Professional Documents
Culture Documents
Filipino m19 q1
Filipino m19 q1
Isagawa
Mahalaga ang isang epiko sa isang bansa sapagkat maliban na ito ay
kuwentong sumasalamin sa kanilang kultura at pagpapahalaga, ito rin
ay mga kuwento at akdang pampanitikan na nakapagbibigay ng aral.
Ang mga epiko ay mga kathang isip man at nagaganap sa pagkakataong
hindi makatotohanan, ito naman ay nakabatay sa kung anong tradisyon
at kultura na pinaniniwalaan ng isang lugar. Dahil sa mga epiko, mas
madaling naipalalaganap ang kanilang pamumuhay at mga
pagpapahalaga. Mas kawili-wili rin ang paraan ng pagpapakilala sa
kanilang kultura. Ang mga epiko rin ay mga salaysay na mayroong aral
na maaaring magamit ng mambabasa sa kaniyang sariling
pakikipagsapalaran sa buhay.