You are on page 1of 1

Kaugnayan sa problemang panlipunan na nararanasan/ kinahaharap

Pagiging malaya, ating nakasanayan,


Ngunit sa pagdating ng isang hamon.
Nasubok, ating katatagan,
Sinusukat, ating hangganan.

Sinubok kung hanggang saan tayo tatagal,


Kahit hindi alam kung hanggang kailan ito magtatagal.
Hindi alam kung sino at ano ang kalaban,
Walang may alam kung paano ito labanan.

Pandemiya, ay lumalaganap pa sa kasalukuyan,


Ngunit ngayon, pangibagong trahedya na naman
Ang ating nararanasan
Tila ba mga paghihirap ay nang walang katapusan.

Ngunit anong magagawa natin?


Hindi na natin ito maiiwasan.
Hindi alam kung kailan lilisan,
Hindi alam kung kailan tatamaan.

Kung kaya’t ating magagawa


Ay ang magtiwala at maniwala
Na sa pagtapos ng bawat sakuna
May magandang biyaya.

You might also like