You are on page 1of 12

1

KABANATA I:

ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

PANIMULA

Maraming kabataan ngayon ang nahuhumaliw sa paggamit ng Social Media. Ang

Social Media ay ang makabagong paraan ng pakikipagkomunikasyon. Marami ring tao na

ginagamit ang social media para sa kani-kanilang plataporma o ipabatid ang mga

ninanais. Sa Social Media maaring makakahanap ng mga kaibigan o malaman kung saan

o ano ang ginagawa ng ating mga idolo.

Ang Social Networking Sites ay isang serbisyong well-based kung saan ang

indibidwal ay maaaring gumawa ng isang pampublikong profile, makita ang profile ng

ibang tao (Boyn at Ellison 2007). Ilan sa mga social networking sites na tumutulong sa

komunikasyon at pakikipagkaibigan ay ang Facebook, Messenger, Instagram, Twitter, at

marami pang iba. Ngunit hindi lamang ang mga kabataan ang nahuhumaling dito dahil

kahit ang mga nakatatanda ay sumasabay na rin sa paggamit nito. Dahil sa patuloy na

paglawak ng sakop ng mga gumagamit nito, ang iba ay sa social media na rin

naghahanap ng pag-ibig. Nakakatulong rin ito sa iba sa paraang nailalabas nila ang

kanilang mga saloobin at mga hinaing at ang iba ay ginagamit ang kani-kanilang mga

accounts upang ibahagi ang kanilang mga plataporma. Ayon rin kay Jeanny Burce

(2013) nagiging kritikal nang mag-isip ang mga kabataan. Nagkaroon narin ng pakialam

ang mga kabataan sa politika, sinusuri nila ang bawat kandidato na tatakbo at kung may
2

nakita naman silang hindi kaaya-aya ay agad nila itong ilalagay sa kanilang social media

accounts upang ipagbigay alam at hikayating maging matalino sa pagpili.

Tinatangkilik ito ng karamihan hindi lang dahil sa mga nasabing kadahilanan,

dahil malaki rin ang naitutulong ng social media sa pag-aaral o pagkuha ng

impormasyon. Sa pamamagitan lamang ng isang pindot, lahat ng gusto o naisin ay ating

makikita o makukuha, hindi na natin kailangan na magpunta sa silid-aklatan at isa-isahin

ang mga estante upang hanapin ang mga inpormsyong ating kinakailangan. Ngunit sa

kabila nito ay may masasamang epekto rin ito sa atin, hindi lamang sa pag-iisip, kundi sa

ating kalusugan at pag-aaral. Ayon rin kina Boyn at Ellison, ang paggamit ng social

media o social networking sites ay maaaring magdulot ng positibo at negatibong epekto

sa ating sarili, pamilya, at lipunan. Dahil sa paggamit ng social media, nagbabago ang

ugali at kultura ng isang tao. Malaki ang ginagampanang tungkulin ng social media sa

paghubog ng mga kabataan sa kasalukuyan dahil ang social media ngayon ang nagiging

batayan ng mga kabataan sa kung ano ang tama at ang totoo. Ayon rin kay Kraut at

kanyang mga kasamahan (1998), may kinalaman ang paggamit ng social networking sites

sa pagtaas ng depresyon at pagdalang sa ugnayan sa mga kaibigan at pamilya. Dahil mas

ginugugol ng mga kabataan ang kanilang oras sa paggamit ng social media o paglalaro ng

online games at nakakalimutan ang mga taong naghihintay at handang gumabay sa

kanila at dahil din sa paglalaan ng higit na oras ay nawawala ang tutok ng mga kabataan

sa kanilang pag-aaral na nagiging sanhi ng pagbaba ng kanilang mga grado.

Nais ng mga mananaliksik na tukuyin kung anu-ano ang mga positibo at

negatibong epekto nito sa mga mag-aaral at nawa’y magkaroon ang mga tao ng kaalaman

sa mga maaaring maging epekto nito sa kanilang mga sarili.


3

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

Ang kauna-unahang Social Media Site ay ang wesbsayt na Six Degrees na

nagtagal mula 1997 hanggang 2001. Ito ay hango sa“Six Degrees of Separation Theory”

na nangangahulugang ang kaibigan ng kaibigan mo ay pwede mo ring maging kaibigan at

pwede ring makipagkomunikasyon sa mga taong malapit lang sayo. Bago ito gamitin ay

kinakailangang gumawa ng profile upang makipagkomunikasyon sa iba pang gumagamit

ng websayt na ito. Mula dito, nabuo ang paggawa ng blog na nagmula sa salitang

Weblog. Nagkakaroon ng komunikasyon sa blog sa pamamagitan ng pagbabasa nito.

