You are on page 1of 6

Aralin 1:

PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA


Dito mo nailalarawan ang paikot ng daloy ng ekonomiya sa isang bansa.
May limang modelong nabanggit sa libro ang Sambahayan na
gumagawa at kumukunsomo sa sariling gawa/produksyon para sa sarili.
Pangalawa ay Ang Bahay-Kalakal at Sambahayan sa Pamilihan ng tapos
na Produkto at salik sa produksyon na ang bahay-kalakal ay ang
gumagawa ng produkto na kumikita galing sa tagakonsumo na
sambahayan. Ang pamilihang pinansyal dito pumapasok ang
sambahayan,bahay kalakal at pamilihang
pinansiyal/bangko.Sambahayan ang nag-iimpok ng Pera sa pamilihang
pinansiyal.,samantalang kapag ang bahay kalakal ay nagkulang sa
budget o perang panggawa nila ng isang produkto, ang bahay kalakal ay
mangungutang sa bangko o pamilihang pinansiyal ng Pera Na inimpok
ng mga sambahayan.kapag nakagawa na ng produkto ang bahay kalakal
ibebenta nila ito sa sambahayan,kapag may kita na ang bahay kalakal
magbabayad ito sa bangko ng may kasamang interes.Kapag ang
sambahayan naman ay nag deposit ng kanilang Pera ang perang kanilang
makukuha ay may tubo na o may dagdag dahil sa interes na isinama sa
bayad ng bahay kalakal sa bangko. Maaaring maliit at mabagal ang
gampanin ng pamahalaan dito. Maaari rin namang malaki at aktibo.
Public Revenue ay tawag sa kita mula sa buwis. Ito ang ginagamit ng
pamahalaan upang makalikha ng pampublikong paglilingkod. Ang mga
pampublikong paglilingkod ay nauuri sa pangangailangan ng
sambahayan at ng bahay-kalakal. Ang kita ng pambansang ekonomiya
ay maitatakda ng kabuuang gastusin ng sambahayan, bahay-kalakal at
pamahalaan. Maitatakda rin ang pambansang kita sa pamamagitan ng
kabuuang kita ng sambahayan, bahay- kalakal at pamahalaan. Bukod sa
pag-iimpok at pamumuhunan, ang pagbabayad ng buwis ay nagiging
karagdagang gawain sa ekonomiya. Ang pagbabayad ng buwis ay hindi
takdang gawain ng sambahayan at bahay-kalakal sa isang pamilihan. .
Tatlong pinagbabatayan ng paglago ng pambansang ekonomiya. Pagtaas
ng produksiyon. Produktibidad ng pamumuhunan. Produktibidad ng mga
gawain ng pamahalaan. Makalikha ng positibong motibasyon .Maihatid
ang mga pampublikong paglilingkod na ipinangakong isasakatuparan sa
pagsingil ng buwis. Sa pagsingil ng buwis, mahalagang hindi
mabawasan ang produktibidad ng bawat sektor. Dito papasok si
kalakalng panlabas na tutulong para ma aprobahan nang pag export at
pag import ng isang produkto ng isang bansa.
Aralin 2:
PAMBANSANG KITA
Ang pambansang kita ay tumutukoy sa kita o pinansyal na kita sa
kabuuang mga sektor na nasasakupan ng gobyerno at pamahalaan ng
isang bansa. Dito malalaman kung ang ekonomiya ba ay umuunlad o
bumabagsak. Kung minsan ay nagkakaroon ng kurapsyon sa usaping ito.
Kung saan tinataasan ang demand ngunit binababaan naman ang gastos
nito. Ang sistema ng pagsukat sa pambasang kita ay
nakapagbibigay ng ideya tungkol sa antasng produksiyon ng
ekonomiya sa isang partikular na taon at maipaliwanag kung bakitganito
kalaki o kababa ang produksiyon ng bansa. Sa paghahambing ng
pambansang kita sa loob ng ilang taon, masusubaybayan natin
angdireksyon na tinatahak ng ating ekonomiya at malalaman kung may
nagaganap na pag-unlad o pagbaba sa kabuuang produksiyon ng isang
bansa. Ang nakalap na impormasyon mula sa pambansang kita
ang magiging gabay ng mganagpaplano sa ekonomiya upang bumuo
ng mga patakaran at polisiya namakapagpapabuti sa pamumuhay ng mga
mamamayan at makapagpapataas sa economic performance ng isang
bansa. ung walang sistematikong paraan sa pagsukat ng
pambasang kita, haka-haka lamangang magiging basehan na walang
matibay na batayan. ung gayon, ang datos ay hindikapani-paniwala Sa
pamamagitan ng national income Accounting, maaring masukat
ang kalusugan ngekonomiya. Ang gross national income (GNI) na
dating tinatawag ding Gross national product aytumutukoy sa kabuuang
pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng
mgamamamayan ng isang bansa, kalimitan ang sinusukat ay ang GNI
kada quarter o sa loob ng isangtaon.
Aralin 3:
UGNAYAN NG PANGKALAHATANG KITA,
PAG-IIMPOK AT PAGKONSUMO

