You are on page 1of 1

France Ellaine M.

Merino

Fili 2111- 56

 The Greatest Lesson Bongbong Marcos Learned from His Father | Toni Talks
(Sept. 13, 2021)
Ipinapaliwanag ng panayaman na ito ang naging buhay ni Bong Bong Marcos, anak ng dating
pangulong Ferdinand Marcos, noong mga panahong ang kanyang ama pa ang namumuno sa bansang
Pilipinas. Ibinahagi rin ni BBM ang mga bagay na natutuhan niya sa kanyang ama, mula sa pananamit
hanggang sa kung paano mag lingkod ng tama at tapat sa kapwa. Maraming tao ang natuwa sa
interbyu na ito ngunit meron din namang mga nagalit.

 Ano nga ba ang kalagayan o sitawasyon ng wikang Filipino sa mga kabataan sa


kasalukuyang panahon? (Nov. 29, 2021)

Ang post na ito ay nagbibigay impormasyon tungkol sa ano na ang nagyayari sa sarili nating wika, sa
sarili nating bansa. Nakasaad din dito ang tulong ng “social media” sa paglaganap ng wikang Filipino,
dahil sa social media kayang makipagtalastasan nino man sa mapapagitan ng chat na ginagamit ng
maraming kabataang Pilipino ngayon. Mas napapalawak nila ang kaalaman nila sa wika natin at
nagagamit nila ito ng malaki sa social media.

 Hari ng Tondo (Dec.25, 2011)

Ang pelikulang ito ay sumasalamin sa matibay na samahan na simula pa noong unang panahon ay
pinapahalagahan na ng mga Pilipino. Pinapakita rin dito ang pagmamahal ng bawat Pilipino sa lupang
silangan o sa sariling bayan natin. Ang mga Pinoy ay teretoryal, hindi nila hahayang mawala sa kanila
ang ang mga bagay na simula palang ay alam na nilang pagmamay-ari na nila kaya kahit magkapatayan
pa ay ilalaban nila ito.

You might also like