You are on page 1of 6

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA

NAGA CITY SCIENCE HIGH SCHOOL AT KULTURANG PILIPINO


SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT K2-LAS5: SANAYANG PAPEL SA PAGKATUTO

I- Kasanayang Pampagkatuto:
➢ Nakasusulat ng mga tekstong nagpapakita ng mga kalagayang pangwika sa kulturang
Pilipino.
F11PU – IIc – 87

II- Panimulang Konsepto:

➢ Isa sa mga katangian ng wika ang pagiging malikhain. Sa patuloy na paglago ng wika ay
umuusbong ang iba’t ibang paraan ng malikhaing paggamit dito dala na rin ng
impluwensiya ng mga pagbabagong pinalalaganap ng media. Ang kultura ay binubuo ng
mga karunungan, panitikan, paniniwala, kaugalian, sining, batas, pagpapahalaga at iba pa.
Kung noon ay radyo, diyaryo, telebisyon at magasin lang ang ating media para malaman
kung ano ang uso, anong sikat at ano ang popular, sa kasalukuyan ay napakamoderno na
ng teknolohiya at napakadali na lamang para sa tao ang makiuso at magpauso sa
pamamagitan ng lahat ng uri ng media.
➢ Malaki ang papel ng media sa pagpapalawak at pagpapalalim ng kulturang popular. Hindi
nga ba’t hindi magiging popular ang kulturang popular kung walang media na nagbibigay
katangian dito (pangmalawakan, lalo na sa hanay ng underclass). Ang media ang
pinopostura bilang egalitaryo, may misyon at serbisyo ang pangunahing layunin. Layunin
ng mass media na maging tulay sa mas maayos at mabilis na komunikasyon sa pagitan ng
tao. Ito ay may gampanin sa palitan ng impormasyon ng mga tao.

Ano ang kultura? Ito ang kabuoan ng mga tradisyon, paniniwala, kaugaliang natutuhan ng
tao mula sa kaniyang pakikisalamuha sa pamayanan o sa lipunang kaniyang kinabibilangan.

• Ang kultura din ang humuhubog kung paano mamumuhay at


makikipagtulungan ang tao sa mundo.
Ano naman ang popular? Ang salitang popular sa kulturang popular ay walang ibang
pinapatungkulan kundi ang “kasalukuyan”, ang “ngayon”.

Ano nga ba ang kulturang popular? Ito ang pangkalahatang kalinangan ng isang lahi sa
loob ng isang tiyak na panahon.

◼ Tinatangkilik ng karamihan sa lipunan, halimbawa ang mga pelikula at ang mga


teleserye, sa mga damit na sinusuot (mga damit sa online na kinagigiliwan ng
karamihan) at ang mga artista na tinitingala natin lalo na ang mga k-pop, mga
korean idols - lahat ito ay nasa sakop ng kulturang popular.

◼ Impluwensiya ng teknolohiya

Ano naman ang Mass Media o Pang-masang Media - Sa kasalukuyang panahon mahalaga
ito bilang bahagi ng pamumuhay ng mga tao sa isang komunidad. Sinasabing ito ay
makapangyarihang sandata o “tool” ng komunikasyon. Ito ay may malaking papel na
ginagampanan sa pagpapalaganap ng mga impormasyon na kinakailangang maipaalam sa
mga mamamayan.

1
➢ Palawigin pa natin ang iyong kaalaman sa Kulturang Popular.
• Kulturang Popular sa Media - Pamamaraan ng pagtanggap at paghatidng
mensahe. “channel of communication” isa sa pinakamahalagang behikulo
upang mapalaganap ang kulturang popular print at non-print.

1. Komentaryong Panradyo - Ito ay isang programang panradyo na may layuning


maipahayag ang opinyon at saloobin hindi lang ng komentarista kung hindi maging ng
mga tagapakinig nito tungkol sa isang napapanahong usapin o isyung panlipunan.

2. Dokyumentaryong Pantelebisyon - Ito ay mga palabas o programang pantelebisyon na


naglalayong magkuwento upang maipakita o masalamin ang realidad ng buhay na
madalas na tumalakay sa kultura, pamumuhay at iba’t ibang isyung panlipunan.

3. Dokyumentaryong Pampelikula - Tulad ng pantelebisyon, layunin nitong maikuwento at


masalalim sa pamamagitan ng pelikula ang katotohanan o realidad ng buhay. Ang tanging
pinagkaiba lamang nito ay may mga gumaganap na artista sa pelikula.

