You are on page 1of 8

Ang Buhay sa

Gitna ng
Pandemya

Gene Rose Arcena


G10-Lamberto Avellana
Unang Tagpo: Sa silid

(Kasalukuyang nahihimbing si Sandra nang tumunog ang orasan


nito tanda na dapat na siyang gumising)

Sandra: Umaga na pala, baka malate ako.

(Bumangon siya sa higaan, nag-inat at saka lumabas ng


kwarto)

Jane: O gising ka na pala, kumain ka na at baka malate ka pa


sa school.

(Kinuha ni Sandra ang kaniyang telepono at saka tiningnan


ang mga mensahe ng kaniyang mga kaibigan)

“Suspended na raw”
“Bakit sinuspend?”
“May virus daw?”
“Ay oo yung napabalita kagabi”
“Nasa balita ngayon, panoorin nyo”

(Dali-daling binuksan ni Sandra ang telebisyon at pinanood


ang balita)

Jane: Bakit ba hindi ka pa nag-aayos?

(Lalapit si Jane sa anak na si Sadra at makikita ang balita)

Sandra: Wala na kaming pasok, sayang naman ‘yung pinaghirapan


naming sayaw.

Jane: Diyos ko nakapasok na pala sa atin ‘yang sakit na ‘yan,


sana ayos lang ang tatay mo sa Dubai.
(Muling titingnan ni Sandra ang kaniyang telepono)

“Sayang yung sayaw natin”


“Okay na ‘yun kesa magkavirus”
“Kaya nga”

Ikalawang Tagpo: Sa silid

*Makalipas ang apat na araw*

“Ayos lang ba kayo d’yan?”

Jane: Ayos pa naman kami, ilang araw na kaming hindi


nakakalabas ng bahay dahil napakahigpit dito.

“Mayroon pa ba kayong stock d’yan”

Jane: Mayroon pa namang kaunti. Gagamitin na muna namin ‘yung


naipon ko natigil din kasi ang trabaho namin kaya apektado
pati ang sahod.

“Pasensya ka na mahal hindi ko pa maipadala ‘yung pera,


natigil kasi ‘yung operasyon ng kompanya namin dahil sa
pandemya, ilang katrabaho ko rin ‘yung nagkasakit dahil sa
virus, pasensya na talaga”

Jane: Ayos lang ‘yun, okay pa naman kami ng anak mo dito e,


alagaan mo ang sarili mo d’yan.

“Kumusta naman si Sandra?”

(Titingnan ang anak at lalapit naman si Sandra sa ina)


Sandra: Hi Pa.

“Kumusta ka na anak? Siguro lungkot na lungkot ka dahil hindi


mo nakikita ang mga kaibigan mo.”

Sandra: Medyo po, matatagalan pa rin po kasi bago kami


makalabas.

“Tiis-tiis lang muna ‘nak, matatapos din ang lahat ng ‘to.


Huwag ninyong kakalimutan magmask ha kapag lalabas kayo”

Sandra: Opo.

“Tol, tara na”

“Sige kakausapin ko pa ‘yung boss namin, mauuna na ko. Ingat


kayo”

Jane: Sige mag-iingat ka d’yan.

(Isasara ang laptop at magtitinginan ang mag-ina)

Jane: Magiging okay din ang lahat.

Ikatlong tagpo: Sa hapag-kainan

(Kasalukuyang nakaupo ang mag-ina sa hapag upang


mananghalian)

Jane: Kain na. ‘yan na lang muna ang ulam natin, hindi pa tayo
nakakapamili e, wala pa rin namang pasok sa opisina kaya tigil
din ang sahod ko.
Sandra: Okay lang ‘yan ma, masarap kaya ‘to.

(Kukuha si Sandra ng sardinas at magsisimulang kumain)

Jane: Ikaw talaga kumain ka na nga.

Ikatlong Tagpo: Sa labas ng tahanan ng pamilya.

“Tao po”

(Tatayo si Jane sa mula sa pagkakaupo at sisilipin ang tao


sa labas)

Jane: Ano ‘yun?

Tao: Ayuda po, galing po kay Mayor.

(Lalapit si Jane sa tao at kukunin ang supot ng ayuda)

Jane: Salamat.

Tao: Sige po.

(Habang naglalakad papasok, sisilipin ni Jane ang laman ng


supot at makikita ang mga de lata)

Sandra: Ano po ‘yan?

Jane: Ayuda galing kay Mayor.

(Ialalabas ni Jane ang mga de lata at ipapakita sa anak)


Jane: Mga ilang linggo ka pang kakain ng sardinas.

Sandra: Ayos lang po, masarap naman e.

Ikaapat na Tagpo: Sa sala

(Kasalukuyang nanonood ang mag-ina ng balita)

Jane: Nakausap mo ba ang tatay mo kagabi?

Sandra: Hindi po.

Jane: Ano na bang nangayri doon, hindi ko matawagan.

(Darating ang isang mensahe kay Jane)

“Hello, kayo po ba ang asawa ni Jonathan?”

Jane: Sino ‘to?

“Ako nga, bakit?”

“Katrabaho niya ako, ibabalita ko lang sana na nagkasakit si


Jonathan”

“Ano? Kailan pa?”

“Noong isang araw nakumpirma na tinamaan siya ng Covid”


“Diyos ko, kumusta siya?”
“Kasalukuyan siyang nagpapagaling sa ospital dito, ‘wag kang
mag-alala ayos naman ang lagay niya”

“Ako na munang bahala sa kaniya, babalitaan na lang kita”

“Sige maraming salamat”

Sandra: Ano problema?

Jane: Ang tatay mo nagkasakit. Diyos ko bakit ba nangyayari sa


amin ‘to.

Ikalimang Tagpo: Sa silid

*Makalipas ang isang buwan*


Sandra: Pa hanggang kailan ba tayo ganito? Isang buwan na rin
noong huli akong lumabas, nakakalungkot na dito sa bahay.

“Anak tiis-tiis na lang muna, para rin ‘yan sa kaligtasan


n’yo”

Sandra: Kumusta na po ba kayo?

“Eto nagpapagaling pa rin, gusto ko nang makauwi d’yan sa atin


miss na miss ko na kayo”

Sandra: Malapit na ‘yan pa, kaunting hintay na lang


magkakasama na tayong tatlo.

“Tama ka d’yan anak, sige na magpahinga ka na gabi na”

Sandra: Sige po kayo rin po, bye pa.


“Ingat kayo d’yan.”

Sandra: Opo.

(Pabagsak na hihiga si Sandra sa kama at titignan ang


telepono nito)

Sandra: Hanggang kailan pa ba?

You might also like