You are on page 1of 7

ARALIN 2: MONOLINGGUWALISMO, BILINGGUWALISMO,

MULTILINGGUWALISMO

Ang paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan o pakikipag-usap sa kapwa


ay isang katangian (unique ) o natatangi lamang sa tao.

Ayon kay Chomsky ( 1965 ), ang pagmalikhain ng wika ay makikita sa


kakayahan ng tao lamang at wala sa ibang nilalang tulad ng mga hayop.

Unang wika ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at


unang itinuro sa isang tao.

Pagkakaroon ng eksposyur sa ibang wika sa paligid na maaring


magmula sa telebisyon o sa ibang taong nakapaligid sa kanya, yan ay
tinatawag na pangalawang wika.

May bagong naririnig na wika na kalaunay natutuhan ng gamitin sa


pakikipagtalastasan sa mga taong nasa kanyang paligid, ang wikang ito
ay magiging ikatlong wika.
BILINGGUWALISMO

LEONARD BLOOMFIELD- Ay isang paggamit o pangkontrol ng tao sa


dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ang kanyang katutubong
wika.

JOHN MACNAMARA- Ang bilingguwal ay isang taong may sapat na


kakayahan sa isa sa apat na marking kasanayang pangwikang
kinabibilangan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat sa isa
pang wika maliban sa kanyang unang wika.

BILINGGUWALISMO SA WIKANG PANTURO

ARTIKULO 15 SEKSIYON 2 AT 3 NG SALITANG BATAS NG 1973- Ang


probisyon para sa bilingguwal o pagkakaroon ng dalawang wikang
panturo sa mga paaralan at wikang opisyal na iiral sa lahat ng mga
pormal na transaksiyon sa pamahalaan man o kalakalan.
MULTILINGGUWALISMO

Ang Pilipinas ay isang bansang multilingguwal. Higit 150 wika at wikain


kaya naman bibihirang Pilipino ang monolingguwal. Karamihan sa ating
mga Pilipino ay nakapagsalita at nakakaunawa ng Filipino, Ingles, at isa
o higit pang wikang katutubo o wikang kinagisnan.

Mother Tongue Based- Multilingual Education ( MTB- MLE )


kasalukuyang ipinatupad ng DepEd ang K to 12 Curriculum ang
paggamit ng unang wika bilang panturo particular sa kindergarten at
Grades 1, 2, at 3.

Mas epektibo ang pagkatuto ng bata kung ang unang wika ang
gagamitin sa kanilang pag-aaral.

Mahalaga ang unang wika sa panimulang pagtuturo ng pagbasa sa pag-


uunawa ng paksang aralin at bilang matibay na pundasyon sa pagkatuto
ng pangalawang wika.

Walong wikang panturo sa unang taon ng MTE-MLE

1. Tagalog 7. Hiligaynon
2. Kapampangan 8. Waray
3. Pangasinense
4. Ilokano
5. Bikol
Pagkalipas ng isang taon may labing siyam na ang wikang ginagamit ng
MTE-MLE- Ybanag, Ivatan, Sambal, Aklanon, Kinaray-a, Yakan,
Surigaonon.

Samantalang Filipino at Ingles ang gagamiting wikang panturo sa mas


mataas na antas ng elementarya, gayundin sa sekundarya at sa
kolehiyo.

Sabi nga ni Pangulong Benigno Aquino III “ WE SHOULD TRI-LINGUAL AS


A COUNTRY. LEARN ENGLISH WELL AND CONNECT TO THE WORLD.
LEARN FILIPINO WELL AND CONNECT TO OUR COUNTRY. RETAIN YOUR
DIALECT AND CONNECT TO YOUR HERITAGE”.
ARALIN 3: KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

Panahon ng Kastila:

Espanyol- ang opisyal na wika at ito rin ang wikang panturo

Panahon ng Amerikano:

Nang sakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas, sa simula’y ay dalawang


wika ang ginamit ng mga bagong mananakop sa mga kautusan at
proklamasyon, Ingles at Espanyol

Sa kalaunan, napilitan ng Ingles ang Espanyol bilang wikang opisyal.

Dumami na ang natutong magbasa at magsulat sa wikang Ingles dahil


ito ang naging tanging wikang panturo batay sa rekomendasyon ng
Komisyong Schurman

Noong 1935 halos lahat ng kautusan, proklamasyon at mga batas ay


nasa wikang Ingles na.

Artikulo XIV Seksiyon 3 ng Konstitusyon ng 1935 sa saligang batas ng


Pilipinas, nagtadhana ng tungkol sa wikang pambansa ang Kongreso ay
gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng
isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong
wika. ( Pebrero 8, 1935 )
Oktubre 27, 1936 Itinagubilin ng Pangulong Manuel Louis M. Quezon
sa kanyang mensahe sa Asemblea Nasyonal ang paglikha ng isang
Surian ng Wikang Pambansa na gagawa ng isang pag-aaral ng mga
wikang kautubo sa Pilipinas, sa layuning makapagpaunlad at
makapagpatibay ng isang wikang panlahat na batay sa isang wikang
umiiral.

Disyembre 30, 1937 Inilabas ng Pangulong Quezon ang Kautusang


Tagapagpaganap Blg. 134 na nagsasabing ang wikang pambansa ng
Pilipinas ay batay sa Tagalog

Tagalog ang ginawang saligan ng Wikang Pambansa sa dahilan ito’y


nahahawig sa maraming wikain sa bansa. Sa madaling salita’y hindi
magiging mahirap ang Tagalog sa mga di-Tagalog dahil kahawig ito ang
lahat ng wika ng Pilipino sa ganitong ayos:

Tagalog- katutubong Wikang pinagbatayan ng Pambansang wika ng


Pilipinas. ( 1935 )

Pilipino- Unang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas

Filipino- kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas, lingua


francia ng mga Pilipino, at isa sa mga opisyal na wika sa Pilipinas
kasama ng Ingles ( 1987 )

You might also like