4. Pahayagan - Ito ay nalimbag o isang uri ng print media na nagbabalita ng mga napapanahon
o mahahalagang pangyayari na naganap sa isang lugar o bansa.

5. Broadsheet - Tinuturing na pahayagan ng mga matataas na lipunan.


6. Tabloid - Tinuturing na pahayagan ng masa.

7. Liwayway - Naglalamaan ng maikling kuwentong kinapupulutan ng aral ng mga


mambabasa, at pangunahing magasin sa bansa.

8. Komiks - Isang salaysay o kuwento na naglalayon namang palaganapin ang kulturang


Pilipino sa pamamagitan ng mga grapiko o iginuhit na mga larawang naglalaman ng diyalogo
ng mga karakter ng kuwento.

9. Magasin - Uri ng peryodikong publikasyon, naglalaman ng artikulo, nagpapalawak ng


kaalaman, nagbibigay ng impormasyon at pinoponduhan ng mga patalastas.

10. Pick-Up Lines - Kontemporanyong anyo ng bugtong kung saan ay may tanong na sinasagot
ng isang bagay na madalas maiugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto ng buhay.

11. Hugot Lines - Kaiba sa pick-up lines ay tinatawag ding love lines o love quotes. Hugot lines
ang tawag sa mga linya ng pag-ibig na nakakikilig, nakatutuwa, cute, cheesy o minsa’y
nakaiinis.

12. Fliptop - Balagtasan noong panahon na kung saan may dalawang panig na nagtatalo sa
pamamagitan ng rap bagama’t sa fliptop ay hindi nakalahad o walang malinaw na paksang
pagtatalunan.

13. Rap - Paraan ng pag-awit na tila binibigkas ngunit may ritmo. Ang mga salitang ginagamit
ay karaniwang balbal.

14. Kontemporanyong Dagli - Maikli pa sa maikling kuwento, hindi puwedeng lumampas sa


haba ng maikling kuwento.

2
15. Islogan - Komposisyong madaling maunawaan, modernong salawikain sa kasalukuyan,
maikling pahayag.

16. Patalastas - Uri ng pahayag na ginagamit upang makahikayat o makahimok, nagbibigay ng


impormasyon tungkol sa produkto, paniniwala at serbisyo, sumasagot sa tanong na ano,
kailan, saan, sino at bakit,
-maaaring makita sa sa pahayagan, magasin, komersyal, radyo at gusali.

17. Awit - Paraan ng pagpapahayag ng damdamin, pananaw, kultura at pangarap sa buhay.

18. Adapsyon - Paghiram ng himig at pagpalit lamang ng liriko ng awitin


19. Revival - Muling pagbuhay ng isang lumang awitin na may kunting pagbabago

(Halaw sa : https://quizlet.com/172864385/kulturang-popular-flash-cards/)

➢ Mayroon bang pinagmulan ang Kulturang Popular?


• May sinasabing anim na dahilan at pinagmulan ng kulturang popular:
1. Pangangailangan na itinakda ng mga negosyante - Ang mga negosyante ay nagbibigay
o nagpapakita sa mga tao ng isang pangangailangan.

2. Latak - Sinasabi rin naman na ang kulturang popular ay isang latak. Panghalili sa mahal
at orihinal.
3. Pangmasa o komersyal na kultura - Ang kulturang popular ngayon ay ang mga
pagkakapare-pareho ng mga kagamitan na nabili ng mga tao sa murang halaga.
4. Ginagawa ng tao - Ito naman ang nagsasabing ang kulturang popular ay ginagawa ng
tao - maaaring ng isang sikat na personalidad na nais tularan ng marami.
5. Larangan ng gahum - sinasabi rin naman na ang kulturang popular ay isang ebidensiya
ng mataas na tingin natin sa isang gahum ng bansa.
6. Pagkalusaw ng mga hangganan - Sa tumitinding globalisasyon at pagkakaugnay-ugnay
ng mga kultura at sibilisasyon sa buong mundo, hindi na nagiging hadlang ang
distansiya ng mga bansa para magkaroon ng iisang kulturang popular.
(Halaw sa : https://www.academia.edu/23725241/Ano_Ang_Kulturang_Popular)

➢ Ang mga nabanggit na kulturang popular ay patuloy pa ring ginagamit at tinatangkilik isa
na riyan ang Fliptop at Rap. Isa na rito ang yumaong Francis Michael Durango Magalon o
mas kilala sa tawag ng Francis M., siya ay tinaguriang King of Philippine Rap, Father of
Philippine Hip-Hop, Master Rapper of the country at isa sa kilalang awitin niya ay ang
“Mga Kababayan”. Hindi rin mawawala si Andrew Ford Valentino Espiritu o mas tanyag
sa tawag na Andrew E. Siya’y tinagurian ding King of Pinoy Rap at isa sa pinakakilalang
awitin niya ay ang “Humanap ka ng Panget”, at ang mga bagong kilalang pangalan sa
industriya GLOC 9, LOONIE, SMUGGLAZ, ABRA, BASSILYO, SHEHYEE, SHANTI DOPE at
MIKE KOSA.

