You are on page 1of 5

Mga Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya (Ika-16

hanggang Ikaw- 20 Siglo)

Sa Unang Yugto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Timog at Kanlurang bansa ay


ating masisilayan ang mga kalakal na naggagaling sa Asya na pumapasok sa Europe ang tanging
pamilyar lamang sa mga Europeo. Ang mga lugar
sa Asya na pinaggagalingan ng kalakal ay hindi pa
napupuntuhan ng mga Europeo, at palita ng ng
Kalakal ng mga Europeo at Asyano ay hindi pa
ganoon kasigla o kaunlad. Sa Unang Yugto ay
nangyari ang Krusad a na naganap mula 1096
hanggang 1273. Ang mga Krusada ay isang kilusan
na inilunsad ng simbahan at ng mga Kristiyanong
Hari upang mabawi ang banal na lugar, ang
Jerusalem sa Israel hindi man lubusang
Krusada nagtagumpay ang krusadang ito. Marami ding
mabuting naidulot nito. At pagkatapos lumipas ng
mahabang panahon, naging kagawian na ng mga bansa na itatag ang imperyalismo o/ at
kolonyalismo sa kanilang nasasakupan.

Nang dumating ang mga manunupil ay nag-


iba ang lahat. Lahat ng nakagawian ng mga ninuno
ng isang bansa ay binura at pinalitan katulad na
lamang ng pagpapatigil ng mga Ingles sa Indian na
isagawa ang suttee o sati. At habang sila ay
kumukuha ng ating mga likas na yaman ay nagiging
mas kaunti na lamang ang mga ito o kaya naman ay
unti- unti na itong nauubos at hindi na maaring
mapakinabangan pa. Sa India ay patuloy- tuloy na
lamang sila sa pagsunod sa mga Ingles dahil sila ay
nasakop na ng mga ito, halos wala nang tumatayong
Rebelyong Sepoy
matatag sa pag- aalsa laban sa mga ito hanggang
dumating ang isang grupo ng mga kawal sa India o ang mga Sepoy. Nang nalaman nila na
ginagamit ng Ingles ang taba ng baboy at baka bilang panlinis ng kanilang sandata ay sumiklab
ang kanilang galit at tuluyang nag- alsa. Dahil ayon sa paniniwala ng mga Muslim kung saan ay
marumi ang taba ng baboy at para naman sa mga Hindu ay sagrado ang taba ng baka. Kung ating
susuriin ay malaki ang pagbabago ng isang bansa.

Maraming epekto ang mga ito. Ang iba’y positibo ngunit mayroon naman ring mga
negatibo. Pero kung atin itong susuriin nang mabuti ay makikita natin na mas marami din naman
ang mga positibong epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo. Ang isang bansa katulad na
lamang ng India ay naggamit ang kanilang likas na yaman ng tama sa pamamamgitan ng
pananakop ng mga Kanluranin at ang mga produktong ito ay nagsilbing tagapagdala ng pangalan
ng isang bansa at ang kaniyang mga nasasakupan. Ito ay matuturing na miyutsualismo dahil
nakakakuha ng mga likas na yaman ang mga mananakop para sa kanilang produkto at
nakabubuti naman ito sa nasasakupan dahil nagiging tanyag sila dahil sa pinagkuhanan ng isang
bansa ang bansang ito ng likas na yaman. Ngunit, minsan ay nagiging parasitismo ito dahil
nakakakuha ng mga benepisyo ang mga mananakop ngunit ang mga nasasakupan ay nahihirapan
at nagiging masama ang kondisyon ng isang bansa o kaya naman’y lupalop. Sa ibang salita, ang
mga sinasakop ay hindi nakakakuha ng anumang benepisyo.

