You are on page 1of 2

UGAT NG KASAYSAYAN

Kung ating itutuon muli ang ating mga mata, lilingon at manunumbalik muli sa
kasaysayan, masisilayan natin ang Pilipinas na natatakpan ng dalawang banderang
malayang iwinawagayway sa himpapawid. Ang mga Hapon at Amerikano’y itinuturing
ang ating bansa na para nga bang ito’y kanilang pag-aari. Hindi natin maipagkakailang
tunay na masalimuot ang mga napagdaanan ng sarili nating bansa, ng ating Wika at ng
ating mga kababayang Pilipino. Dumanak ang mga dugo, marami ang nahirapan,
nabalot sa takot at ang kanilang mga nasasaksihan noong mga panahong iyon ang
unti-unting kumikitil sa sarili nilang buhay. Maraming mga pangyayari at pagbabago ang
naganap at ginawa ng mga dayuhan upang maibaon sa hukay ang Wikang
Pambansang ating pinakaiingatan. Ginawa ng mga bayaning Pilipino ang lahat maging
ang pag-alay ng kanilang sariling buhay upang maipaglaban man lang ang ating
tinubuang lupa. Masasabi nating ang bawat isa sa ati’y ayaw ng balikan ang
kasaysayang nagsilbing isang bangungot sa mga Pilipino noong mga nagdaang taon.
Gayon pa man, nais kitang tanungin, ‘Kung nakikita mong nababaon muli sa lupa ang
ating wikang kinagisnan at namamatay na ang sarili mong bayan, handa ka bang
lumikha muli ng kasaysayan?’
Taong 1898, nang lumapag ang mga Amerikano sa ating bansa. Ang naging
pinakamahalagang impluwensiya ng mga ito ay ang pagtatayo ng mga pampublikong
paaralan na kung saan, ang Wikang Ingles ang ginamit nila bilang wikang panturo.
Maraming mga Pilipino ang naging sabik sa edukasyon at nagdagsaan sa mga bagong
bukas na paaralan upang makakuha ng karunungan, bagay na ipinagkait ng mga
Espanyol sa kanila. Naging paksa nila sa mga talakayan ang ukol sa kasaysayan,
kultura,ekonomiya at pulitika ng Amerika at ang mga Thomasites ang kanilang unang
naging guro. Naging daan ang mga ito upang lubos na maintindihan ng mga Pilipino
ang ibig sabihin at tunay na kahulugan ng demokrasya, Ingles at ang kulturang
Amerikano. Dahil sa kanilang pananakop, natutunan din ng ating mga kababayan ang
pagsusulat at pagsasalita sa Wikang Ingles. Natutunan din nila ang pagiging kasarinlan
at nilikha ang unang “Civil Government” ng Pilipinas, patunay na ang mga kababayan
natin noon ay may kakayahang magtayo ng sariling konseho at gobyerno. Naitakda rin
ang Preamble of Jones Law noong 1916 ang kalayaan ng Pilipinas kapag mayroon
nang matatag na anyo ng pamahalaan. Noong mga panahong ito, tuluyang nanamlay
ang Wikang Kastila dahil sa pagpasok ng mga bagong opisyal na wika, ang Ingles at
Filipino. Kung kaya’t, napadali ang daloy ng kaisipan at kaunlaran at ang epekto ng
impluwensiyang pagkalinangan ay makapagpapatighaw sa kalooban ng mga Pilipino
upang kalabanin ang bagong kapangyarihang kolonya. Sa pamumuno ng mga
Amerikano sa ating bansa, maraming mga batas ang naitakda. Taong 1901, itinakda
nila ang batas 74 na kung saan ang itinakda ng Philippine Comission ang Wikang
Ingles bilang opisyal na wika ng Pilipinas at gagamitin ito bilang wikang panturo sa mga
paaralan. Samantala, sa taong 1925, ay ang Monroe Educational Survey Commission
na kung saan, sa pag-aaral na ito ay napatunayan ng mga Amerikano na hindi
matagumpay ang pagkatuto ng mga Pilipino gamit ang wikang Ingles. Panghuli, taong
1931, iminungkahi ni Butte na gamitin ang mga wikang bernakular na midyum ng
pagtuturo. Makikita sa mga pangyayaring ito kung papaano naghari-harian at pilit na
binura ng mga Amerikano sa mga kaisipan ng inosenteng Pilipino ang kanilang wika’t
kultura.

