You are on page 1of 2

1.

) Sumipi ng isang panayam/interbyu at suriin ang gamit ng wika kung ito ba ay nagpapaliwanag,
nanghihikayat o nagtuturo.

Title: Panayam kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.


Source: https://www.youtube.com/watch?v=t30EY1Po71w
Gamit ng wika: Nagpapaliwanag
Paliwanag: Sa panayam na ito ipinapaliwanag ni Mayor Isko ang patakaran tungkol sa “Total
Lockdown” na ipapatupad sa Tondo, Manila, isinaad dito na ang bawat “Quarantine Pass” ay
mawawalan ng bisa sa loob ng 48 oras na “Total Lockdown” upang mabawasan ang kaso ng
COVID-19 sa lugar na iyon. Mabibigyan ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mga tao ng
ayuda upang sila ay may magagamit sa loob ng 48 oras na hindi sila maaaring lumabas.

2.) Magbigay ng halimbawa ng isang social media post na nagpapakita ng pagpapayaman sa wikang
Filipino. Ipaliwanag.

Link: https://www.facebook.com/komfilgov/posts/1389110418151496
Nakasaad: Mamanwá ang wika ng mga katutubong Mamanwá na naninirahan sa Surigao del
Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, at sa Saint Bernard sa Katimugang Leyte. Kilalá rin ang
mga Mamanwá sa tawag na Mamáwa, Mamanwá Negríto, at Minamanwá hábang tinatawag rin
ang kanilang wika na Amamanúsa at Manmanwá.
Bukod sa kanilang sariling wika, nakaiintindi at nakapagsasalita rin ang mga Mamanwá ng
wikang Surigawnón at Sebwáno na natutuhan nilá mula sa pakikisalamuha sa mga Bisayà at
Surigawnón sa kanilang lugar.
Karamihan sa mga Mamanwá ay hindi marunong magsalita ng Filipíno at Inglés. Iilan lámang sa
kanila ang nakapagsasalita ng mga wikang ito, at silá iyong mga nakapag-aral at nakadadalo sa
mga pagtitipon sa labas ng kanilang komunidad.
Pinagmulan: Komisyon sa Wikang Filipino
Paliwanag: Isinasaad dito ang wikang ginagamit ng mga iilang naninirahan sa Surigao, Agusan del
Norte at sa Saint Bernard, Southern Leyte ay mahalaga para sa kanila dahil iilan lamang ang
gumagamit ng wikang Mamanwa at kadalasan sa mga gumagamit nito ay hindi marunong
magsalita ng Wikang Filipino at Ingles.

3.) Magtala ng mga pelikulang napanood at ipaliwanag na ito ay sumasalalim sa iba-ibang kultura
ng mga Filipino.

Movie Title: Bonifacio: Ang Unang Pangulo


Pangunahing Tema: Ang buhay ni Bonifacio
Paliwanag: Ang pelikulang ito ay pumopokus sa buhay ng Bayaning si Bonifacio, sa una’y pinakita
dito ang pagbitay sa tatlong paring martir, sumunod ay bumalik muli sa kasalukuyan na
moderno at pumunta ang karakter sa Museyo, at bumalik muli sa nakaraan sa oras na
isinasagawa ang La Liga Filipina at sumunod dito ay ang pag uusap ni Andres Bonifacio at Jose
Rizal sa kulungan bago ibitay at dahil nga doon ay inilunsad ni Bonifacio ang KKK na marami
ngang sumoportang mga Filipino dito para sa kalayaan ng bansa, sa unang pagpupulong ay
napansin ni Bonifacio na ang isang miyembro nila ay gusto ang kapatid ni Bonifacio at umamin
ito at hiningi ang kamay nit okay Bonifacio at sumunod dito ay ang paghingi ni Bonifacio ng
kamay ng kanyang iniirog, sa una’y hindi pumayag ang ama nito ngunit nakumbinsi niya ito at ito
nga ay naging asawa niya, ipinapakita lang nito ang pamamaraan ng panliligaw ng Filipino.
Sumunod naman dito ay ang pagiging relihiyosong bansa ng Pilipinas, na nangyayari parin
hanggang ngayon. Ang mga sumunod na pangyayari dito ay tungkol na sa pakikipaglaban ng KKK
sa mga Kastilang mananakop. Matapos mapatay ang mapang abusing prayle ay sumunod ang
pagboboto ng Presidente at natalo nga si Bonifacio sa botohang ito ngunit nanatili paring
Supremo ng Katipunan, ngunit dahil sa inggit ni Mabini ay ipinadakip niya si Bonifacio upang
ipapatay upang magkaroon ng kontrol si Mabini sa Katipunan. Ipinapakita sa pelikulang ito ang
matinding pagmamahal ni Andres Bonifacio para sa tinubuang lupa, pamamaraan ng mga
Filipino ng panliligaw at ang pagiging relihiyoso ng Filipino, ipinakita rin dito na hindi ang Kastila
ang tunay na kalaban ng mga Filipino, kundi ang kapwa Filipino rin.

You might also like