Ngunit dahil rin sa mga pagsakop ng mga iba’t ibang bansa sa isang partikular na lugar
ay nagkakaroon na ng mga alitan sa pagitan ng dalawang o mas mahigit pang bansa dahil sa
pagnanais nila sa likas na yaman o kaya naman sa mga establisyamento
nito. Ang halimbawa dito ay ang pag- aagawan ng bansang Great Britain
at France. Sila ay nakipagkumpetensiya sa isa’t isa sa pamamagitan ng
mga institusyong kanilang itinayo katulad na lamang ng Great Britain
East India Company o John Company na tinatapatan naman ng France
East India Company. Ang John Company ay nagsilbing tagapag-
organisa ng mga materyales mula sa India papunta sa kanilang bansa,
gayundin sa France. Sa bawat labanan, may matatalo may mananalo. At
dahil sa paniniwalang ito, ay nagsimula ang digmaan sa pagitan ng mga
Robert Clive bansang ito. Ito ay tinawag nilang Battle of Plassey na naganap noong
Ika- 23 ng Hunyo 1757. Ito ay ginanap sa Bhagirathi River na
matatagpuan sa ka pital ng Kanlurang Bengal sa Nadia. Ngunit mayroon namang kumontrol
dito upang maitigil na ito at maiwasan ang pagkasira ng teritoryo ng India at ito ay ang
Indianong si Nawab Siraj- ud- daulah. Ang pinuno naman ng Great Britain na naguna sa
digmaang ito ay si Robert Clive at Charles Watson.

Bunga ng Rebolusyong Industriyal ay lubos na napapakinabangan ng mga Kanluranin


ang mga likas na yaman at hilaw na mga materyal ng mga Indian at Arabe. Ito ay nagdulot ng
pagdagsa ng mga kapitalista sa mga kolonyang nasakop. Sa panahon ng pananahop ng mga
Knaluranin lalung lalo na ang imperyong Europeo.

Mga Pagbabago sa Pamumuhay ng mga Asyano Mula sa Pananakop ng mga Kanluranin sa


Timog at Kanlurang Asya:

I. Pagkakaroon ng Pamilihang Paglalagyan ng mga Produktong Galing sa bansang


Mananakop.

Kung ang mga Kanluranin ay kumukuha ng mga hilaw na materyales sa mga kolonya
nila, habanag lumipas ang panahon kanilang naisipan na maari rin silang magtayo ng mga
pamilihang paglalagyan ng kanilang mga produkto sa sakop nila upang maging mas
maging tanyag pa ang mga ito at tinuruan rin ng mga Kanluranin na tangkilikin ang mga
produktong ito upang umunlad ang kanilang ekonomiya kasama na rin ang pag- unlad ng
kanilang sakop. Ang proseso ay magiging:

 Sila ay kukuha ng mga hilaw na materyal sa kanilang nasasakupang teritoryo.


 Gagawin ng mga mananakop ang kanilang produkto sa kanilang bansa.
 Maghahatid sila ng mga produktong tapos na sa kanilang mga nasasakupan.
II. Naglagay ang Mananakop ng mga Pabrikang Bubuo ng mga Hilaw na Materyal na
Galing sa mga kolonya.

Upang maging mas madali pa ang pagkakaroon ng mga produkto ng mga mananakop sa
kanilang mga kolonya, nagtayo sila ng mga pabrikang bubuo dito. Sa pamamagitan nito ay
naging mas madali at mabilis ang pagdaloy ng kalakal o salapi sa isang mananakop sa bansa.
Halimbawa, ang Pilipinas ay nagsisilbing tagapagtustos ng kopra at tanso sa Amerika. Ngunit
dahil sa layo ng mga lupalop nito, nagtayo ang mga Amerikano ng pabrika na maaring
paggawaan ng mga produkto ng kopra at tanso. Kung gayon, hindi na mahihirapan ang
Amerika na magluwas pa ng kanilang produkto at ipadala ito sa Pilipinas.

III. Nagpatayo ang mga Dayuhan ng Tulay, Riles ng Tren at mga Kalsada.

Kanila itong binuo upang maging maging mabilis ang


pagdadala at pagluluwas ng mga produkto sa isang
partikular na lugar. Ang mga mga gamit nito ay para
lamang sa mga malapitang lugar o hindi sa labas ng
isang bansa. Noong hindi pa sinasakop ng mga
Kanluranin ang India, sila’y nahihirapan sa pagdaan sa
mga baku- bako at madulas na lupa. Kung sa gayon,
Riles ng Tren nagtayo ang mga Kanluranin ng mga ito para sa
layuning pang- industriyal.

