You are on page 1of 3

EsP

Gawaing Pagkatuto sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) Grade 8

8
(Q1, Linggo 1, Modyul 2: Ang Pamilya Bilang Natural na Institusyon)

Pangalan : _______________________________ Grade & Section: ______________ Petsa: _______________

I. Panimulang konsepto:

Ang pamilya na itinuturing na pinakamaliit ngunit pinakamahalagang institusyon sa lipunan ay may


malaking tungkulin na dapat gampanan. Bilang munting paaralan ng buhay, ito ang siyang ugat at unang
gabay ng iyong pagkatao. Dito unang naranasan ang iba’tibang pagpapahalaga na maaaring magamit bilang
gabay sa iyong pakikipagkapuwa. Sa modyul na ito, masusuri mo naman ang kahalagahan ng
pagmamahalan, pagtutulungan, at pananampalataya na umiiral sa iyong pamilya.May malaking puwang sa
ating isip at puso ang ating pamilya.

II. Kasanayang Pampagkatuto:

1.2 Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya sa isang


pamilyang nakasama, naobserbahan o napanood.

III. Mga Gawain:

Gawain 1:
Panuto: Gumawa ng sariling pangungusap gamit ang mga sumusunod na salita. Iugnay ito sa
nangyayaring pandemya sa kasalukuyan, ang COVID-19.

SALITA PANGUNGUSAP
1. PAGMAMAHAL

2. PAGTUTULUNGAN

3. PANANAMPALATAYA

Sagutin ang mga tanong:

1. Umiiral ba ang pagmamahal, pagtutulungan at pananampalataya sa inyong pamilya?


Patunayan.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Gawain 2: PUZZLE UP!


Panuto: Suriin ang mga umiiral na pagpapahalaga sa pamilyang nakasama, naobserbahan o
napanood na nagpapakita ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya. Gumawa ng
plano kung paano mapapa-unlad ang mahalagang pagpapahalagang ito sa pamilya. Gamitin ang
kolum sa ibaba bilang gabay.

Mga Pagpapahalaga Dahilan kung bakit ito ay Dapat Gawin upang ito ay
mahalagang mapaunlad sa Maisasagawa o
pamilya Maisakatuparan sa Pamilya
1. PAGMAMAHAL

2. PAGTUTULUNGAN

3. PANANAMPALATAYA
IV. Pagpapalalim

Ang Pag-iral ng Pagmamahal, Pagtutulungan at Pananamplataya


sa Loob ng Pamilya

Ang pamilya bilang pundasyon ng lipunan ay may malaking gampanin na maging modelo sa mga
mahahalagang pagpapahalaga na dapat maitanim sa puso at isip ng kanilang mga anak. Sila ang
salamin ng mabubuting gawain na kailangang matutunan mo bilang anak tungo sa mabuting
pakikipagkapuwa. Ang mga pagpapapahalagang naitanim sa puso mo ng iyong mga magulang ang
magsisilbing gabay na maging maingat at maayos ka sa pagpapasiya sa araw-araw ng iyong buhay.
Ang mga pagpapahalagang ito na kailangang malinang saiyo ng iyong pamilya ay ang pagmamahal,
pagtutulungan at pananampalataya sa Diyos.

1. Pagmamahal. Sa pamilya, binibigyang-halaga ang kasapi dahil sa pagiging tao niya, hindi dahil
sa kaniyang kontribusyon o magagawa sa pamilya. Ang ugnayang dugo ang likas na dahilan
kung bakit itinuturing ang kapamilya bilang parang sarili (another self), may dignidad at may
karapatang mahalin dahil sa pagiging tao niya at hindi sa kung anong mayroon siya (halimbawa:
kapangyarihan, kagandahan, o talent). Umiiral sa pamilya ang pagmamahal na lubusan at
walang hinihintay na kapalit (radical and unconditional love). Kagaya ng isang sanggol na nasa
sinapupunan pa lamang ng ina ay minamahal ng kaniyang mga magulang kahit hindi pa nila
nakikita ang kaniyang anyo – ang mensahe ng pagmamahal na ipinararating sa pamamagitan ng
haplos, ang pag-aalaga sa kalusugan ng ina dahil alam na ito ay para rin sa kapakanan ng
batang nasa sinapupunan, at ang pagtitiis sa matinding kirot bunga ng panganganak dahil alam
na pagkatapos nito ay hindi maipaliwanag na kaligayahan dahil masisilayan na ang
pinakahihintay – lahat ito ay dahil sa pagmamahal na hindi nakabatay sa kaanyuan, katangian, at
kakayahan.

2. Pagtutulungan. Ang pagtutulungan ay natural ding dumadaloy sa pamilya sapagkat kaligayahan


ng bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya. Kilala ang mga Pilipino
sa pagkalinga sa kanilang mga anak. Palaging handang tumulong ang mga miyembro sa oras ng
pangangailangan ng bawat isa. Katulad ng ibang pagpapahalaga, itinuturo din ng magulang sa
anak na mula pa nang sila ay maliliit, sinasanay na sa paghahati-hati ng mga gawaing bahay,
binibigyan ng tungkulin ang mga mas nakatatandang kapatid sa kanilang nakababatang kapatid,
at nagtutulungan ang bawat isa sa kanilang mga takdang-aralin. Dito makikita kung gaano
kahalaga ang pagtutulungan sa pamilya.

3. Pananampalataya.Ang pagsasabuhay ng bawat miyembro ng pamilya ng mga aral at kautusan


ng kanilang pananampalataya ay lubhang mahalaga. Ito ang siyang magbubuklod sa kanila
upang sila ay maging buo at matatag. Sabi nga sa isang kasabihan, “Ang pamilyang nagsasama-
sama sa isang panalangin at pananampalataya ay manatiling magkakasama.” Marahil ito ang
dahilan kung bakit marami sa atin ang mas nanaising makasama sa buhay ang may kaparehong
pananampalataya. Ngunit kung minsan ay hindi nga lamang nangyayari ito sapagkat
makapangyarihan ang pag-ibig. Ganunpaman anoman ang uri ng relihiyon mayroon ang bawat
isa higit sa lahat ay may kinikilalang Diyos ang isang pamilya na maging sentro ng kanilang
buhay.

Sagutin ang mga tanong:

1. Bakit mahalaga ang pamilya sa isang indibidwal at maging sa isang lipunan?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Bakit mahalagang malinang sa isang pamilya ang pagmamahalan, pagtutulungan at


pananampalataya sa Maykapal? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Paano mo mapauunlad sa iyong sariling pamilya ang mga pagpapahalagang ito?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

You might also like