You are on page 1of 3

Q1-M20-FILIPINO

VIRGILIO C. CALANOGA III 10-ADMIRABLE

Pagyamanin
B.
Simbolismong ginamit sa akda
1. Yungib - kamangmangan
2. Araw/Apoy - pag-asa
3. Pader - sumisimbolong hadlang o limitasyon sa pag-abot ng iyong
mga pangarap.
4. Bilanggo - mga mamamayan
5. Labas na yungib - kalayaan, katotohanan at edukasyon

Isaisip
1. Ayon sa sanaysay na alergorya ng yungib ninanais ni plato na -
Ninanais ni Plato na gumising tayo at palayain ang atung mga sarili
sa mga bagay bagay na gumagapos o kumukulong sa atin na nag-
uudyok upang tayo ay malugmok na lamang sa yungib na ating
bilangguan at nais din ni Plato na makita nation ang katotohanan
ng bagay bagay.
2. Sinasalamin sa Alegorya ng yungib na mas may mararating ang
isang tao kung -Magsikap upang may marating
3. Sa bawat kadiliaman na nararanasan ng bawat tao - may liwanag
parin na naghihintay sayo
Karagdagan
Disiplina ngayong Pandemya
Ang buong mundo ay nagdudurusa ngayon ng kahirapan dahil sa
kinakaharap nating pandemya na dulot ng COVID-19 virus. Ang virus na
ito ay nakakahawa ng kahit na sino, mapabata man, matanda,
mayaman, mahirap, lahat tayo ay pwedeng makakuha ng sakit na ito.
Dahil sa COVID-19 maraming mga tao ang nawalan ng buhay, nawalan
ng kanilang mga trabaho, at napahiwalay sa kani-kanilang mga pamilya.
Hindi natin maikakaila na, dahil sa pandemya na ito, nagbago na ang uri
ng ating pamumuhay. Ito ay nangangailangan na maging manatili
tayong maingat sa pang-araw-araw natin na pamumuhay. Ang bawat
isa sa atin ay may kakayahang gumawa ng hakbang para mapigil ang
pagkalat ng virus na ito, at maprotektahan ang ating sarili, pamilya, at
ang ating komunidad sa pagkahawa ng sakit.
“Kung walang disiplina, hindi matatapos ang pandemya” Isang
salawikain na dapat malaman natin malamang lahat. Kumakalat ang
COVID-19 sa pamamagitan ng tao, kaya kung hindi tayo sumunod sa
mga health protocols na inilaan ng ating gobyerno, mas tataas pa ang
bilang ng mga pasyente. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng
impeksyon ay makararanas ng hindi malalang sintomas at gagaling.
Ngunit ang iba ay makararanas ng malubhang sakit, lalo na sa mga
matatanda at mga may dati nang karamdaman. Narito ang ilang mga
simpleng hakbang na maaari mong gawin upang maprotektahan ang
kalusugan mo at ng iba. Halimbawa ng mga bagay na kailangan natin
sundin lahat ay, hugasan ng madalas ang mga kamay, mag social
distancing, suotin ang face mask at face shield, takpan ang iyong ubo at
bahing, manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit, at kumuha ng
impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad.
Natural lang sa atin ang maghanap ng social interaction, pero sa mga
panahon na ito, kailangan nating iprayorita ang kaligtasan ng ating
sarili, pamilya, at mga tao sa ating komunidad. Kung gusto nating
maibalik na sa normal ang lahat, maging disiplinado tayong
mamamayan. Sa simpleng pagsunod mo sa mga nakalaan na patakaran,
maka katulong ka na sa pagpigil ng pagkalat ng virus. Ang pagiging isang
kabataan ay mahirap kahit ano pa man, at ang sakit na coronavirus
(COVID-19) ay ginagawang mas mahirap. Sa mga pagsasara sa paaralan
at mga nakanselang kaganapan, maraming mga kabataan ang
nawawala sa ilan sa mga pinaka malaking sandali ng kanilang kabataan
na buhay – pati na rin ang pang-araw-araw na sandali tulad ng
pakikipag-chat sa mga kaibigan at paglahok sa klase.
Para sa mga teenager na nakaharap sa mga pagbabago sa buhay dahil
sa pagsiklab na nararamdaman ng pagkabalisa, ihiwalay at pagkabigo,
alamin ito: hindi ka nag-iisa.

You might also like