Sumunod ang ICQ o “I Seek You”, ito ay isang application na pwedeng

makipagkomunika sa mga kaibigan at kakilala. Nabuo rin ang AOL’s instant messenger

na may kaparehong kakayahan ng ICQ.

Taong 2000 ay nasa isandaang milyon na ang gumagamit ng internet, ginagamit

ito upang makihalubilo sa mga tao at makipag-usap sa kaibigan, sa karelasyon at sa may

magkapareho ng interes. Nabuo rin ang websayt na MySpace na kung saan ay naging

popular ito sa paghahanap o pagkakaroon ng kaibigan, dito nahango ang websayt na

Facebook. Isa rin sa mga websayt na nabubuhay pa hanggang ngayon ay ang Linkedln,

ito ay para sa mga propesyonal na gustong makipagkomunika sa isa’t isa. Ang

pagkakaiba ng MySpace at Linkedln ay ang MySpace ay para sa lahat samantalang ang

Linkedln naman ay para sa mga propesyonal at sa mga naghahanap ng trabaho.

Noong 2004 ay ipinakilala niMark Zuckerberg ang Facebook, na pinakakilalang

websayt sa kasalukuyan. Noong una ay ginawa ito para sa mga mag-aaral ng Harvard

ngunit nang nakita ang potensyal at kakayahan nito ay ipinakilala ito sa buong mundo.
4

Noong 2006 ay nabuo ang Twitter. Naging basehan nila Jack Dorsey, Biz Stone,

Noah Glass at Evan Williams ang text messaging o SMS upang gawin ito.

Hindi rin nagtagal ay nailunsad ang Flickr kung saan pwede mong ibahagi ang

mga larawan, katulad na rin ng Photobucket at Instagram (pinakakilala sa larangan ng

pagbabahagi ng mga larawan sa kasalukuyan).

Noong 2007 ay nailunsad ang Tumblr ni David Karp na ngayo’y pag-aari na ng

Yahoo. Marami ring nailunsad na application na nagagamit bilang libangan tulad ng

Pinterest at Spotify.

Ang Social Media ay naging kilala na sa buong mundo. Marami na ring

negosyeyante ang gumagamit nito upang makipagkomunika sa mga taong may kinalaman

sa kanila o sa negosyo at para rin sa pagpapalago o pagpapalawig ng negosyo.

Malaki ang naging tulong ng Social Media at inaasahang magpapatuloy pa ito

hanggang sa hinaharap.

BALANGKAS TEORETIKAL

Ang pag-aaral na may paksang Ang Social Media at Epekto nito sa

Akademikong Pagganap ng mga Piling Mag-aaral ng PUP Sta. Mesa Taong Aralan

2017-2018 ay ibinatay sa mga sumusunod na teorya:

Sa Triarchich Theory ni Steinberg, ang kaalaman ay nababatay sa paano

naaayon ang isang indibidwal sa pagbabago ng kapaligiran sa kanyang buong buhay.

Isinasaad din sa teoryang ito na ang paggalaw ng utak ay nakabase sa tatlong

components; Una ay ang metacomponents na kung saan ang ating utak ay napo-proseso
5

sa paglutas ng suliranin at paggawa ng mahahalagang desisyon. Pangalawa, ay ang

performance components na kung saan ang prosesong utak ay gumagalaw sa ating

memorya. Ang paggawa ay nababatay sa kung ano ang dating alam at pag-uugnay nito sa

paggamit nito sa isang bagong gawain. At ikatlo ay ang knowledge-acquisition

components na kung saan ang utak ay pumipili sa mga bagong kaalaman na ating

nakukuha. Kung alin ang tama at mahalaga o alin ang mali at hindi gaanong mahalaga.

Kasabay ng tatlong ito ay kakayahang maka-adapt ng isang indibidwal sa kanyang

ginagalawan (adaptation) upang siya ay maka-adjust o makasabay sa mga pagbabago

nito.

