You are on page 1of 3

Q1-M23-FILIPINO

VIRGILIO C. CALANOGA III 10-ADMIRABLE

Pagyamanin
1.Una, ang panganay na si Jules, may liberal na pag-iisip. Naging isang
komunista, di man matatawag na isang tunay na propesyon dito na niya
natagpuan ang katuparan ng kaniyang pangarap, pangarap ng isang
makataong lipunan para sa anak nila ni Mara at sa iba pang kabataang
naghahangad ng mabuting kinabukasan.
2. Sumunod ay si Gani, maagang nag-asawa't nagkaanak ngunit mabilis
din silang nagkahiwalay ni Evelyn. Pagkatapos, siya'y nanirahan na sa
abroad kapiling ng kaniyang bagong pamilya. Ang pangatlo si Em,
pinakamatalino sa magkakapatid, naging isang magaling na manunulat
sa isang lingguhang pahayagan na tumutuligsa sa Martial Law.
3. Ikatlo, ang pinakamalambing na si Jason, ang kakulangan niya bilang
estudyande ay matagumpay na napagtatakpan na katangian niya bilang
anak. Isang araw, sa di-inaasahang pagkakataon, natagpuan ang
kaniyang bangkay sa isang basurahan, hubo't hubad, labimpito ang
saksak, tagos sa baga ang iba tuhog pati puso. May marka din ng
itinaling alambre sa pulso, talop halos ang siko, tastas pati hita'y tuhog,
basag pati bayag. Malagim at malupit ang pagkamatay ni Jason, salvage
dahil kung bakit at kung sino ang may gawa walang makapagsabi. Ang
kaso ng pagkamatay ni Jason ay hindi na nagkamit ng hustisya.
4.Pagkatapos, ang bunsong si Bingo namulat sa mundong walang
katahimikan at walang katiyakan, ngayo'y magtatapos na ng kolehiyo.
Iba't iba ang kinahinatnan ng buhay ng mga anak ni Amanda. Sa loob ng
27 taon ng pagiging asawa at ina, sa kaniyang palagay hindi siya ganap
na umunlad bilang tao. Nagsilbi na lang siyang bantay sa paghahanap at
pagkatagpo ni Julian ng katuparan niya bilang tao, sa paglaki ng
kaniyang mga anak at pagtuklas ng kanilang kakayahan at kahalagahan.
5. Sa wakas si Julian naman ay naging manhid at parang walang
pakialam sa kakulangang nadarama ng kaniyang asawa, naging walang
kibot sa mga problemang kinakaharap ng kanilang pamilya. Kaya
minsan, napag-isip-isip ni Amanda na makipaghiwalay na dito

Isagawa

You might also like