You are on page 1of 6

Unang Digmaang Pandaigdig

Isang siglo na ang nakalipas, iniwan ng milyun-milyong kabataang lalaki ang seguridad
ng kanilang tahanan at sumuong sa digmaan. Umalis silang puno ng pag-asa dahil sa pag-ibig sa
bayan. “Masaya ako at tuwang-tuwa sa inaasahan kong magandang kinabukasan,” ang isinulat
ng isang sundalong Amerikano noong 1914.Ngunit di-nagtagal, ang kanilang pananabik ay
nauwi sa kabiguan. Walang sinumang nakaisip na ang
napakaraming sundalo ay maiipit sa pakikipagdigma sa
Belgium at Pransiya. Tinawag ito noon ng mga tao na
Malaking Digmaan. Ngayon, tinatawag itong unang
digmaang pandaigdig. Ang unang digmaang pandaigdig ay
malaki nga kung pag-uusapan ang dami ng pinsala. Ayon sa
ilang pagtantiya, 10 milyon ang namatay at 20 milyon ang
nasugatan. Resulta rin ito ng malalaking pagkakamali. Hindi
napahinto ng mga estadista sa Europa ang tensiyon sa
pagitan ng mga bansa na lumala at naging pandaigdig na
Unang Digmaang Pandaigdig digmaan. Marahil higit sa lahat, ang Malaking Digmaan ay
nag-iwan ng permanenteng pilat sa daigdig. Binago nito ang daigdig sa paraang nakaaapekto pa
rin sa atin sa ngayon.

Mga Pagkakamali na Sumira sa Pagtitiwala:

Sumiklab ang unang digmaang pandaigdig dahil sa maling kalkulasyon. Walang ideya
ang mga lider sa Europa na ang kanilang ginagawang mga desisyon ay magbubunga ng
pandaigdig na kasakunaan noong mapayapang tag-araw ng 1914, ayon sa akdang The Fall of the
Dynasties—The Collapse of the Old Order 1905-1922. Sa loob
lamang ng ilang linggo, ang pataksil na pagpatay sa artsiduke ng
Austria ay nagsadlak sa lahat ng makapangyarihang bansa sa
Europa sa isang digmaan na hindi nila gusto. Sa pamamagitan
lamang ng isang bala, nagkaroon ng isang di- inaasahang
pangyayari dahil na rin kay Gavrilo Princip, isang Serbian, na
miyembro ng Blank Hands (Serbian Secret Society) noong June
28, 1914 sa Sarajevo, Bosnia habang naglalakbay si Franz
Ferdinand kasama ang kaniyang asawa na si Sophie Von Chotek.
At dahil dito, nagdeklara ang kaharian ng Austria- Unggaryo ng
digmaan sa pagitan ng dalawang bansa. Bunga nitong lahat,
nagkaroon ng dalawang alysansa, ang Central Powers at ang
Ang Pamilya ni Franz
Allied Powers o Allies. Ang pangunahing mga bansang kasapi ng
Ferdinand
Central Powers ay ang Germany at Austria- Unggaryo. Samantala,
sa Allies naman ay ang France, England at Russia. Ang mga lider
na gumawa ng kapaha-pahamak na mga desisyong humantong sa digmaan ay walang kaide-
ideya sa mga magiging resulta nito. Pero di-nagtagal, natanto ng mga sundalong nakikipagbaka
ang realidad ng digmaan. Natuklasan nilang binigo sila ng kanilang mga estadista, nilinlang sila
ng kanilang mga klero, at dinaya sila ng kanilang mga heneral. Binigo sila ng kanilang mga
estadista, nilinlang sila ng kanilang mga klero, at dinaya sila ng kanilang mga heneral.

