You are on page 1of 2

Mga Relihiyon sa Asya

Hinduismo

Ito ang pangunahing relihiyon sa India at nasabi na ang mga Aryan ang unang sumampalataya sa
relihiyong ito. Ang kanilang pinangunahing diyos ay si Brahma. Samantala, ang kanilang banal na
kaslutan ay kanilang tinatawag na Veda na nagtuturo ng papaano magkaroon ng mahaba at mabuting
pamumuhay ng tao. Sila ay sumasamba sa iba’t ibang uri ng mga diyos na tinatawag na polytheism.
Maging sa karma, sila’y naniniwala.

Naniniwala sila sa pagmamahal, paggalang at pagrespeto sa lahat ng mga bagay namay buhay,
espiritu o kaluluwa. Naniniwala rin sila sa rein karnasyon nang namatay na katawan ng tao. Sila ay
nagsisikap at ito ay inaalay nila sa kanilang diyos anuman ang antas ng tao sa lipunan.

Buddhism

Si Sidharta Gautama ang tagapagtatay ng rlihiyong ito. Ang ibig- sabihin ng Buddhism ay
“kaliwanagan”. May dalawang uri ang Buddhism. Isa sa mga ito ay ang Mahayana Buddhism kung saan
ay itinuturing nila si Buddha bilang kanilang Diyos. At ang Theravada Buddhism naman ay kinikilanlan si
Buddha bilang guro at banal na tao.

Ang kanilang Apat na Dakilang Katotohanan ng Buddhism ay ang: Una, Ang buhay at pagdurusa
ay hindi pmapaghihiwalay. Pangalawa, Pagnanasa ang sanhi ng pagdurusa. Ikatlo, Mawawala lamang
ang pagdurusa kung aalisin ang pagnanasa. At ang ikaapat, Maaalis ang pagnanasa kung susunod saw
along landas at matatamo ang tunay na kaligayahan o nirvana.

Jainismo

Ayon sa Veda, ang tagapagtatag nito ay si Rsabha. Ang pinaka nagging pinuno ng Jainismo ay si
Mahavira o Vhardamana.

Ang mga taong may relihiyong Jainismo ay bawal kumain ng karne, bawal pumatay ng insekto,
bawal magnakaw, bawal magsinungaling, bawal magkaroon ng ari- arian at bawal ding makipagtalik. Sila
ay naniniwala sa karma. Dito, ay kailangan mong maging mapagtimpi at disiplinado. Kailangang igalang
ang anuman o sinuman na may buhay at bawal din sa kanila ang pananakit.

Sikhismo

Ang tagapagtatag nito ay si Guru Anak. Sinikap niyang pagbuklurin ang mga Muslim sa isang
kapatiran. Mayroon silang diyos na ang pangalan ay walang hanggang katotohanan. Sila ay naniniwala sa
reinkarnasyon. Ang nirvana ng mga Sikh ay makakamta sa pagsama ng indibiduwal sa kaniyang lumikha
sa kabilang buhay.

Judaismo
Ito ay isa sa mga pinakamatandang relihiyon sa daigdig. Sila ay naniniwala sa sistemang
monotheism kung saan sila ay naniniwala sa iisa lamang diyos. Ang Torah ay naglalaman ng limang aklat
ni Moses. Sila ay mayroong sampung utos na nagsisilbing gabay ng mga Hudyo sa wastong pagkilos at
pamumuhay.

Kristiyanismo

Ito ang relihiyon na mayroong pinakamalaking bilang. Ang relihiyong ito ay naayon sa turo ni
Kristo Hesus. Si Hesu Kristo ang ating tagapagligtas ayon sa luma at maging sa bagong tipan. Samantala,
ang Katolisismo ay isa sa mga pangunahing bumubuo ng Kristiyanismo na pinagtibay ng simbahang
Katoliko. Sila ay may paniniwala na iisa lamang ang Diyos Ama, Diyos Anak, at Diyos Espiritu Santo. Ang
pinakamataas sa simbahang katoliko ay ang Papa sa rome.

Islam

Ito ay ang pangalawa sa pinakamalaking relihiyon sa daigdig.. Ang salitang islam ay mula sa
salitang Arabic na salam na nangangahalugang kapayapaan. Si Muhammad ang kanilang propeta dito.
Ang kanilang banal na aklat ay tnatawag na Koran na naglalaman ng mga salita ni allah, ang kanilang
Diyos. Ipinagbabawal sa mga Muslim ang pagkain ng baboy at ang pag- inom ng alak. Ang lalaki na may
relihiyong iyo ay maaring magka-asawa ng apat o mahigit pa hanggang kaya niyang buhayin ang mga ito.
Nais nilang magkaroon ng kapayapaan, pagkawalang gulo, pluralism, at consultative system of
leadership.

Ang Limang Haligi ng Islam ay pundasyon ng relihiyon. Ito ay ang mga: Iman (Pananampalataya),
Salah (Pagdarasal), Zakah (Pag- aabuloy),Sawm (Pag- aayuno), Hajj (Paglalakbay).

Zoroastrianismo

Si Zoroastero ang nagpalaganap nang relihiyong ito noong ika anim na siglo. Ang kanilang katas-
taasang Diyos ay si Ahura Mazda. Samantala ang kanilang Diyablong Espiritu naman ay si Ahriman. Noon
ay nagging opisyal na relihiyon ito ng Persia. Mula rito ang maraming pangunahing doktrinang
pananampalataya, gaya ng diyos at diyablo, langit at impyerno, purgatoryo, kaluluwa ng tao, araw ng
paghuhukom at ang wakas ng mundo.

Shintoismo

Ito ang tawag sa paniniwala ng mga Hapones tungkol sa kanilang diyos araw at iba pang diyos ng
kalikasan. Kami ang tawag sa mga diyos na may kapangyarihang likas. Sila ay sumasamba sa kanilang
namatay na mga kamag- anak at mga ninuno. Malaking bilang nila ay makikita sa bansang Japan. Ang
apat na Pinaninindigan ng Shinto at ang Tradisyon at Pamilya, Pagmamahal sa Kalikasan, Kanilang
Kalikasan, Matsuro o pagpuri sa diyos at sa mga sinaunang espiritu. Sila ay naniniwala sa: Purification
kung san ay tinatanggal ang masamang espiritu sa katawan. Kami, banal na espiritu na lumalabas sa
anyo ng mga bagay. Aragami, isang masamang kami na pinatay at naghahanap ng paghihiganti. Mizuko,
ang batang hindi ipinanganak at nagging sanhi ng problema. Mizuko Kuyo, Ang pagsasamba sa mga
Mizuko upang maiwasan ang problema.

You might also like