You are on page 1of 1

Mga Pilosopiya sa Asya

Ang salitang pilosopiya ay nagmula sa salitang Griyego na philo na nagangahulugang


“pagmamahal” at Sophia na “karunungan”. Kung saan ang pilosopiya ay nagbibigay sa mga
katanungan ng sagot sa mga kaganapan dito sa ating daigdig.

Confucianism

Ito ay naitatag ni Confucius sa Shantung, China. Ang ilan sa kanyang mga sinulat ay ang
Five Classics at Food Books. Naniniwala siya na ang mabuting paraan ng pamumuhay ng isang
tao ay magdadala ng kapayapaan. Samantala, hindi siya naniniwala sa reinkarnasyon.

Taoism

Ito ay itinitag ni Lao Tzu kung saan siya ay nagtratrabaho sa Imperial Library.Siya ay
tagasunod ng tao na ang ibig- sabihin ay “ang daan”. Tao Teching ay kanyang ginawa bago
umalis sa Chou Empire.

Naniniwala siya sa Yin at Yang na nagsisimblo na sumisiblo sa pagkakaisa, Chi: Enerhiya na


naggaling sa kalikasan, Tao- puwersa sa likod ng kaayusan, Wu Wei: Hindi nakikitang
kapangyarihan, Pu: Lahat ng bagay ay nakikita, De: pagkakaroon ng birtud, moralidad at
integridad.

Legalismo

Nakasaan dito na mahalaga ang istriktong batas ng pamahalaan upang lahat ng tao ay
gumawa ng maayos at makamit ang kapayapaan. Batay rin naman dito ay ang sinumang lalabag
sa batas ay makakatikim ng mabigat na parusa.

Mga Kodigong Pangkababaihan

Kodigo ni Hammurabi

Sila ay may mababang pagtingin sa mga kababaihan. Bawat lalaki na may asawa ay
maaring magbenta ng kanyang anak at babaeng asawa. Samantala, kung makita naming
nakikipagtalik ang isang babaeng may asawa ay ipapatapon sila sa dagat hanggang malunod.
Mahigpit din ipinagbabawal ang paglahok ng babae sa kalakalan.

Kodigo ni Manu

Ang isang Brahmin ay hindi pinapayagang makipagtalik sa mababang uri ng babae dahil
mapupunta ito sa impyerno. Nakasaad rin dito na dapat ang agwat ng edad ng mag- asawa ay
tatlong beses ang tanda ng lalaki kaysa sa babae. Bawal rin ang pagtanggi ng ama sa
pagkikipgsundo. Kung hindi ay ipapalaglag ang sanggol ng anak ng amang tumanggi.

You might also like