You are on page 1of 1

Pelayo, Angelene O.

July 29, 2015


Vii - Einstein Gng. Govina

REAKSYON SA IKA-ANIM NA SONA NI PANGULONG AQUINO


(Hunyo 26, 2015)

Sa huling State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Benigno Aquino III, inilahad niya ang
mga napagtagumpayan ng kanyang administrasyon sa loob ng limang taon. Sa mga naging
accomplishments ng administrasyong Aquino tatlo sa mga ito ang aking gustong gustong dahil ito ay may
direktang kinalaman sa akin bilang kabataan.

Unang una, ang Pantawid Pamilya Pilipino Program. Sa programang ito ang mga mahihirap na
pamilya ay binibigyan ng ayuda o tulong. Mayroong 4.4 milyong pamilya ang nakikinabang sa
programang ito. Sa programang ito ang mga kabataang mahihirap ay nagkaroon pa din ng pagkakataong
makapag-aral kahit na walang sapat na kabuhayan ang kanyang pamilya. Sa mga kabataang sakop ng
programang ito na nakapagtapos na ng pag-aaral, tumaas ang antas kanilang kaalaman at maaaring
makakuha sila ng mga trabahong maaayos ang mga suweldo. Nang sa gayon tataas din ang antas ng
kanilang pamumuhay. Dahil sa programang ito mayroong pagkakataong guminhawa ang buhay ng taong
nagsimula sa hirap. Bilang kabataang nasa middle class, ay gusto ko ring makamit ang aking mga
pangarap, ayokong maging hadlang ang kahirapan sa pagkamit ko ng aking pangarap.

Pangalawa, ang pagpapataas ng antas ng kalidad ng edukasyon sa pamamagitan ng


pagpapatupad ng K to 12 programa. Sa programang ito ang kaalaman nating mga Pilipino ay magiging
kompetitibo na sa buong mundo. Sa pagdating ng tamang panahon at ako ay nakapagtapos na sa
kursong engineering, ako ay may tiwalang magiging mahusay na inhinyero dahil sa magandang kalidad
ng ating edukasyon.

Pangatlo, ang pagsasaayos sa sektor ng kalusugan. Naniniwala akong “Health is Wealth”. Ang
pagdadagdag benepisyong pangakalusugan ay isang malaking tulong sa bawat pamilyang Pilipino.

Para sa akin ay tama lamang na ipagmalaki ng pangulo ang mga nakamit ng kanyang
administrasyon. Ang ‘di ko lang nagustuhan ay ang paulit-ulit na pagtalakay pa niya ng mga pagkukulang
ng nakaraang administrasyon. Walang administrasyong perpekto, ang importante ay palaging isauna ng
mga nahalal na lider ang kapakanan ng mga mamamayang Pilipino hindi ang pagpapayaman ng kanilang
mga sarili lamang.

You might also like