Ang mga estadista ay nangako na bubuksan ng digmaan ang daan para sa isang bago at
mas mabuting daigdig. Ayon naman sa chancellor ng Germany, kanilang ipinaglaban ng tama
ang kanilang bunga ng industriya, kinabukasan at ang pamana ng mahalagang nakaraan.
Tumulong ang Pangulong Woodrow Wilson ng Amerika para mabuo ang isang popular na
kasabihan na ang digmaan ay tutulong upang gawing ligtas ang
daigdig para sa demokrasya. At sa Britanya naman, inisip ng mga
tao na ito ay Isang digmaan na tatapos sa digmaan, ngunit
hindi.Ang mga klero ay buong-pusong sumuporta sa
digmaan..Ang sabi naman ng iba na ang dahilan ng digmaang ito
ay ang mga tagapag- ingat ng salita ng Diyos dahil nanulsol sila
sa mga tao. Ang lubus-lubusang digmaan ay nauwi sa lubus-
lubusang pagkakapootan. Ginatungan ng mga klero ang apoy ng
pagkapoot sa halip na patayin ito. Hindi nagawa ng mga klerigo,
at karamihan sa kanila ay ayaw pumayag, na unahin ang
pananampalatayang Kristiyano bago ang bansa. Pinili ng
Woodrow Wilson karamihan ang mas madaling landas at ang Kristiyanismo ay
itinuring na kasinghalaga ng pagkamakabayan. Ang mga
sundalong Kristiyano sa lahat ng denominasyon ay hinimok na magpatayan sa ngalan ng
kanilang Tagapagligtas. Ang mga heneral ay nangako ng mabilis at madaling tagumpay, pero
hindi iyon nangyari. Di-nagtagal, ang magkalabang puwersa ay parehong talo. Naranasan ng
milyun-milyong sundalo ang inilarawan ng isang istoryador bilang marahil ang pinakamalupit at
pinakamahirap na kalagayang tiniis ng tao. Sa kabila ng matitinding pagkatalo, patuloy na
ipinadadala ng mga heneral ang kanilang mga sundalo sa mga barikada ng alambreng tinik at
inilalantad sila sa sunud-sunod na putok ng machine gun. Hindi nga kataka-taka na sumiklab ang
mga rebelyon. Lubhang naapektuhan ng Unang Digmaang Pandaigdig ang lipunan. Katulad na
lamang ng pagsira ng isip at ugali ng isang henerasyon. Dito rin naman naglaho ang mga
Imperyong German, Ottoman, Austro- Unggaryo at Russian. Ang kalunos- lunos na digmaang
iyon ay ang naging pasimula ng pinakamadugong siglo sa buong kasaysayan.

Iba’t ibang krisis ang nagyari sa digmaang ito. Noong


lusubin ng Austria- Unggaryo ang Germany, umasa ang Serbia
na tutulong ang Russia sa pagsakop nito sa Bosnia na kung saan
ang kanilang layunin ay talunin ang nasabing kalaban na bansa
ngunit walang nangyari, ngunit noong mas lumala na ang
situwasyon ay tumulong ang Russia. Dito rin ay naganap ang
Krisis sa Agadir kung saan ay naganap ang tunggalian sa pagitan Africa
ng France at Germany sa mga teritoryo sa Aprika. Samantala, ang bunga naman ng pagpapadala
ng France ng mga sundalo sa Fez, ang kabisera ng Morocco, nagkaroon ng kagulugan at ito ay
tinawag na Digmaan sa Agadir. At ang Digmaang Balkan ay nagan ap din kung saan ay
tumutukoy sa pagsalakay ng Balkan League na binubuo ng Serbia, Montenegro, Greece, at
Bulgaria sa Imperyong Ottoman noong 1912. Matapos nito, sumiklab ang Ikalawang Digmaang
Balkan noong 1913 sa pagitan ng mga kasapi ng Balkan League dahil sa hindi nila
pagkakasundo sa hangganan ng mga bagong teritoryong nakuha nila.Sa hidwaang ito, nakaranas
ng pagkataloang Bulgaria dahil hindi maibigay rito ang orihinal na ipinangako ng mga dating
kaalyado nito. 