IV. Sa Panahong ito, Isinilang ang mga Asyanong


Mangangalakal o Middlemen.

Dahil dito ay nagsimula ng magkaroon ng mga taong


nakikipagpalitan ng mga kalakal sa isa pang tao. Ito ay
tinatawag na barter kung saan ay nang panahong ito’y
naging pangunahing hanapbuhay. Ang iba’y pumupunta pa
sa ibang bansa upang makipagkalakalan katulad na lamang
ng mga Tsino na hinahangad ang korales ng Pilipinas. Middle Men

V. Nagtayo ng Ospital para Magamot ang mga Maysakit


at mabigyang Lunas ang mga may Sakit.
Bago pa man dumating ang mga mananahop sa India ay marami nang mga laganap na sakit
dito katulad na lamang ng tuberculosis at iba pang mga sakit na malala. Nang dumating ang
mga dayuhan, nagkaroon ng kasagutan ang mga Indian sa sakit na patuloy nakumakalat. Sa
pamamagitan ng mga ospital na itinayo ng mga Ingles ay naging mas kaunti ang kaso ng
pagkakakroon ng tuberculosis. At dahil rin sa mga mananakop ay natuto ang mga Indian na
mag- opera at magsterilize ng mga kagamitan sa ospital.

VI. Ang Kalagayan ng mga Katutubo ay Hiwahiwalay na Estado na Iba- Iba ang Namumuno.

Dahil nga sa nasabing pagsakop ay natakot ang mga katutubo kaya nagdulot ito sa kanilang
pagkakahiwala hiwalay dahil sa matinding pagaalala sa kanilang magiging kinabukasan. O
kaya naman ay pinagpangkat- pangkat ng mga dayuhan ang mga katutubo para maging mas
maraming magawa ang mga ito. Halimbawa, ipinangkat ang labing siyam na katutubo para
gawin ang mga balsang gagamitin para sa pakikipagkalakalan at ipinangkat naman ang
dalawampu’t dalwang katutubo para gawin ang hilaw na materyal na maging produkto.

VII. Nagtatag ang mga Mananakop ng Isang


Sentralisadong Pamahalaan.

Sa pamahalaang kanilang itinatag, ay maari


lamang ipagkaloob ang mga matataas na posisyon
sa Kanluranin at para naman sa mga katutubo ang
mabababang posisyon. Lagash
VIII. Nagkaroon ng Paghati- hati ng Rehiyon sa mga
Kanluraning Bansa at Nagkaroon ng Fixed Border.

Dahil sa maraming mga namunong Kanluranin sa pagsakop sa mga lupalop ay nagkaroon ng


pag- aaway kung sino ang magiging pinuno ng isang lugar. Ito ay kanilang pinagtalunan
hanggang naisipan nila na sila’y dapat magkaroon nalamang ng fixed border o takdang
hangganang teritoryo ng bawat bansa. At dahil dito, nagkaroon sila ng iba;t ibang mga
pinuno kung sa gayon ay may iba’t ibang paniniwala, kultura at kaugalian ang mga katutubo.

IX. Pinalawak ng mga Ingles ang Edukasyon sa India

Sa pagsakop ng mga Ingles ay idinala rin nila ang kanilang mga kaalaman para
makapamuhay ng maayos. Edukasyon ang naging instrumento para payapain ang mga
Asyanon nakapag- aral at nagdala ng bagong ideolohiya tungo sa pagbabago ng kanilang
mga bansa. Ito ay ginamit nila upang makalaya sa kamay ng mga mananakop. Nang matuto
silang ipaglaban ang kanilang mga karapatan at nagising ang damdamin para sa pagmamahal
sa bayan. Reporma ang kanilang naging sigaw, ang iba naman na mas nakararami at
separasyon ang nais. Ang pagkakahating ito ay nagresulta sa pagtatag ng nasyon- estado sa
pamamagitan ng pagbubuo ng mga batas at Saligang Batas.

You might also like