You are on page 1of 1

1/6/22, 10:52 AM Opisina ng LTFRB, pansamantalang magsasara | ABS-CBN News

___
Toggle navigation

News

Search
Search
facebook
twitter
youtube
login

Search
Search

Home
News
Business
Entertainment
Life
Sports
Overseas
Spotlight
Weather
TV Patrol
Teleradyo
TFC
ANC
ANCX

EXPLORE ABS-CBN
ADVERTISE WITH US

Home
 > 
News

Opisina ng LTFRB, pansamantalang magsasara

ABS-CBN News

Posted at Jan 06 2022 10:29 AM

Share

Facebook
Twitter
LinkedIn
Viber

MANILA - Inanunsiyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pansamantalang magsasarado ang kanilang central office mula
Huwebes, Enero 6, hanggang Biyernes, Enero 7.

Ayon sa ahensya, hindi rin magiging aktibo ang kanilang 24/7 hotline na 1342 simula Huwebes hanggang Linggo, ika-9 ng Enero.

Sa isang pahayag, sinabi ng LTFRB na dadaan sa mass swab testing ang kanilang mga empleyado sa mga nasabing araw. Isasailalim din ang kanilang mga
pasilidad sa masusing disinfection.

Kasunod ito ng pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Philippines posts 10,775 new COVID cases, nearly double from previous day

Payo ng LTFRB, maaaring magpadala ng mensahe sa kanilang LTFRB Official Facebook page ang mga nais maghayag ng kanilang ulat o katanungan sa kanilang
ahensya.

Maaari ring magpadala ng e-mail sa kanilang Public Assistance Complaints Desk (PACD) sa pacd@ltfrb.gov.ph.

https://news.abs-cbn.com/news/01/06/22/opisina-ng-ltfrb-pansamantalang-magsasara 1/11

You might also like