Mga Salik sa Pagsiklab ng Digmaan

Isa sa mga salik sa pagsiklab ng digmaan ay ang Social Darwinism kung saan lumaganap
sa paniniwalang nakatakdang makipagtunggalian sa isa’t isa para sa yamn at kapangyarihan ang
mga Kanluraning bansa. Maging pagkabuo ng nasyonalismo ay naging salik din upang maging
mas maigting ang kamalayan hinggil  sa tungggalian sa pagitan ng mga bansa. Ang paglaganap
ng imperyalismo ay naging sanhi ng tunggalian ng interes ng mga bansa. Ang pagpaparami ng
armas, partikular ang paligsahan ng Germany at Great Britain dito, ay nagpalala sa tensiyong
pandaigdigan bago ang pagsiklab ng digmaan.

Ngunit bago pa man nagsimula ang digmaan,


mayroon ng mga krusero ang Germany na nakakalat sa
buong mundo na nagsasagawa ng mga pag- atake sa
mga barkong pangkalakal ng Alyadong Puwersa. Nang
sumiklab ang digmaan, sinimulan ng Maharlikang
Hukbong Dagat ng Imperyong Briton ang pagtugis sa
mga kruserong ito. Sa kabilang banda, isang kruserong RMS Lusitania
German na nagngangalang SMS Emden ang
nakapaglubog ng isang kruserong Russian, isang
mapanirang krusada ng mga Pranses at iba pang labing- limang barkong pangkalaka ng
Alyadong Puwersa. Noong Mayo 7, 1915, isang pampasaherong barko ng Great Britain, ang
RMS Lusitania, na nagdala ng 1,959 katao at matapos tamaan ng torpido mula sa SM U- 20.
1,198 na pasahero ng nasabing barko ang namatay sa sinabing
pag- take. Nagprotesta ang Estados Unidos laban sa
pagpapalubog ng nasabing barko sapagkat 128 sa mga
paseherong namatay ay mga Amerikano. Nangako naman ang
Germany na hindi na muling magsasagawa ng anumang pag-
atak e ang kanilang mga U- boat laban sa pampasakherong
barko. Noong namang Mayo 31 hanggang Hunyo 1916
SM U- 20 nagsagupa ang kapwa naglalakihang barkong pandigma ng
Germany at Great Britain sa Labanan ng Jutland malapit sa
Dinamarka. Itinuturing ito bilang isa sa mga malalaking
sahupaan sa dagat na naganap sa kasaysayan. Ang labanan na pinangunahan nina Bise Almirante
Rein hard Scheer ng PlotangGermany at Almirante Sir JohnJellicoe ng Plotang Great Britain ay
nakapagdulot ng malaking pinsala sa panig ng mga Great Britain bagaman nagawa nilang
mapanatili ang dominansya sa Dagat Hilaga hanggang sa katapus- tapusan ng digmaan.
Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay isang


pandaigdigang labanan na nagsimula noong Hulyo 7, 1937
sa Asya at Setyembre 1, 1939 sa Europa.Natapos ito
hanggang 1945, at nasangkot ang karamihan ng mga bansa
sa daigdig at bawat kontinente na may naninirahan.
Tinuturing ito na pinakamalawak, pinakamahal at
pinakamadugong labanan sa kasaysayan ng sangkatauhan.
Maaalalangang mga bansang lumahok sa digmaan ay
nagbuhos ng napakaraming pwersang militar upang lupigin
angbawat kalaban. Dahilan ng Digmaan Ang Unang Ikalawang Digmaang
Digmaang Pandaigdig ay nagtapos sa pagkatalo ng Germany Pandaigdig
noong 1918. Naniwala ang mga German na sila ay hindi
makatarungang sinisi sa digmaan. Sila ay ginamit pambayad ng pera sa Britanya at Pransya na
nagwagi sa digmaan. Ang mga Hapones ay tumulong talunin ang Amerika. Naramdaman nila na
karapatan nilangmagpalawak ng kapangyarihan sa Asya.Ngunit pinigilan silang Pinag-isang
Kaharian at Estados Unidos.