Sa Connectivism Theory, ito ay tumatalakay sa pagkatuto na nagbibigay diin o

laman sa layon o papel na ginagampanan ng sosyal at kultural na konteksto sa kung

paano at saan nangyari ang pagkatuto. Ang pagkatuto ay hindi lamang simpleng

nangyayari sa isang indibidwal ngunit pati na rin sa pakikipagkomunikasyon sa iba gamit

ang pakikipagtalastasan. Ang nagpapaiba sa Connectivism sa iba pang teorya katulad na

lamang ng Constructivism ay ang pananaw na “Ang pagkatuto ay maaaring makuha hindi

lamang sa ating sarili, ito ay nakatuon sa pagdudugtong-dugtong ng mahahalaga at

espesyal na mga impormasyon, at ang mga koneksyon na nagbibigay sa atin ng

kakayahan na matuto ay mas importante kaysa sa kasalukuyang estado ng pag-alam.”


6

BALANGKAS KONSEPTWAL

SOCIAL MEDIA

TRIARCHICH CONNECTIVISM
THEORY THEORY

MAG-AARAL

EPEKTO (MAG-AARAL)
Ang modelong nakalarawan ay nagpapakita ng paggamit ng Social Media bilang

instrumento sa pagkatuto (Triarchich Theory at Connectivism Theory) at epekto nito sa

mag-aaral.

Ang Social Media ay nagsisilbing instrumento ng mga tao upang

makipagkomunikasyon sa mga kakilala. Hindi nagtagal ay naging sanggunian na rin ito


7

ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral. Nakakaapekto ang Triarchich Theory sa

pamamagitan ng pag-adapt sa kung ano ang nasa paligid ng isang tao. Katulad na lamang

sa panahon natin ngayon, dahil laganap na ang Social Media, marami na ay ginagawa

itong basehan sa pang-araw-araw na pamumuhay. Nakakaapekto naman ang

Connectivism Theory sa pamamagitan ng pakikihalubilo sa iba. Sa tulong ng Social

Media ay nadadagdagan ang kaalaman ng isang indibidwal. Nakakatuklas ng mga

kakaibang kaalaman dahil sa pakikipagtalastasan sa kapwa gumagamit nito. Higit sa lahat

ay magagamit sa totoong buhay kung ano man ang mga nakuhang impormasyon ng isang

mag-aaral. Ang dalawang teoryang nakasasaad sa taas ang nakakaapekto sa mag-aaral

kung paano kunin ang mga impormasyong nakalap at nakadepende sa kung paano ito

gagamitin ng isang mag-aaral. May mga pagkakataon lamang na sumusobra ang

paggamit nito, naaabuso at minsa'y hindi na malaman kung tama pa ba ang mga

nakalagay sa Social Media. Ang paggamit ng Social Media ay nakakaapekto rin sa mga

mag-aaral, mabuti man o masama ay nakadepende ito sa kung ano ang ginawa, ginagawa

at gagawin ng mag-aaral.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito na may paksang “Ang Social Mediaat Epekto nito sa

Akademikong pagganap ng mga piling mag-aaral ng PUP Sta. Mesa Taong-Aralan 2017-

2018” ay naglalayong tumugon sa mga sumusunod na suliranin:

1. Ano ang Social Media?

2. Gaano kadalas ang paggamit ng Social Media ng mga mag-aaral?

3. Bakit ito tinatangkilik ng mga mag-aaral?

4. Ano-ano ang mga positibo at negatibong epekto nito sa mga sumusunod:


8

A. Pakikipagtalastasan

B. Marka/Grado

C. Disiplina/Kilos

D. Paglalahad ng Impormasyon

5. Paano ito nakakaapekto sa mga sumusunod:

A. Pakikipagtalastasan

B. Marka/Grado

C. Disiplina/Kilos

D. Paglalahad ng Impormasyon

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Malaki ang epektong dala ng Social Media sa mga mag-aaral ngayon. Maaaring

positibo o negatibo ang dulot nito depende sa kung paano ito gamitin. Ang pag-aaral na

ito ay layon na makatulong sa mga sumusunod: 

Sa mga Mag-aaral:

Ito ay makakatulong sa kanila upang mas maintindihan nila ang kahalagahan ng

tamang paggamit ng social media. Ang pag-aaral na ito rin ang magsisilbing patnubay at

gabay nila para makakuha ng paraan kung paano mababago at mapapaunlad ang kanilang

pananaw tungkol sa social media. Makatutulong din ito upang maimulat ang isipan ng

mga mag-aaral sa mga positibo at negatibong epekto nang paggamit ng social media

bilang instrumento sa pagpapaunlad ng kanilang sarili. 

