You are on page 1of 5

TANAY EAST NATIONAL HIGH SCHOOL

Abril 6, 2018

IKA-4 NA PALATUNTUNAN NG PAGTATAPOS


SA SENIOR HIGH SCHOOL NG TANAY EAST NATIONAL HIGH SCHOOL
BATCH 2017-2018

Paksa: “Mag-aaral ng K-12: Handa sa Hamon ng Buhay”

MC: Mangyari pong humanda na ang lahat, sa loob lamang po ng ilang sandali ay magsisimula na ang ating
palatuntunan.

Panimula:
MC: Isang kaaya-aya at pinagpalang araw po sa inyong lahat at MABUHAY!
Sa araw pong ito ay ating masasaksihan ang taunang pagtatapos sa ating mahal na paaralang Tanay
East National High School, taong panuruan dalawang libo’t labing pito – dalawang libo’t labing walo, na
may paksang “Mag-aaral ng K to 12: Handa sa Hamon ng Buhay”.

I. UNANG BAHAGI

PROSESYUNAL
MC: Sisimulan po natin ang palatuntunan sa pagpasok ng mga magsisipagtapos, mga magulang, mga guro,
punong guro at mga panauhin.

MUSIC: Patutugtugin ang Aida-Grand March

(Pagpasok ng mga mag-aaral na nagkamit ng karangalan)


MC: Masasaksihan po natin ang pagpasok ng mga batang nagkamit ng karangalan, kaagapay ang mga
natatanging magulang na nagsikap tungo sa katuparan ng kanilang pangarap.

(Pagpasok ng mga magsisipagtapos at magulang)


MC: Nasasaksihan po natin ang pagpasok ng mga mag-aaral sa ika-labing dalawang baitang kasama ang
kanilang mga magulang, sa pangunguna ng kanilang gurong tagapayo, Gng. Evangeline S. Cleofe.

(Pagpasok ng mga guro at panauhin)


MC: Isang mataas na pagkilala at pagpapahalaga sa pagpasok ng mga taong lagi na’y katuwang natin sa
lahat ng programang pang-edukasyon, sa pangunguna ng ating minamahal na..
punong lalawigan, Kgg. Rebecca A. Ynares,
punong bayan ng Tanay, Kgg. Rex Manuel A. Tanjuatco,
kasama ang mga bumubuo ng sangguniang bayan,
punong barangay,Kgg. Ruel P. Estrella at Sangguniang Barangay,
mga bumubuo sa Samahan ng mga Guro at mga Magulang,
mga guro at punong-guro sa Tanay East NHS na pinangungunahan ni Dr. Teresita A. Cruz,
kasama ang mga punong-guro sa antas elementarya at secondarya
sa pangunguna ng pansangay na tagapamanihala ng mga paaralan, Dr. Marites A. Ibanez,
pampurok na tagasubaybay, Gng. Rosemarie C. Blando,
tagamasid pampurok ng Tanay I-B, G. Ernesto B. Discutido,
at iba pang mga panauhin.

MUSIC: Hihinto ang tugtog pagkatapos makapasok ng lahat sa hall.

II. IKALAWANG BAHAGI

PAGPASOK NG MGA KULAY


MC: Inaanyayahan po ang lahat na bigyang daan ang pagpasok ng mga kulay.

MUSIC: Drum Roll


(Pagpasok ng mga kulay)
MUSIC: Hihinto ang tugtog pagkatapos.

PAG-AWIT AT PANALANGIN
MC: Manatili po tayong nakatayo at sabay-sabay po nating awitin nang may buong pagmamalaki ang
Pambansang Awit ng Pilipinas, sa pagkumpas ni G. Nestor L. Sto. Tomas, guro sa EIM, na susundan
ng panalangin ni Gng. Rensel J. San Juan, guro sa Filipino, at pag-awit ng Calabarzon March, Rizal
Mabuhay, at Tanay Dakila Ka sa pagkumpas muli ni G. Nestor L. Sto. Tomas.
MUSIC: Lupang Hinirang
(Hihinto muna para sa panalangin)
CALABARZON March
Rizal Mabuhay
Tanay Dakila Ka
(Pag-awit at Panalangin)
MC: Maraming salamat po G. Sto. Tomas at Gng. San Juan.
Maaari na pong magsiupo ang lahat.

