You are on page 1of 2

AP Message Lilia H.

Jaime / Principal – Inspirational Message

Magandang araw sa inyong lahat! Nais kong ipabatid ang taos puso kong pasasalamat sa inyong walang
maliw sa pagsuporta sa pagpapatuloy ng edukasyon. Labis kong ikinararangal ang walang pagod na
pagseserbisyo ng mga kaguruan, partikular ang Kagawaran ng Araling Panlipunan sa paggawa ng
makahulugang programa upang itaguyod and kulturang Filipino.

Sa inyong mga mag aaral, wag nawa kayong tumigil sa paghahangad na mapalawig pa inyong mga galing
at dunong sa anumang aspeto ng inyong interes. Maraming Salamat din sa inyong mga magulang na
walang sawang sumusuporta at gumagabay sa inyong lahat.

Ang aking pagbati sa mga nagwagi sa mga patimpalak! Mabuhay po kayo!

Sa mga di pinalad, marami pa kayong pagkakataon na patunayan ang inyong galing, sapagkat sa
pagkatalo lalong nahuhubog ang ating galling.

Muli, magandang araw sa inyong lahat!

Jesusita Martin – AP Department Head -Opening Remarks

Isang mapagpalang araw po sa ating lahat. Ang Araw na ito ay araw ng pagkilala para sa mga mag-aaral
na angpakita ng talento at husay sa paglahok sa ibat ibang contest na isinagawa ngayon buwan ng
October sa Araling Panlipunan. Sa mga magulang na sumusuporta , gumagabay at nangangalaga sa
kanilang anak, Binabati ko po kayo.Sa mga mag-aaral na pararangalan ngayon, ang ibig sabihin ng araw
na ito ay mas dapat ninyong pagbutihin ang pag-aaral upang mapaunlad ang inyong talento.Nais ko ring
pasalamatan sa araw na ito ang mga guro sa Araling Panlipunan na walang sawang nagtuturo at
nagbabahagi ng kanialng buhay upang ang mga kabataan ay magtagumpay.Continue on sharing yourself
to the young minds. Congratulations sa ating mga masisipag na AP Club officers at sa ating mahusay na
AP club adviser na si Ginang Mary Grace Pascua.Mabuhay kayo dahil isa na naming Gawain ang
napagtagumpayan ninyo despite the pandemic. On behalf of Administration staff of Maysan NHS thru
the leadership of our kind principal, Mrs. Lilia H. Jaime, isang matagumpay na pagbati sa mga
nagsipagwagi . At nais kong iwan sa inyo ng mag-aaral na, Succeeding in life is as simple as being a good
student.

Muli, maraming Salamat sa inyong lahat.


Closing – Mary Grace Pascua- AP Club Adviser

Magandang Araw sa inyong lahat.

Ang aking taos pusong pasasalamat sa lahat ng nakilahok sa mga patimpalak na inilatag ng AP Club.
Layunin ng mga patimpalak na ito na gisingin ang diwa ng nasyonalismo sa bawat isa. At magsisimula
yan sa pagyakap sa ating ating kasaysayan. Kung mas marami kang alam sa nakalipas, mas
mapaghahandaan mo ang kinabukasan.

Sa mga opisyales ng AP Club, mga Tanglaw ng Kasaysayan, isang malugod na pagbati sa inyong lahat.
Hindi matatawaran ang dedikasyon ninyo upang magtagumpay ang ating programa.

Sa mga kasamahan ko sa Maysan NHS, ang pamunuan , lalong lalo na sa AP Department, maraming
Salamat.

Pagpalain nawa lagi tayo ng Panginoon.

Mabuhay ang Pilipinas, mabuhay ang ating Kasaysayan!

You might also like