You are on page 1of 2

1. Paano naapektuhan ng Kto12 ang kurikulum ng Filipino at Panitikan?

Filipino, wikang simbolo ng ating pagkatao bilang mamamayan ng bansang Pilipinas. Ito
ay bagay na dapat natin pahalagahan at pagyamanin. Ang pagkatuto ng Wikang Filipino ay isa
rin sa instrumento upang tayo ay magkaintindihan at makakalap ng mga impormasyon tungo sa
maunlad na pagkakaisa. Hindi lahat ng Pilipino ay kayang gamitin ito sa mas malalim na antas
kaya mainam talaga ang pagtuturo nito sa kolehiyo at mga Universidad, ngunit sa programang K
to 12 naganganib na mawala ito.
Ang programang K to 12 ay bahagi ng CHED Memoramdum Order 20 Series 2013 na
naglalayung ilipat ang General Education curriculum na itinuturo sa kolehiyo dati, sa Senior
High School at kabilang na dito ang Filipino at Panitikan. Malaki ang epekto nito sa kurikulum
dahil mawawala ito sa buhay kolehiyo ng mga mag-aaral at hindi na mas lalawak ang kaalaman
nila ukol dito. Malaki rin ang epekto nito sa mga guro dahil ang mga Departamento ng Filipino
sa mga pampubliko at pribadong paaralan ay nanganganib rin na magsara. Mapipilitan ang mga
ito na mag renew dahil sa mawawalan na sila ng maituturo sa kolehiyo. Dahil dito hindi na
maipapatuloy ang mas mataas na antas na pananaliksik sa Filipino na syang maglalagay sa
panganib sa ating wika. Pinapatay din nito ang intelektuwalisasyon ng wikang Filipino at hindi
na rin nito binibigyan ng galang ang naabot nito bilang larangan ng siyentipiko at akademikong
pag-aaral. Ang K to 12 ang dahilan ng pagkawasak ng pundasyon ng Wikang Filipino sa
Akademiya bilang isang lehitimong wika ng pananaliksik at gawaing intelektwal. Dahil sa
kadahilanang gusto nating matamasa ang International Standards ay nagiging maalam man tayo
sa ibang wika ngunit nagiging mangmang naman tayo sa ating sariling wika at panitikan.
Ang pagkamit sa International Standards ay hindi naman masama. Nakakatulong ito para
mas mapaunlad pa ang ating bansa at mas mapadali ang paghahanap ng trabaho sa ibang bansa
ngunit huwag nating kalimutan na layunin din natin bilang mamamayan ng Pilipinas na mas
pagyamanin ang ating sariling wika at panitikan. Ito ay ating responsibilidad upang hindi
mamatay ang sariling atin at maipasa pa ito sa mga susunod na henerasyon.

2. Bakit maituturing na makasaysayan ang adbokasiya ng Tanggol Wika sa


pagtataguyod ng wikang Filipino bilang asignatura at bilang wikang panturo?

Ang pagtatanggol sa sariling atin ay lubhang napakarangal bilang isang Pilipino. Marami
sa ating mga bayani katulad nila Rizal ay nakipaglaban para lamang makamit natin ang ating
kalayaam. Kaya lalong mas umunlad ang ating kultura at panitikan ay dahil nabigyan tayo ng
kalayaan na mas paglawigin pa ito. Sa pagpapatupad ng CHED Memorandum Order 20 Series
2013 na kung saan ay nanganganib ang kurikulum ng Filipino at Panitikan, maraming grupo ang
umalma at isa sa mga nangunguna rito ay ang grupong Tanggol Wika.
Ang Tanggol Wika ay ang alyansang nangunguna sa pakikipaglaban sa pagpaslang ng
Commission on Higher Education (CHED) sa Filipino at Panitikan sa kolehiyo. Layunin nila ang
pagtataguyod ng asignaturang Filipino sa lahat ng antas ng edukasyon, at Filipino bilang wikang
panturo. Maituturing na makasaysayan ang adbosiya ng Tanggol Wika sapagkat ito ay
nakakatulong na panatiling buhay ang presensya ng wikang Filipino sa ating lahat. Sa
pangunguna rin ng Tanggol Wika ay naipanalo nila ang kanilang petisyon laban sa CHED
Memorandom Order 20 Series 2013 ng kinatigan ng Korte Suprema ag Tanggol Wika sa
pamamagitan ng paglabas ng temporary restraining order. Nabawi man ang restraint order nung
2019 pero patuloy parin ang pakikibaka ng grupo para ipaglaban ang kanilang adbokasiya.
Naging makasaysayan ang kanilang adbokasiya dahil naging instrument ito upang makita ng
nakakarami ang kahalagahan ng wikang Filipino.
Marami sa mga kabataan ngayon ay kulang pa ang kaalaman sa larangan ng Filipino at
Panitikan kaya mainam talaga ang pag-aaral nito sa mas mataas na antas. Ang ipinaglalaban ng
Tanggol Wika ay hindi madali lalo na sa panahon ngayon na tumatakbo base sa International
Standards ngunit kung tayo ay magkakaisa para ipagtanggol at ipaglaban ang sariling wika, ay
maipapanalo natin to. Sana ay umabot ang mensahing nais ipahatid ng Tanggol Wika sa bawat
isa upang sila ay mamulat sa kahalagahan ng Filipino at Panitikan sa ating buhay para sila ay
magkaroon ng lakas ng loob na ipaglaban ang sariling atin.

You might also like