You are on page 1of 3

SUMMATIVE TEST 1

GRADE V – EPP

Name: ___________________________________ School: ______________________________


Grade: ___________________ Date: ____________________________

I. Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na salita o grupo ng mga salitang may bilog ay tumutukoy sa
produkto o serbisyo.

1. Dahil sa pagkakaroon ng lockdown, ang iyong nanay ay bumili na lamang ng mga gulay sa isang online
seller.

2. Ang inyong kapitbahay na senior citizen ay hindi makabili ng gamot sa botika kaya’t siya ay tumawag sa
online pasabuy upang makabili ng gamot.

3. Natapat ang kaarawan mo ng lockdown sa inyong lugar, kaya’t nagpadeliver na lamang ang iyong nanay
ng isang cake at isang bilaong pansit.

4. Nasira ang radyo nina Ramniel, tumawag ang kanyang ama ng isang technician upang palitan ang
nasirang piyesa ng kanilang radio.

5. Humaba ang buhok ni EJ dahil sa matagal na pananatili sa loob ng kanilang tahanan kung kaya’t nang
maaari ng lumabas, tinawag niya ang kanyang kaibigang barbero upang magpagupit ng buhok.

6. Sina Joana at Rachelle ay nagpunta sa pamilihan upang bumili ng prutas na bilin ng kanilang ina.

7. Pagtuturo sa mga mag-aaral ang palaging iniisip ni Ginang Calpo tuwing siya ay nasa paaralan.

8. Si Aling Baby na isang manikurista ay tinawag upang linisan ng kuko si Aling Catalina.

9. Nagtitinda ang inyong kapitbahay ng espesyal na ensaymada na may keso at itlog na pula.

10. Bagong aning bigas ang napiling bilhin ni Mang Lito para sa kanyang pamilya.

II. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang titik sa sagutang papel.

1. Sino ang nangangailangan ng epektibo at matibay na aklat, modyul, kwaderno at bolpen?


A. dyanitor B. karpintero C. mag-aaral D. sanggol
2. Anong negosyo ang naghahanda at nagbebenta ng pagkain para sa mga driver, factory worker at mga
kapitbahay ninyong hindi nakapagluto?
A. karinderya B. patahian C. shoe repair shop D.talyer
3. Magalang at masayahin ang mga kawani ng ospital kaya nababawasan ang sakit at lungkot ng mga
____________ .
A. empleyado B. maysakit C. nars D. tindera
4. Ang Department of Science and Technology ay ahensya ng gobyerno na __________________ at nag-
iimbento ng makabagong gamit at pamamaraan upang mapaunlad ang mga negosyo sa pamayanan.
A. namimili sa ibang bansa C. naglalako
B. nanggagaya D. nagsasaliksik
5. Nagreklamo ang konsyumer sa nabili niyang lugaw at tokwa dahil malamig na daw ang lugaw at
napakatigas ng pagkakaluto ng tokwa. Ano ang gagawin mo?
A. Sasabihan ang konsyumer na umuwi na.
B. Aaminin ang pagkukulang at hihingi ng paumanhin.
C. Hindi papansinin ang reklamo at ngingitian na lamang.
D. Susungitan ang konsyumer at sasabihang huwag ng babalik.

6. Anong ahensya ng pamahalaan ang pupuntahan upang iparehistro ang negosyo at matiyak na walang
katulad ang pangalan nito?
A. Kagawaran ng Edukasyon
B. Kagawaran ng Kalusugan
C. Kagawaran ng Agham at Teknolohiya
D. Kagawaran ng Kalakalan at Industriya
7. Ang mga sumusunod ay mga pahayag o dahilan ng? pagkalugi ng negosyo. Alin ang hindi kabilang?
A. Walang tumatangkilik sa produkto.
B. May malasakit sa mga konsyumer.
C. Luma ang mga produktong binebenta.
D. Magulo ang sistema sa pagpapatakbo ng negosyo.
8. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit nararapat nating kikilalanin ang mga potensiyal na mamimili sa
ating lugar?
A. Matukoy ang negosyong angkop sa mga tao sa barangay.
B. Matukoy ang maraming pera sa barangay upang hiraman.
C. Maging kaibigan ang kanilang mga anak.
D. Mapabagsak ang negosyo ng kapitnahay.
9. Mayroong apat na mananahi sa patahian ni Aling Soling. Sino ang mahusay na mananahi at angkop sa
kanyang negosyo?
A . Allysa: Ang dami pang tatahiin kaya puwede na ang may tastas.
B. Cristy: Hindi na mapapansin ng kostumer na hindi tuwid ang tahi.
C. Diana: Bibilisan ko na ang pagtahi dahil marami pa akong lalakarin.
D. Fame: Dapat pulido ang pagtatahi ko sa mga damit kahit matagal ito.
10. Hindi nakapagtapos ng kolehiyo si John at nasa wastong gulang na siya upang magtrabaho. Ano ang ang
maipapayo mo sa kanya?
A. Manghingi ng piso sa bawat dumadaan sa kalsada.
B. Magpahinga at hintayin ang tulong ng mga magulang.
C. Tumambay na lang maghapon sa kanto at umasa sa mga kaibigan.
D. Magpatala sa TESDA sa kasanayan na magagamit sa pagnenegosyo.

ANSWER KEY:

I. II.

You might also like