Pagsikat ng mga Diktador

Noong mga 1930, sinimulan ng mga pinunong militar ng Hapon ang pananakop sa mga
bahagi ng Tsina at iba pang bansang Asyano. Nasakop ng Haponang Manchuria noong 1931.
Nang malamanito ng League of Nations, umalis ang Hapon at lumawak ang imperyo sa labas ng
bansa. Ang Germany ay napasakamay ng partidong Nazis noong 1933. Ang kanilang pinuno ay
si Adolf Hitler. Sinisi niya ang mga suliranin ng Germany sa mga Jews. Sunod-sunod ang mga
pakikipag-ugnayan niya sa mgakaratig bansa, partikular ang bansang Italya na nasa ilalim ng
pamumuno ni Benito Mussolini sa ilalim ng Batas Militar.

Digmaan sa Europa

Idinagdag ni Adolf Hitler sa Alemanyang Nazi ang mga bahagi ng Austria at


Sudetenland, isang lugar sa Tseka. Nakipagsunduan rin siya kay Joseph Stalin para magtulungan
at di magdeklara ng digmaan sa bawat isa. Madaling sinakop
ng Germany ang Polonya, sa tulong ng Russia noong
Setyembre 1 1939, nagdeklara ng digmaan ang Great Britain
at Pransya. Ang uri ng digmaang ito ay tinawag na blitzkrieg
o digmaang kidlat dahil sa bilis nito. Ang Dinamarka,
Noruwega, Belhika, Olanda, at Pransya ay bumagsak sa
kamay ng blitzkrieg. Nanatiling malaya ang Britanya.
Gustoni Hitler na wasakin muna ang hukbong
panghimpapawid ng Great Britain bago sakupin ang bansa.
Noong Agosto 12, 1940, binomba ng Germany ang
Adolf Hitler
katimugang baybayinng England. Pinagsamasama ni Punong
Ministro Winston Churchill ang kanyang hukbo paralumaban. Ang mga Briton ay tinulungan ng
lihim na imbensyon,ang radar, na ginamit para malamankung may hukbong panghimpapawid
papunta sa bansa. Di nasakop ng Germany ang Great Britain.

Noong Hunyo 1941, tinapos na ni Hitler ang pananakop


sa Great Britain para simulan ang pananakop sa Russia. Ayonsa
mga historiko, ito ang pinakamalaking pagkakamali ni Hitler.
Gusto niya ngbakanteng lugar para sa mga German at makontrol
ang kayamanan ng rehiyon. Gusto rin niyang pabagsakin ang
komunismo at talunin ang pinakamakapangyarihang karibal na si
Joseph Stalin. Umaabot sa talong milyong sundaloang pinasugod
ni Hitler sa Rusya. Hindi nakapaghanda si Stalin sapagsugod ng
Germany. Higit sa dalawang milyong sundalo at sibilyan ang Joseph Stalin
namatay sa kamay ng mga German. Nagkasundo ang Russia at Great Britain na magtulungan sa
digmaan.

Noong Hunyo 6, 1944, ang paglumunsad ng mga sundalong Amerikano, Briton at


Kanadyano ay nagsimula ng pagsakalay saNormandy, Pransya ay lumaban ng mga sundalong
German. Ang mga puwersang Kakampi sa tulong ngmga sundalong Pranses saNormandy ay
nagsimula ngpagpapalaya sa Pransiya, angoperasyon na ito ay itinawag na D-Day o Operasyong
Overlord. Noong Abril 16, 1945, pumasok ang mga sundalong Russian sa lungsod ng Berlin,
matatagpuan sa kabiserang lungsod ng German Nazi ay lumaban samga sundalong German ay
sinira ito at nagwasak ng lungsod at may hihigit sa 600,000 sundalong German at mga sibilyan
ang namatay atnasugatan sa mga kawal ngpulang Sobyet. Noong Mayo 8,1945, Ang pagkatalo
ng mga German Nazi at ang pagsukosa pwersang Kakampi.

