You are on page 1of 7

Kapag pinag uusapan ang kasaysayan ng Women Empowerment sa Pilipinas, hindi

natin pwedeng hindi banggitin ang mga kababaihan ng Malolos, hindi ba?

Tama, at ang isa sa mga pinakamalaking ambag ng mga kababaihan ng malolos ay


ang pag-akyat o pagsugod kay Gobernador Heneral Valeriano Weyler para mag-abot
ng sulat na sinasabi na kung maaari silang mag-aral dahil naniniwala sila na dapat ang
edukasyon ay para sa lahat.

Para sa ating mga tagapakinig, kailangan po tayong magbigay pugay sa mga


kababihan ng malolos na siyang nanguna para ipaglaban ang kaparatan at gumawa ng
daan para ang mga Pilipina, magkaroon ng kapangyarihan sa ating lipunan.

Sa istoryang tinutukan ng ating Ka-brigadang si ______

Walang boses sa lipunan, mahina, at ang lugar niya ay ang pagiging may bahay na
naglilingkod sa kanyang asawa. Ganitong estado ng mga kababihan noong panahon ng
kastila. Pero may isang grupo ng mga kababaihan sa Bulacan, na pinaniniwalaan na isa
sa mga peminista sa bansa, dahil sinulong nila ang Karapatan ng mga kababaihan. Sila
ay Women of Malolos.

Las Mujeres De Malolos

Sa ilalim ng mga kastila ang edukasyon ay isang prebilehiyo at para sa mga may kaya
lamang at tanging mga kababaihan na galling sa may kayang angkan ang tinuruang
magbasa at magsulat. pero ang mga lalaki lang ang pinapayagang makatungtong sa
koloehiyo, Kung kaya’t naisip ng ilang kababihan ng Malolos na humiling na payagan
silang mag aral ng Espanyol.

Nagmula ang dalawampung kababaihan ng Malolos sa apat na malalaking angkan ng


mestizo-sangley noon sa kanilang bayan: ang Tiongson, ang Reyes, ang at Tantoco.
 Ayon sa mga tala, ang grupong ito ay binubuo ng anim na magkakapatid at apat
na indibidwal, na kung hindi manmagkakamag-anak ay malapit sa isa't isa.

Sila ay sina

Alberta S. Uitangcoy
Eugenia M. Tanchangco.

Elisea T. Reyes

Agapita R. Tiongson
Anastacia M. Tiongson
Filomena O. Tiongson
Cecilia O. Tiongson
Paz R. Tiongson
Feliciana O. Tiongson
Aleja R. Tiongson
Basilia R. Tiongson
Mercedes R. Tiongson
Juana T. Reyes
Basilia V. Tantoco
Leoncia S. Reyes
Teresa T. Tantoco
Olympia S.A. Reyes
Maria T. Tantoco
Aurea M. Tanchangco
Rufina T. Reyes

  Ang kanilang mga tahanan, na karaniwang may temang bahay-na-


bato, ay magkakalapit at matatagpuan sa loob ng pariancillo (small parian ).

Ayon sa pagsasalaysay, ika-12 ng Disyembre 1888 nang amg 20 kadalagahan ng


Malolos ang maghain ng petisyon kay Gobernador-Heneral Weyler upang magtayo ng
isang "panggabing paaralan." Layunin nila na mag-aral ng wikang Español sa ilalim ni
Teodoro Sandiko, isang propesor sa Latin. Gayunpaman, hindi sinang-ayunan ni Padre
Felipe Garcia, ang kura paroko, ang petisyon. Naging dahilan ito upang hindi rin
pumayag ang gobernador-heneral na maitatag ang paaralan. Sa kabila ng pagtutol,
hindi dagliang sumuko ang mga kadalagahan sa kanilang layunin. Patuloy silang
nanawagan at nang lumaon, pumayag na rin ang pamahalaan na maitatag ang
paaralan, Si Señora Guadalupe Reyes ang nagsilbing guro ng mga kadalagahan.

Hindi katulad ng mga tradisyunal na eskwela, imbes na sa umaga, sa gabi ginagawa ng


mga kababaihan ang pag-aaral. Ngayon, may dalawang teorya daw kung bakit ganoon.

Una, possible daw na isinasabay nila ang pag aaral doon sa pagpupulong ng mga
repormista. Pangalawang teorya, possible rind aw na hindi porket pinayagan na silang
mag aral pwede na nilang iwanan ang kanilang mga Gawain at responsibilidad sa
bahay o tahanan.

Mas nakilala ang mga kababaihan ng Malolos ng sulatan sila ni Dr. Jose Rizal noong
pebrero 1889 para purihin ang kanilang pagpupursiging iaangat ang kababaihan.

Hiniling ni Marcelo H. Del pilar, na noo’y nasa malolos, na kilalanin ni Rizal ang mga
kababaihan na ito dahil sa kanilang hadhikain. Ang sulat na ito ang tanging akda ni
Rizal na nasa wikang Filipino.

Bago pa man isinulat ni Rizal ang kanyang mapangaralna liham sa kadalagahan ng


Malolos ay buo sa kanyangisip ang imahe ng dalagang Tagalog--isang babaengbulag
sa pagsunod sa relihiyon ng mga prayle. Sakanyang liham, tinuran niya ang tumpak at
dalisay napagsamba at inilahad rin niya ang kaibahan ngkinagisnang pagsamba sa
tunay na aral ni Kristo.

