You are on page 1of 2

Simula ika-26 ng Marso 2021 hanggang sa ika-30 ng Abril, Tayo po ay Magkakaroon ng Early Registration

o Maagang Pagpapatala ng ating mga anak sa Kindergarten, Grade 1, 7, at 11

Layunin ng Early Registration ay upang masiguro ang pagpasok ng mga batang nasa edad na para mag-
aral pati na rin ang mga out-of-school youth

Partikular na sa mga batang papasok ng Kindergarten at Grade 1

Ito rin ay isinasagawa upang malaman ang inaasahang bilang ng mga mag-aaral para sa susunod na
taong panuruan 2021-2022 upang mapaghandaan ang anumang kakulangan bago magsimula ang klase.

Sino sino ang mga dapat magpalista?

Para sa Kindergarten

Mga Batang limang (5) taong gulang at maglilimang taong gulang sa Agosto 1 hanggang October 31

Para sa Grade 1

Mga Batang kasalukuyang naka enroll sa kinder o nakapagtapos na ng kindergarten

Mga btang anim na taong gulang at pataas ngunit hindi nakapagtapos ng kinder, sila ay kailangang
pumasa sa Kindergarten Catch-up Education Program

Tandaan Hindi na kailangang magpalista ang nga mag-aaral na aakyat sa Grade 2 hanggang Grade 6 dahil
sila ay pre-registered na. mayroon nang listahan ang kanilang gurong tagapayo mula Grade 2 hanggang
Grade 6

Ano -ano ang mga kailangan sa pagpapalista

Basic Education Enrollment Form – ito ay makukuha sa paaralan o kaya sa ating Barangay Hall, maari din
tayong magfill-up gamit ang Google Form Link na matatagpuan sa ating Official facebook Page

Birth Certificate – Kung walang maipasang PSA/NSO Birth Certificate, maaring magpasa ng Local Civil
Registrat Birtch Certificate, Baptismal o Barangay Certificate na naglalaman ng mga pangunahing
impormasyon ng batang ipapalista

Kung walang kakayahan na magpalista gamit ang mga nabangit ay maaaring pumunta sa paaralan ngunit
dapat sundin ang mga alituntuning pangkaligtasan

You might also like