You are on page 1of 5

TANAY EAST NATIONAL HIGH SCHOOL

Abril 6, 2018

IKA-APAT NA TAUNANG PAGTATAPOS


SA JUNIOR HIGH SCHOOL NG TANAY EAST NATIONAL HIGH SCHOOL
BATCH 2018-2019

Paksa: “Pagkakaisa sa Pagkakaiba-iba: Kalidad na Edukasyon para sa Lahat”

MC: Mangyari pong humanda na ang lahat, sa loob lamang po ng ilang sandali ay magsisimula na ang ating
palatuntunan.

PANIMULA:
MC: Isang mapayapa at mapagpalang umaga po sa inyong lahat.
Ngayong ika-apat ng Abril taong dalawang libo at labing siyam, may galak pong ipinagdiriwang nating
mga guro, mga magulang, mga mag-aaral, mga lider ng bayan at lalawigan, kasama ang mga
mamamayang taga-Tanay, ang ika-apat na taunang pagtatapos o Completion Rites ng Junior High
School sa paaralan ng Tanay East National High School, na may paksang “Pagkakaisa sa
Pagkakaiba-iba: Kalidad na Edukasyon para sa Lahat”.

Sama-sama po nating saksihan ang natatanging araw na ito.

I. UNANG BAHAGI

PROSESYONAL
MC: Simulan po natin ang palatuntunan sa proseysunal ng mga Grade 10 Completers kasama ang kanilang
mga magulang, mga guro, punong guro at mga panauhin.

MUSIC: Patutugtugin ang Aida-Grand March (Don’t overpower the sound of the mic. para sa intro ng mga
papasok. )

***PAGPASOK NG MGA MAG-AARAL NA NAGKAMIT NG KARANGALAN***


MC: Masasaksihan po natin ang pagpasok ng mga batang nagkamit ng karangalan, kaagapay ang mga
natatanging magulang na nagsikap tungo sa katuparan ng kanilang pangarap.

***PAGPASOK NG 10-NARRA***
MC: Nasasaksihan po natin ang pagpasok ng mga magsisipagtapos sa ika-10 baitang pangkat Narra,
kasama ang kanilang mga magulang, sa pangunguna ng kanilang mapagmahal na gurong tagapayo,
Gng. Henny C. Sarmiento.

Sila ang mga batang tunay na may talento sa alin mang larangang pang-akademiko, agham man,
Ingles o Matematika. Kanilang kaalaman ay tunay na di matatawaran. Ang malawak na oportunidad na
ibinigay sa kanila ang naging daan upang higit pang malinang ang angkin nilang kakayahan.
Kakayahang sa paglipas ng panahon ay higit na naging kapaki-pakinabang. At sa paglipas ng
maraming taon, sa kanilang pagbabalik-tanaw sa inang paaralan, may pagmamalaki nilang masasabi
na sila ay mapalad na nagtapos sa Tanay East National High School.
***PAGPASOK NG 10-MOLAVE***
MC: Nasasaksihan po natin ang pagpasok ng mga magsisipagtapos sa ika-10 baitang pangkat Molave,
kasama ang kanilang mga magulang, sa ilalim ng pamamatnubay ng kanilang gurong tagapayo, G.
Arnold E. Ermino

Sila ay mga mag-aaral na sa kabila ng kanilang pagiging makulit, palabiro at kung minsa’y
makalokohan, sila nama’y magagalang, masunurin, matulungin, at magiliw sa kanilang mga guro. Sa
dakilang araw na ito ng kanilang pagtatapos, makikita natin silang may ngiti ng pagmamalaki at
pagmamahal sa kanilang mga magulang at mga kaibigan.

***PAGPASOK NG MGA PINUNONG PAMPAARALAN, PANLALAWIGAN, PAMBAYAN,


MGA GURO AT PANAUHIN***
MC: Isang mataas na pagkilala at pagpapahalaga sa pagpasok ng mga taong lagi na’y katuwang natin sa
lahat ng programang pang-edukasyon, sa pangunguna ng ating minamahal na..
punong lalawigan, Kgg. Rebecca A. Ynares,
punong bayan ng Tanay, Kgg. Rex Manuel A. Tanjuatco,
pangalawang punong bayan, Kgg. Jaime Vista,
kasama ang mga bumubuo ng sangguniang bayan,
punong brgy.,Kgg. Ruel P. Estrella at Sangguniang Barangay,
mga bumubuo sa Samahan ng mga Guro at mga Magulang,
mga guro at punong-guro sa Tanay East NHS Dr. Lilia M. Tibay,
kasama ng Pampurok na Tagasubaybay, Gng. Rosemarie C. Blando,
tagamasid pampurok ng Tanay I-B, G. Ernesto B. Discutido,
at iba pang mga panauhin.

MUSIC: Hihinto ang tugtog pagkatapos makapasok ng lahat sa hall.