3
➢ Ang kulturang popular ay isang kulturang maaaring sabayan at sakyan ng tao. Sa kabilang
banda, maaari din namang tayo rin ang magpauso at gumawa ng kulturang ito. Subalit,
pakaisipin natin na ang epekto ng kulturang popular ay hindi maiiwasan ang pagbabago
kaya marapat lamang na panatilihin pa rin natin at huwag kalilimutan ang kulturang
“unique” at sariling atin. Hindi masama ang sumabay sa daloy ng makabagong pamumuhay
ngunit huwag natin hahayaang matabunan ng kulturang popular – kulturang nagbibigay-
depenisyon sa kasalukuyang panahon.

III- Mga Gawain:

Pagsasanay A. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap at hanapin sa loob


ng kahon ang tamang sagot at isulat ito sa Sagutang Papel.

Kulturang Popular sa Midya Magasin


Komentaryong Panradyo Broadsheet
Komentaryong Pantelebisyon Komiks
Pahayagan Liwayway

1. Uri ng print media na nagbabalita ng mga napapanahong isyu.


2. Ito ay nagpapalawak ng kaalaman, nagbibigay ng impormasyon at
pinoponduhan ng mga patalastas.
3. Isa sa pinakamahalagang behikulo upang mapalaganap ang kulturang
popular print at non-print.
4. May layuning maipahayag ang opinyon at saloobin hindi lang ng
komentarista kung hindi maging ng mga tagapakinig.
5. Naglalayong magkuwento upang ipakita o masalamin ang realidad ng
buhay na madalas na tumatalakay sa kultura, pamumuhay.

Pagsasanay B. Panuto: Pumili ng isa lamang sa Kulturang Popular na nalaman mo at


talagang nasasabayan o naisasagawa mo. Talakayin ito sa pamamagitan ng isa
hanggang dalawang talata na may 5-7 pangungusap lamang.

IV- Rubrik sa Pagpupuntos :

➢ Pagsasanay A – 5 puntos (Tig-iisang tsek bawat bilang)


➢ Pagsasanay B – Gawing batayan ang rubrik na ito:
1. Pagsunod sa panuto – 5 puntos
2. Nilalaman at organisasyon – 10 puntos
3. Lubos na kaalaman sa tinalakay – 5 puntos
Kabuoan – 20 puntos

4
V- Susi sa Pagwawasto:
➢ Nakasalalay sa guro ang pagwawasto.
VI- Sanggunian:

Clemente, Michelle Erika A., SLM2 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino, Modyul 3

Dr. Nuncio, Rhoderick V., et.al., 2016. SIDHAYA 11 Komunikasyon at Pananaliksik


sa Wika at Kulturang Pilipino. C& E Publishing, Inc. 839 EDSA, South Triangle,
Quezon City.

Dayag, Alma M. 2017. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa


Wika at Kulturang Filipino. Phoenix Publishing House, Inc. 927 Quezon Ave.
Quezon City

Elektroniko
Kulturang-Popular/-flash-card/https://quizlet.com/172864385

Ano-Ang-Kulturang-Popular/https://www.academia.edu/23725241 Kulturang-
Popular/https://kritikasatabitabi.wordpress.com/tag/

Seanchungfill2.wordpress.com.2013/04/22KulturangPopular/https://www.google.com/amp/s/

Johnds1095.wordpress.com/2013/04/22/pagtatanggap-at-paguunawa-ng-kulturang-popular/amp/https://
www.google.com/amp/s/

Mreiafrica/ang-punot-dulo-ng-kulturang-popular https://www.slideshare.net

Mathaysimpliciopio.wordpress.com2013/04/22/kulturang-
popular/amphttps://www.google.com/amp/s/

Fliptoplines.wordpress.com/2012/12/27/abra-fliptop-
lines/amp/https://www.google.com/amp/s

AVO-12/3/2021

Inihanda ni: Pinatunayan ni: Binigyang-pansin ni:

ANITA V. OMBAO TERESITA S. ARLANTE ERWIN V. DE LOS REYES


JHS Teacher III SHS Master Teacher II Principal

5
6

You might also like