Ang Kita ay ang halagang natatanggap ng tao kapalit


ng produkto o serbisyo na kaniyang ibinibigay.  Ang
kita ay ginagamit sa gastusin sa pangangailangan o
kagustuhan ng tao. Ang Pagkonsumo gamit ang
salapi ay nangangailangan ng matalinong pag-iisip at
pagdedesisyon upang hindi masayang at
mapakinabangan ng husto ang isang bagay.  Ang
Kita o Pera na hindi naggastos ay tinatawag na
savings. Ang Pag-iimpok  ay paraan na nangyayari
upang maipaliban ang pagkonsumo sa iyong Kita, at
naisin na lamang palaguin ito gaya na lamang sa
investment o paglalagak nito sa mga pinansyal na
institusyon gaya ng stocks, bonds o maging sa mga
bangko.
Aralin 4:
IMPLASYON

ito ay tumutukoy sa patuloy na pagtass ng pangkalahatang


presyo ng mga bilihin sa pamilihan. Ang pamahalaan ay
nagtatalaga ng mga piling produkto nanakapaloob sa basket of
goods o market basket dahil ang pagsusuri ng presyo ngmilyon
milyong produkto sa pamilihan ay napakahirap na gawain.
Market Basket o Basket of Goods mga produktong
kadalasangkinukonsumo ng mga mamamayan. Price index ay
kumakatawan sa kabuuan at average na pagbabagong mga
presyo ng lahat ng bilihin. Ito ay depende sa produkto na
gusting suriin. GNP Deflator o GNP Implicit Price Index ito
ang average price index na
ginagamit upang pababain angcureent GNP sa constant GNP.
Ito ay ginagamit upang maisama sa pagkwenta ng GNP ang
anumang pagbabagosa presyo. Wholesale Price Index
nagpapakita at sukatan ng pagbabago ng mga presyo ng mga
produkto na nabibili ngmaramihan. Retail Price Index
nagpapakita at sukatan ng pagbabago ng mga presyo ng mga
produkto na nabibili ngtingian. Consumer Price Index (CPI)
panukat ng average na pagbabago ng presyo ng mga produkto
na pangkaraniwangkinukonsumo ng mga mamimili.
Aralin 5:
PATAKARANG PISKAL
Ito ang pagkontrol ng pamahalaan sa ekonomiya ng bansa sa
pamamagitang ng pangongolekta ng buwis at paggastos nito
upang maging maayos ang pagdaloy ng ekonomiya. Ito ay
tumutukoy sa behavior ng pamahalaan patungkol sa paggasta at
pagbubuwis ng pamahalaan.Sa madaling salita, Ito ay tumutukoy
sa polisya sa pagbabadyet.
Aralin 6:
PATAKARANG PANANALAPI

You might also like