IKALAWANG BAHAGI

PAG-AWIT AT PANALANGIN
MC: Manatili po tayong nakatayo at may pagmamalaki nating awitin ang pambansang awit ng Pilipinas ang
Lupang Hinirang, sa pagkumpas ni Gng. Leanne May A. Garcia, guro sa MAPEH. Ito ay susundan ng
panalangin na pangungunahan ni Gng. Rensel J. San Juan, guro sa Filipino, at pag-awit ng Calabarzon
March , Rizal Mabuhay, at Tanay Dakila Ka sa pagkumpas muli ni Gng. Leanne May A. Garcia.
MUSIC: Lupang Hinirang
(Hihinto muna para sa panalangin)
CALABARZON March
Rizal Mabuhay
Tanay Dakila Ka
MC: Maraming salamat po Gng. Garcia at Gng. San Juan.
Maari na pong magsiupo ang lahat.
***
BATING PAGTANGGAP
MC: Ngayon ay malugod pong inaanyayahan ang ating butihing punong-guro na si Dr. Lilia M. Tibay para
sa pambungad na pananalita.
~ MESSAGE~
MC: Maraming salamat po Dr. Tibay para sa inyong malaman at makabuluhang pananalita.
***
MENSAHE (Skip this part kapag walang pa-message si Gov. )
MC: Sa pagkakataon pong ito ay isang pagbati ang atin namang maririnig mula sa masipag at
pinagpipitaganang Punong Lalawigan ng Rizal, Kgg. Rebecca A. Ynares, na kakatawanin ni ________
~ MESSAGE~
MC: Maraming salamat po ________________________________ sa mensahe ng inspirasyon para sa
mga batang nagtapos sa Junior High School ng Tanay East at Tanay Southeast National High School
batch 2017-2018.
***

PAGPAPAKILALA, PAGPAPATUNAY AT PAGPAPATIBAY


MC: Ngayon po ay maririnig natin ang pagpapakilala sa mga batang magsisipagtapos sa Junior High
School, na gagampanan ng kanilang punong-guro Dr. Lilia M. Tibay. Kasunod ang pagpapatibay ng
pagtatapos na gagampanan ni Dr. Rosemarie C. Blando, tagamasid pampurok ng Tanay I-B.

~PAGPAPAKILALA, PAGPAPATUNAY AT PAGPAPATIBAY~

MC: Maraming salamat po sa inyo Dr. Rosemarie C. Blando at Dr. Lilia M. Tibay.

***

PAGGAGAWAD NG SERTIPIKO NG PAGTATAPOS


MC: Sisimulan na po natin ang paggawad ng sertipiko ng pagtatapos sa mga mag-aaral na kasiya- siyang
natapos ang apat na taon sa Junior High School.

Inaanyayahan po na magtungo sa entablado sina …


Gng. Rosemarie C. Blando - Pampurok na Tagasubaybay,
G. Ernesto B. Discutido - Tagamasid Pampurok ng Tanay I-B,
Dr. Lilia M. Tibay, punong-guro guro ng paaralang ito,
(insert visitors)

… para sa pag-gagawad ng sertipiko ng pagtatapos.

Ang pagpapakilala sa mga batang magsisipagtapos sa Junior High School ay gagampanan ng mga
gurong tagapayo sa ika-10 baitang na sina Gng. Henny C. Sarmiento pangkat Narra, at G. Arnold E.
Ermino, pangkat Molave.
MUSIC: Play Aida- Grand March
~ PAGPAPAKILALA SA MGA MAGSISIPAGTAPOS ~
MUSIC: Hihinto ang tugtog kapag tapos na pag-gagawad ng sertipiko.
MC: Maraming salamat po.
***
PAGGAGAWAD NG MEDALYA
MC: Ang pagtatapos ay tanda ng masusing pagsisikhay ng bawat isang mag-aaral. Ang paglalaan ng oras,
dedikasyon at determinasyon upang makamit ang pinakamimithing karangalan at tagumpay, ay
pinanday at pinag-ukulan ng buong husay upang sa huli’y kamtin ang pinakamataas na pagkilala sa
sarili upang maihandog sa pinakamamahal na mga magulang.

Ang karangalang natamo ay simbolo ng pagpupunyaging ipinamalas ng mga natatanging mag-aaral sa


iba’t ibang larangan at asignatura. At sa mahalagang araw na ito ng kanilang pagtatapos, nararapat
lamang na sila’y kilalanin at parangalan.

Inaanyayahan po muli sa entablado ang ating Tagamasid Pampurok ng Tanay I-B, G. Ernesto B.
Discutido, punong-guro ng TENHS, Dr. Lilia M. Tibay, para sa paggagawad ng medalya.

Inaanyayahan din pong muli sa harapan si Gng. Henny Sarmiento upang ipakilala ang mga batang
nagkamit ng karangalan.
MUSIC: Play Aida- Grand March
~AWARDING~
MUSIC: Hihinto ang tugtog kapag tapos na pag-gagawad ng medalya.
MC: Maraming salamat po.
***

III. IKATLONG BAHAGI

MC: Ngayon po ay pakinggan natin ang pag-awit ng mga nagsipagtapos sa Junior High School sa Tanay
East at Tanay Southeast National High School. Inaanyayahan na tumaya ang mga nagsipagtapos.
MUSIC: Play Break Away
~AWIT NG PAGTATAPOS~
***
PANGWAKAS
MC: Sa ngalan po ng pamunuan ng aming paaralan at mga guro, taos-pusong binabati namin ang mga
nagsipagtapos, ang kanilang mga magulang, mga gurong pumatnubay at lubos po kaming
nagpapasalamat sa lahat ng tumulong at mga panauhing nagsidalo at nakiisa sa pagtatapos na ito.

Muli Mataas na pagbati para sa mga nagsipagtapos ng dalawang libot at labing siyam sa Tanay East
National High School, Hangad at dalangin namin ang inyong tagumpay sa hinaharap.

RESESYUNAL
Tunghayan po natin ang resesyunal ng mga panauhin, punong guro, mga guro, mga magulang at mga
nagsipagtapos.
MUSIC: Play Aida- Grand March

~PAGLABAS NG MGA PANAUHIN, MGA MAGULANG, MGA GURO, AT MGA NAGSIPAGTAPOS~

Ako po si G. Reniel M. Domingo, ang guro ng palatuntunan. 

You might also like