You are on page 1of 4

Disiplina: Tulay para wakasan ang Kahirapan

Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat ng problema ng ating


bansa. Madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga
pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang may kasalanan o tayong
mga Pilipino na tamad? Sabi nga nila, “Katamaran ay katumbas
ng Kahirapan”, tama sila, at tama rin naman ang mga taong
nagsasabing nasa gobyerno ang pagkakamali.

Ang rason kung bakit patuloy pa rin ang paghihirap ng ating


bansa ay ang mga sumusunod:

1. Ang dahilan ng kahirapan sa Pilipinas ay kakulangan ng


pagtutulungan

2. Digmaan

3. Pagmamalabis

4. Krisis

5. Maling pagtrato sa mga pulubi at mahihirap

6. Ibang priority ng may hawak ng pera


7. Kakulangan sa pangangalaga sa kapakanan ng mga halaman
at hayop

8. Pagtago ng pera ng ilan at hindi pinaiikot

9. Nabalitang corruption

10. Kakulangan ng disiplina ng mga tao

Kung patuloy nating paiiralin ang ganoong mga pag-uugali,


hindi uunlad ang ating bansa. Walang mangyayari. Walang
makakamit na progreso ang Pilipinas. Ngunit ang naisip ko
lamang na solusyon sa kahirapan sa ating bansa ay
pagkakaroon ng DISIPLINA.

Ang hirap lang kasi yung iba wala naman yata sa bokabularyo
nila ang salitang disiplina. Yun lang naman ang kelangan natin
talaga. Hindi naman magagawa ng iisang tao ang pagbabago ng
buong bansa. Tayong lahat ang dapat gumalaw para magbago.

Tigilan na rin natin siguro ang crab mentality. Imbes na matuwa


dahil may nararating ang iba, naiinggit pa ang iba. Imbes na
magsikap para sa sarili nila, naghihintay na may ibigay na lang
ang gobyerno sa kanila. Kaya walang nararating ang iba sa atin.
Disiplina nga ang kailangan. Karamihan sa atin, lahat na ng
pangit na nangyayari sa buhay nila, sa gobyerno nila sinisisi.
Hindi sila nakapag aral, gobyerno ang sisisihin, wala sila
trabaho, gobyerno nanaman ang may kasalanan. Wala silang
makain, gobyerno nanaman. Nakakapagtaka tuloy bakit may
mga indibibwal na nagmula din sa miserableng buhay, subalit sa
pagsisikap ay nakaahon.

Disiplina nga ang kailangan. Kapag may disiplina lahat ng


magagandang kaugalian ay susunod na. Matutong magsipag at
magtiyaga ang isang tao. Hindi rin gagawa ng mali. Hindi rin
aasa lang sa bigay ng gobyerno at lalong hindi nito sisisihin ang
gobyerno. Pero ang tanong, paano matuturuan ng disiplina ang
taong wala nito?

Kumilos na tayo hangga’t may oras pang natitira.


Masosolusyunan natin ang kahirapan basta tayo ay
nagtutulungan. Kaya kung ako sayo, tulungan mo ang sarili mo
na magkaroon ng disiplina at maya-maya kapag talagang sa
tingin mong tiyak na mayroon ka ng disiplina, tumulong ka na
sa komunidad upang makagawa tayo ng mas maunlad at
mabuting bansa.

You might also like