tuluyan nang lumubog ang lupa.

You might also like