You are on page 1of 3

MAHAHALAGANG PANGYAYARI SA SINAUNANG PANAHON SA KANLURANG

ASYA

Ang Sumerian ang pinakaunang tao sa mundo (3500 BCE) kung saan sila rin ang pinakaunang
nagtatag ng sibilisasyon. Ilan sa mga kontribusyon nito sa kasalkuyang panahon ay:

 Cuneiform- Ito ang pinakaunang sistema ng panulat na ginagamit sa pagbuo ng mga


salita o ideya na mag 600 na pananda
 Gulong- Nang nalikha na ang gulong, ay ginawa nila ang karwahe, isang kariton na
nilagyan ng mga gulong.
 Sistema ng panukat ng timbang at haba- Sa haba ay ginagamit nila ang kanilang katawan
upang sukatin ang haba ng isang bagay.
 At pinupwersa nila ang mga Sumerian upang organisadong magawa ang dike. Ang dike
ay isang pader na nagsisilbing harang upang hindi pasukan ng tubig dagat na umaapaw
ang isang pamayanan.

Ang dahilan naman ng kanilang pagbagsak ay:

 Sila’y nakikipaglabanan at nakikipag-agawan upang mapaglaban at makuha ang mga


pangangailangan na nagdulot ng kawalan ng pagkakaisa.
 Pinagtatalunan din nila ang patubig at mga lupain dahil nga sa nagging salat ang kanilang
pamayanan, hindi na kaya ng lugar na ito na maglaan ng mga pangangailangan ng tao.

Ang sumunod naman sa mga Sumerian ay ang mga Akkadian o Akkadio ( Circa 2700-2230
BCE) na nagpalit sa wika ng mga Sumerian ng paunti-unti. Ang kanilang pag-unlad:

 Si Haring Sargon ay mananalakay buhat sa Akkas ang nagtatag ng lungsod- estado.


 Pinaunlad nila ang sistema ng pagsusulat.
 Maraming mga literature ang nasalin sa imperyong ito kagaya ng Epiko ng Gilgamesh.

Bumagsak sila dahil sa:

 Ang sistema ng pagtatangol sa kanilang teritoryo ay humina kaya madali silang nasakop.
 Nawala ang tiwala nila sa kanilang pinuno.

Ang Babylonian (Circa 1790-1595 BCE)

Ang mga sumusunod ang kanilang mga kontribusyon:

 Hammurabi, ika-anim na haring Amorite o mga taong mula sa Mesopotamia ay


pinalawak ang kaniyang kaharian maging sa Gulpo ng Persia.. Ang katipunan ng mga
batas ni Hammurabi ay mas kilala sa Code of Hammurabi.
 Ang Kodigo ni Hammurabi ang nagsisilbing batas ng Kabihasnang Babylonian na
binubio ng 282 na batas.
Bumagsak naman ang Kabihasnang Babylonian dahil :

 Inatake ng iba’t ibang mga grupo ang teritoryo ng mga Babylonian mula nang mamatay
si Hammurabi.

Ang Assyrian (Circa 745- 612)

Ang kanilang mga inambag ay ang mga sumusunod:

 Lumakas ang kanilang puwersa sa paggamit ng kanilang lakas o dahas at mga bakal.
 Pinakaunang pangkat ng tao para mapaunlad ang pamumuno sa imperyo.
 Serbisyo-Postal
 Maataatas na istandard ng kanilang mga kalsada.

Ang pagbabagsak ng Assyrian:

 Nagkaisa ang mga Chaldean, Medes, at Persian noong 612 BCE upang itaboy ang
Assyrian. At sinakop din ito ni Alexander The Great paglipas ng 300 na taon.

Ang Pangkat Chaldean (612- 539 BCE)

Ang kanilang pag-unlad:

 Pinagawa ni Nebuchadnezzar ang 75 na talampakang taas para sa kanyang asawang si


Amytis ang Hanging Gardens of Babylon
 Dito nagsimula ang zodiac at horoscope
 Nabuo ang Ziggurat

Ang Lydian na naninirahan sa kanluranang Anatolia (680- 547 BCE)

 Barter- Ang pagpapalitan ng mga produkto.


 Ang mga tao dito ay gumagamit nan g barya.

Ang isa sa pinakayamang pangkat, ang Phoenician (Circa 1200- 800 BCE)

 Nagsimula ang konsepto ng kolonya, bagsakan ng mga kalakal.


 Alpabeto na ating ginagamit sa kasalukuyan.
 Malalaking sasakyang pandagat
 Sila ay tinaguriang “Tagapagdala ng Kabihasanan” dahil sa ambag nila na magkaroon ng
organisadong pamumuhay.

Ang pagkabagsak ng Phoenician:

 Hindi nila tinuunan ng pansin ang kanilang sandatahang lakas.

Ang Hebreo (Circa 1000- 722 BCE)


Ang kanilang mga ambag:

 Bibliya ang kanilang naging pundasyon nang Judaism at Kristiyanismo.


 Ang pagsamba sa iisang Diyos (Monotheism)- Dito ay hindi sila pinapayagang sumamba
sa kanilang diyus- diyosan.

Ang pagbagsak ng Hebreo:

 Paniningil ng matataas na buwis ni Haring Rehoboam at dahil dito ay nagrebelde ang


mga anak ni Solomon. At ayon anman sa bibliya, ay nagkaroon sila ng iba-ibang diyos na
dala ng maraming asawa ni Haring Solomon.

Ang mga Hittite o Hitito (Circa 1600- 12 BCE) , makasaysayang lahi ng mga sinaunang
taong Anatoliano

Ang kontribusyon ng kanilang pangkat:

 Pagmimina ng iron core


 Paggawa ng iba’t ibang kagamitang bakal, na nagging bunga nang madaling pagsakop
nila sa iba’t ibang teritoryo.

Ang Persian o Achaemenid (Circa 550- 350 BCE)

Ang kanilang pag-unlad:

 Mahabang kalsada na nagdugtong sa Persia mula Susa hanggang Ephesus.


 Pilak at gintong barya ang kanilang ginamit sa pakikipagkalakalan.
 Karagdagan sa satrapy sa imperyo na namumuno sa lalawigan at nagsisilbing tainga at
mata ng hari.
 Ang pagkakaroon ng satrap ang naglinang sa konsepto ng sentralisadong pamahalaan.
 Ang pagpapatayo ng magagarang mga palasyo at gusali kagaya na lamang ng Persepolis.
 Kanilang binigyang diin ang karapatan ng taong kanilang sinasakupan.

Bumagsak ang pangat na ito dahil sa:

 Kawalan ng mahusay na pinuno at ang malawak na sakop ng teritoryo nito.

You might also like