Digmaan sa Asya

Sumiklab din ang digmaan sa Pilipinas at sa Asya. Dulot ito ng pagsabog ng Pearl Harbor
sa Hawaii, sinunod ang Malaya (Malaysia at Singapore sa ngayon), mga lalawigan sa Pilipinas at
iba pa noong Disyembre 3, 1942. Inutos ni Franklin D.
Roosevelt ang pagdedeklara ng giyera sa bansang Hapon,
ngunit nagdeklara din ang Germany at Italya ng giyera laban sa
Estados Unidos. Idineklara ni Hen. McArthur bilang Open City
ang Maynila ngunit hindi ito isinunod ng Hapon at itinuloy pa
rin nila ang pag-atake.Dahil sa palala na ang kundisyon ng
Pilipinas, ang Pamahalaang Komonwelt ni Manuel L.Quezon
ay inilikas mula MalintaTunnel sa Corregidor patungosa
Franklin Roosevelt
Washington D.C., Estados Unidos at iniwan ang
pamamahalakay Jose P.Laurel at Jorge Vargas. Humirap ang kondisyon ng bansa, malakas na
umatake ang mga Hapones sa pamumuno ni Masaharu Homma, dahil dito humina ang pwersang
USAFFE at tuluyang isinuko ang Corregidor at Bataan na pinamumunuan nina Hen.King at Hen.
Wainwright.

Lumakas ang pwersang mga Hapon at nasakop lahat ng mga lugar sa Asya. Nasakop nila
ang Tsina, French Indochina, Myanmar,Malaya, Dutch East Indies, at ang Pilipinas.
Noong Oktubre 20, 1944,Bumalik si heneral Douglas MacArthur at mgakasamahan ni dating
pangulong Sergio Osmena, heneral Basilio J. Valdes, brigidyer heneral Carlos P.Romulo ng
Sandatahang Lakas ng Pilipinas at si heneral Richard H.Sutherland ng Hukbong Katihan ng
Estados Unidos ay ang dumaong ng puwersangAmerikano sa Palo, Leyte.

At nagsimula ng Pagpapalaya ng bansang Pilipinas sa pagitan ng pagsamahin na mga


tropang Pilipino at Amerikano kabilang ang mga kumilalang pangkat ng mgagerilya noong 1944
hanggang 1945 at angpagsalakay ng puwersang
Hapones. Nagsimula ang Labanan ng
Pagpapalaya saMaynila noong Pebrero 3,
hanggang Marso 3,1945 ay nilusob ng
magkakasanib nahukbong Pilipino at Amerikano
na isinalakayat pagwasak ng pagbobomba sa
ibabaw ngkabiserang lungsod laban sa
Hiroshima Nagasaki hukbongsandatahan ng Imperyong Hapones,
atmahigit sa 100,000 mga Pilipinong sibilyanang
Pagpapasabog sa:
napatay sa kamay ng mga hukbongHapones.
Noong Setyembre 2, 1945, sumuko si heneral Tomoyuki Yamashita sa mgatropang Pilipino at
Amerikano sa Kiangan, Lalawigang Bulubundukin (ngayon Ifugao) sa Hilagang Luzon.
Nagsimula ang mgasundalong Pilipino at Amerikano ay naghahanda ng pagsalakay at
pagpapalaya sa Hilagang Luzon ay lumaban sa mga hukbong Imperyong Hapones noong 1945.
Natapos lamang ang digmaan sa buong mundo pagkatapos ng pagpirma ngpagsuko ng mga
sundalong Hapon sa sundalong Amerikano, pagkatapos ngpagbobomba sa Hiroshima at
Nagasaki, noong Setyembre 2, 1945, sa Look ng Tok yo, Hapon.

You might also like