Sa kabilang dako, sa pagsiklab ng pangalawang digmaang pandaigdig kung


saan hindi pa lubusang nagtatagal ang paggamit ng Wikang Pambansa bilang midyum
sa pagtuturo sa mga paaralan ay sunod na dumating sa kapuluan ng Pilipinas ang mga
Hapon. Itinaboy nila ang Wikang Ingles at sapilitang ipinaturo ang Wikang Pambansa
maging ang Niponggo. Naging maunlad at maligaya ang pagpapaunlad ng Wikang
Pambansa. Sa panahong ito, umunlad nang malaki ang panitikang Pilipino dahil naging
malaya sila sa pagsusulat ng mga panitikan na tinataglay ang kani-kanilang kultura,
tradisyon, paniniwala at kaugalian. Mas lumawak pa ang paggamit ng Wikang Filipino
sa iba’t ibang larangan kaya, tinagurian ang panahong ito bilang gintong panahon.
Ngunit, pagkatapos ng mga kawili-kawiling pangyayaring ito,tuluyang nawala ang
kainitan ng panitikang Pilipino at biglang nanlamig dahil sa pagdating ng mga Hapones.
Pagkaraan ng Hulyo 4, 1946, noong nagkaroon tayo ng kalayaan, ang suliranin tungkol
sa paggamit ng Wikang Pambansa at Wikang Ingles ay hindi na gaanong pinapansin
dahil sa mga suliraning pang-ekonomiya na dapat munang asikasuhin lalo na at
katatapos pa lamang ng ikalawang digmaang pandaigdig. Ang kalayaan sa pagsusulat
ng mga panitikan ay nahalinhan ng takot dahil sa kalupitan ng mga Hapones. Nais
nilang masiguro ang kanilang kaligtasan, takot na baka ang tintang gagamitin nila sa
kanilang pagsusulat ay ang sarili nilang dugo. Taong 1942, ibinaba nila ang Order
Militar Blg. 13 na nagdedeklara na ang Wikang Hapon at Tagalog bilang mga opisyal na
mga wika ng Pilipinas. Lumabas din ang Batas ng Komonwelt Blg. 570 na
nagtatadhana na ang Wikang Pambansa ay maging isa sa mga wikang opisyal ng
Pilipinas. Nagsara ang mga palimbagan maging Ingles o Tagalog. Subalit, laking
pasasalamat na sa pagkalipas ng ilang buwan, pagkatapos pumasok ng mga Hapones
pinahintulutan ding buksan muli ang lingguhang magasing Liwayway sa pangangasiwa
ni Kin-ichi Ishikawa, isang Hapones na may malawak na kabatiran sa layunin at
tunguhin sa panitikan. Sumunod na ring binuksan ang pahayagang Taliba sa labis na
kagalakan ng mga manunulat. Ang panulaan sa anyong ito ay nagkaroon ng
karagdagang anyo, ang malayang taludturan o free verse. Lumabas rin ang ilang tulang
Tagalog na nahahawig sa haiku ng mga Hapones. Umunlad ang wikang Filipino sa
panahaong ito dahil napilitan ang mga manunulat lalo na iyong nagsusulat dati sa
Ingles, na magsulat sa Filipino dahil nga ipinagbawal ng mga Hapones ang paggamit ng
Wikang Ingles. Makikita natin sa panahong ito ang pag-unlad ng Wikang Filipino ngunit,
pansin din natin na ang bawat galaw at desisyon ng mga kababayan nating Pilipino ukol
sa wika’t pamumuhay ay higit pa ring nakasalalay sa malupit na kamay ng mga
Hapones.

Ang Wikang Filipino’y hinubog at pinatatag ng mga nagdaang panahon. Dumaan


ito sa napakaraming pagsubok at kadiliman ngunit, hindi ito nagpatibag at nanatiling
matatag at patuloy na lumiliwanag sa paglipas ng mga araw. Ang ating wika’y hindi
kailanman nawala sa ating kasaysayan bagkus, ito mismo ang lumikha sa kasaysayang
ubod ng ganda at maipagmamalaki natin sa iba’t ibang sulok ng mundo. Ito ang wikang
nabuhay at nanatili sa kaibuturan ng ating puso’t isipan kahit gaano pa man ang
pagpapahihirap at pang-aaping ipinaranas sa atin ng mga banyaga. Marami ang
nagbuwis ng buhay, nag-alay ng dugo, pawis, buong tapang at lakas makamit lamang
natin ang kalayaan at ang pagbubukang liwayway na nais nating masilayan. Ngayon na
ang Pilipinas ay ganap nang malaya, gawin natin ang lahat upang ang ating wika’y
mapagyabong, mapagyaman at maipagmalaki. Ang kasaysayan ng wika’y nasa kamay
ng kaniyang mga mamamayan at taong gumagamit nito. Nasa sa atin kung papaano
natin ito gagawing makabuluhan at kung papaano natin ito itatatak sa marami. Kaya
ikaw, kung tatanungin kita, ‘Bilang isang Pilipino, handa ka na bang lumikha muli ng
kasaysayan?’

You might also like