Sa mga Magulang:
9

Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, maaaring malaman ng magulang ang mga

bagay na nakakaapekto sa ugali at pananaw ng kanilang mga anak. Maaari rin itong

maging basehan ng mga magulang upang makahanap ng agarang solusyon para sa labis

na paggamit ng social media ng kanilang mga anak. 

Sa mga Guro:

Ito ay magiging gabay sa kanila upang maipabatid sa mga estudyante ang mga

bagay na dapat isaalang-alang sa paggamit ng social media. Makatutulong din ang pag-

aaral na ito sa pagkakaroon nila ng ideya tungkol sa social media, sa pamamagitan ng

mga ideyang napulot, maaaring gamitin at isagawa ang mga mungkahing paraan at

solusyon para malimitahan ng mga estudyante ang kanilang lubos na pagkahumaling sa

social media. 

Sa mga Mananaliksik sa Hinaharap:

Ito'y magsisilbing sanggunian ng mga mananaliksik na may kaangkupan ang pag-

aaral. Sa tulong ng pag-aaral na ito, mabibigyan din sila ng ideya tungkol sa social media

at sa hatid nitong epekto sa mga gumagamit nito. Maaari rin nila itong mapagkunan ng

mga impormasyon na magagamit nila sa kanilang pag-aaral. 

SAKLAW AT LIMITASYON

Saklaw

 Layunin

Ang layunin ng mga mananaliksik ay ang mga sumusunod:


10

1. Upang malaman ang epekto ng Social Media sa mga estudyanteng nasa istrand na

ABM baitang labing-isa ng Senior High sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas.

2. Upang malaman kung ang Social Media ay nakakasama sa pag-aaral ng mga

estudyanteng nasa istrand na ABM baitang labing-isa ng Senior High sa Politeknikong

Unibersidad ng Pilipinas.

3. Upang malaman kung ang Social Media ay nakakatulong sa pag-aaral ng mga

estudyanteng nasa istrand na ABM baitang labing-isa ng Senior High sa Politeknikong

Unibersidad ng Pilipinas.

 Paksa

Ang paksa ng pananaliksik ay tungkol sa Social Media, mga websayt na

nagbabahagi ng mga kaalaman at pakikihalubilo sa iba.

 Aspekto ng Pag-aaral

Maisasagawa ng mga mananaliksik ang pag-aaral sa pamamagitan ng

pagsasagawa ng sarbey na kung saan ang mga mananaliksik ay magbibigay ng

talatanungan sa mga napiling sample.

Limitasyon

 Sino

Ang pananaliksik na ito ay para sa mga estudyanteng nasa istrand na ABM

baitang labing-isa ng Senior High sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas.


11

 Saan

Ang pananaliksik ay ginanap sa loob ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

Mabini Campus Sta. Mesa.

 Kailan

Ang pananaliksik ay nag-umpisa ng ikalawang semester ng unang taon sa Senior

High taong dalawang libo’t labing walo (2018).

KATUTURAN NG TALAKAY

Account – pagmamay-ari ng isang taong gumagamit ng social media.

Application – isa sa mga instrumento upang mas mapabilis ang pag-access sa

mga social media site.

Constructivism – ang pagkatuto ay nagmumula sa mga nangyayari sa buhay ng

tao (experience).

Internet – ginagamit ito upang makihalubilo sa mga tao at makipag-usap sa mga

kakilala.

Knowledge-acquisition – pagpili sa mga bagong kaalamang natuklasan.

Metacomponent – pagproseso ng utak upang malutas ang mga suliranin at sa

paggawa ng mga mahahalagang desisyon.

Performance Component – ang mga ginagawa ay nakabatay sa kung ano ang

dating alam ng isang tao at inuugnay sa mga bagong kaalamang natuklas.


12

Profile – nagsasaad ng impormasyon ng taong kabilang sa mga social media site.

Six Degrees – ang kauna-unahang Social Media Site na napakinabangan ng

napakaraming tao.

Social Media Site – mga websayt na ginagamit upang makipagkomunikasyon.

Text Messaging (SMS) – isang paraan upang makapaghatid ng mensahe sa isang

kakilala, kaibigan, pamilya at marami pang iba.

Weblog – isang websayt na parang isang talaarawan at nagsisilbing online diary

dahil dito tinatala ang mga saloobin o kaganapang nangyari sa isang tao.

You might also like