BATING PAGTANGGAP
MC: Ngayon ay malugod pong inaanyayahan ang ating butihing punong-guro na si Dr. Teresita A. Cruz para
sa pambungad na pananalita.
(Message ni Dr.Cruz)
MC: Maraming salamat po Dr. Cruz sa inyong malaman at makabuluhang pananalita.
***

PAGBATI (SKIP THIS PART KAPAG WALA SI GOV! )


MC: Sa pagkakataon pong ito ay isang pagbati ang atin aming maririnig mula sa masipag at
pinagpipitaganang Punong Lalawigan ng Rizal, Kgg. Rebecca A. Ynares, na kakatawanin ni
___________________________________.
(Message ni Gov)
MC: Maraming salamat po ________________________________ sa mensahe para sa mga batang
nagtapos sa Senior High School ng Tanay East National High School batch 2017-2018.
***
PAGPAPAKILALA, PAGPAPATUNAY AT PAGPAPATIBAY
MC: Ngayon po ay maririnig natin ang pagpapakilala sa mga batang magsisipagtapos sa Senior High
School na gagampanan ni Dr. Teresita Cruz, punong-guro ng Tanay East National High School. Ito ay
susundan ng pagpapatunay ng pagtatapos na gagampanan ng tagamasid pampurok ng Tanay I-B, G.
Ernesto B. Discutido at pagpapatibay ng pagtatapos ng pansangay na tagapamanihala ng mga
paaralan, Gng. Marites A. Ibanez, na kakatawanin ng ating pampurok na tagasubaybay, Gng.
Rosemarie C. Blando.

(Pagpapakilala at Pagpapatunay ng Pagtatapos)

MC: Maraming salamat po Dr. Cruz, G. Discutido at Gng. Blando.


Maari na pong magsiupo.
***

PAGGAGAWAD NG KATIBAYAN
MC: Ngayon ay dadako na po tayo sa pinakatampok na bahagi ng ating palatuntunan, ang pag-gagawad ng
katibayan ng pagtatapos. Ito po ay pangungunahan ng..
Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan, Dr. Marites A. Ibanez,
na kakatawanin ng ating Pampurok na Tagasubaybay, Gng. Rosemarie C. Blando,
Tagamasid Pampurok ng Tanay I-B, G. Ernesto B. Discutido, at
Punongguro ng Tanay East National High School, Dr. Teresita A. Cruz
kasama ang ating butihing punong bayan, Kgg. Rex. Manuel A. Tanjuatco.
(insert visitors)
Ang pagpapakilala sa mga magsisipagtapos sa ika-labing dalawang baitang ay gagampanan ng
kanilang gurong tagapayo na si Gng. Evangeline S. Cleofe.
MUSIC: Aida-Grand March
(Paggawad ng Katibayan ng Pagtatapos)
MUSIC: Hihinto ang tugtog kapag tapos na pag-gagawad ng sertipiko.
MC: Maraming salamat po.
***

PAG-GAWAD NG MEDALYA
MC: Ang karangalang natamo ay simbolo ng pagpupunyaging ipinamalas ng mga natatanging mag-aaral sa
iba’t ibang larangan at asignatura. At sa mahalagang araw na ito ng kanilang pagtatapos, nararapat
lamang na sila’y kilalanin at parangalan.

Ngayon ay atin pong matutunghayan ang paggagawad ng karangalan sa mga natatanging


magsisipagtapos kasama ang kanilang mga magulang.