Pinuri niya ang mga kababaihan ng Esparta at sinabing sila ang dahilan ng pagiging
malakasng kanilang bayan. Gayundin ay pinuri niya ang mga babaing Tagalog
sapagkat ngayon, sila ay mulat na at may kakayahang maging malulusogna puno ng
karunungan at mababangong bulaklak na puno ng bango ng pagmamahal sa bayan.
Hiniling niya na sila ay maging mapanuri sa paniniwalaan, lalo na sa relihiyon sapagkat
nararapat lamang na kanilang gamitin at paningningin ang hiyas ng isip n amula sa
Diyos.

Ang babae ang nagtatakda ng kapalaran ng kanyang lahi. Kung ano ang kalagayan ng
kanyang bayan ay sumasalamin sa kanyang pagpapalaki sa kanyang anak.

•Kaya nga, ayon kay Rizal, ang kababaihan ng Pilipinas ay binulag, iginapos, at iniyuko
ng mang-aalipin upang patuloy ang pagka-alipin ng kanyang bayan.

Tunay ngang ang punong bulag sa pagsunod sa utos ng nagdidiyos-diyosan ay walang


ibang bunga kundi alipin at ulol.

Ito ang dahilan kaya't hiniling din ni Rizal

•sa mga dalaga na kanilang piliin ng mahusay ang lalaking pagsusukuan ng pag-ibig

, at;

•kung maging ina ay palakihin sa matuwid ang magiging anak, at linangin sila upang
maging kalarawan ng tunay na Diyos.

Sa isang bahagi ng kanyang liham, nabanggit na ang tao ay ipinanganak, hindi para sa
sarili, kundi para sa kanyang bayan.

•Kung ang ganitong paniniwala ay mamayani sa kaisipan ng lahat, hindi malayong


maghari ang katwiran.

•Sa huli, ipinaabot ni Dr. Rizal sa kababaihan ng Malolos ang kanyang nasa na
matupad ang kanilang mga layunin.

Kung susuriin, ang liham na ito ni Rizal ay nagpapakita ng kanyang malalim na


pananaw sa tunay na relihiyon, sa pag-ibig sa bayan at sa kanyang kapwa.

•Makikita na matibay ang kanyang paniniwala sa Diyos subalit lubos niyang tinututulan
ang mga kagawian at pang-aabuso ng relihiyong umiiral sa kanyang bayan, lalo na ang
paglilimbag ng mga maling pahayag ukol sa kababaihang mananampalataya pagbalik
ng mga Kastila at prayle sa Espanya.

Matapang ang kanyang pag-amin na nagbago ang kanyang pananaw sa babaing


Tagalog, sapagkat ito ay hindi na payuko at luhod tulad ng dati, bagkus ay matapang na
at handang tumugon sa uhaw na sigaw ng bayan.

•Labis ang kanyang tuwa na tila ba nakabanaag siya ng liwanag tungo sa ikagagaling
ng bayan.

•Mula din sa liham na ito ay masasalamin ang kanyang lubos na paniniwala sa bisa ng
tamang edukasyon sa pagpapalaganap ng pagkakapantay-pantay at ng tiwalas a
sariling kakayahan. Ang mga bagay na ito, kapag nakamit, ay magiging unang hakbang
upang makabangon ang bayan sa kanyang pagkaka-alipin.
Si Alberta pa raw mismo ang nag abot ng sulat kay Wayler noon at inilaban ang
kanilang hiling kahit pa raw siya ay nakapag aral. Lima sa kanila ang walang litrato,
mga nakatalikod.

Samantala, ang paaralang itinayo para sa mga kababihan, tumagal lamang ng tatlong
buwan.

Noong panahon na yon, marami sa mga political meetings ng mga repormista ay


nagagnap sa gabi. Nalaman ito ng mga Prayle kaya pinatigil at pinasara ang mga ito.

Ngunit hindi dito natapos ang misyon ng mga kababaihan. Sa pagsiklab ng himagsikan,
mula sa pagsulong ng edukasyon, nagbago ang ginampanang papel ng mga kababihan
ng malolos.

Ang nagging sumunod na aktibidad nila ay during the revolution. Tumulong sila sa mga
katipunero. Sila ang naglikom ng pondo, paghahanda ng pagkain, ng damit, mga
higaan at kumot na pinapadala sa mga katipunero. Sila rin ay mga tagapaghatid ng
mga mensahe for the movement.

Sa buong paglalakbay ng mga kababaihan ng malolos, malinaw ang kanilang naging


pamana. Hindi lang ang pagbukas ng pintuan ng edukasyon ng kababihan, dahil mula
sa mga kababaihang ito, nakilala ang lakas ng mga babae sa lipunan. Sinasabi kasing
ang Women of malolos ang nagsabing nagsimula ng peministang pananaw sa ating
bansa.

Ang kasaysayan ay madalas maturingang tulay ng hinaharap. Sa dinami-raming tagpo


sa ating nakaraan, nabubuo ang isang mukha ng Pilipino na hindi mabubura nino man.
Matapang, may dangal, handang ipaglaban ang sinumang pinagkaitan ng katarungan.
Kung kinaya ng ating mga ninuno na ipaglaban ang knilang mga Karapatan, tulad ng
nagging laban ng mga kababaihan ng malolos, marahil kulang pang sukling
pasasalamat ang buhayin ang kanilang alala. Ala alang siyang bumuhay sa ating mga
kalayaang marahil ang Ilang sa atin, siya ring isinasawalang bahala.

Patuloy na magbabantay sa kasaysayan ng ating bayan, ako si _________ ang inyong


kasama sa iisang _____

You might also like