Inaanyayahan po sa entablado ang ating Punong Bayan, Kgg. Rex Manuel A. Tanjuatco, Punong Brgy.
Kgg. Ruel P. Estrella, Tagamasid Pampurok ng Tanay I-B, G. Ernesto B. Discutido, at ang ating
punong-guro, Dr. Teresita A. Cruz, (kasama ang *INSERT VISITORS*) para sa paggagawad ng
medalya.
Inaanyayahan din pong muli sa harapan si Gng. Evangeline S. Cleofe upang ipakilala ang mga batang
nagkamit ng karangalan.
MUSIC: Aida-Grand March
(Paggawad ng Medalya
MUSIC: Hihinto ang tugtog kapag tapos na pag-gagawad ng medalya.
MC: Maraming salamat po.
***
MENSAHE
MC: Sa pagkakataong ito, ikinararangal ko pong ipakilala sa inyo ang susunod na magbibigay ng pananalita
sa hapong ito.
Pasalubungan po natin ng masigabong palakpakan ang masipag at batang-batang punong bayan ng
Tanay, Kgg. Rex Manuel C. Tanjuatco.
(Mensahe ni Mayor)
MC: Maraming salamat po sa napakahalagang mensahe na ibinahagi ninyo sa
amin. Natitiyak po namin na ang inyong mga tinuran ay magsisilbing inspirasyon at gabay sa pagtahak
sa bagong landas ng pakikipagsapalaran tungo sa maunlad na kinabukasan.
***

PAGPAPAKILALA SA PANAUHING TAGAPAGSALITA


MC: Muli ay isa pong malaman at makabuluhang mensahe ang ating mapapakinggan.
Para sa pagpapakilala sa ating panauhing pandangal, atin pong tawagin si Bb. Cristine Jessa L. Valite,
guro sa SHS.
(Payo sa mga nagsipagtapos ng Panauhing Pandangal)
MC: Maraming salamat po Bb. Patingan.
Hinihiling po na manatili ang ating panauhing pandangal sa entablado upang tanggapin ang sertipiko
ng pagkilala.
Inaanyayahan din po sa entablado si Dr. Teresita A. Cruz, punongguro ng TENHS, G. Ernesto B.
Discutido, Tagamasid Pampurok ng Tanay I-B, at si Gng. Rosemarie C. Blando, Pampurok na
Tagasubaybay upang igawad ang sertipiko sa panauhing pandangal.
(Paggawad ng Sertipiko ng Pagkilala)
MC: Maraming salamat po muli para sa inyong makabuluhang pagdalo sa araw na ito.
***

PANANALITA NG BATANG NAGKAMIT NG KARANGALAN


MC: Sa bawat mag-aaral, ang paglalaan ng oras, dedikasyon at determinasyon upang makamit ang
pinakamimithing karangalan at tagumpay, ay pinanday at pinag-ukulan ng buong husay upang sa huli’y
kamtin ang pinakamataas na pagkilala sa sarili upang maihandog sa pinakamamahal na mga
magulang.

Ngayon ay ating kilalanin at pakinggan ang pananalita ng batang nagkamit ng


pinakamataas na karangalan na si Avepearl T. Marinez.
(Pananalita ng batang nagkamit ng Karangalan)

MC: Maraming salamat.


Tunay ngang ang pagtatapos ay tanda ng masusing pagsisikhay ng bawat isang mag-aaral.
PANUNUMPA
MC: Inaanyayahan ang lahat ng mga nagsipagtapos na tumayo, upang isagawa ang panunumpa na
pangungunahan ni Joebert N. Vicencio.
(Panunumpa ng Nagsipagtapos)

AWIT NG PAGTATAPOS
MC: Ngayon po ay pakinggan natin ang pag-awit ng mga mag-aaral na nagsipagtapos sa Senior High
School.
MUSIC: The Journey
(Pag-awit ng awit ng pagtatapos)
III. Ikatlong Bahagi

RESESYUNAL
MC: Sa ngalan po ng pamunuan ng aming paaralan at mga guro, taos-pusong binabati naming ang mg
nagsipagtapos, ang kanilang mga magulang, mga gurong pumatnubay at lubos po kaming
nagpapasalamat sa lahat ng tumulong at mga panauhing nagsidalo at nakiisa sa pagtatapos na ito.

Tunghayan po natin ang paglabas ng mga kulay, panauhin, punong guro, mga guro, mga magulang at
mga nagsipagtapos.
MUSIC: Aida-Grand March
(Resesyunal)

Maraming-maraming salamat po at mabuhay tayong lahat.


Muli, ako po si Bb. Lanie O. Rasimo, ang guro ng palatuntunan. 

You might also like