You are on page 1of 4

KOMFIL REVIEWER

Tiyak na Sitwasyong Pangkomunikasyon – tumutukoy sa mga sitwasyon na kung saan


mayroong komunikasyon na nagaganap. Ito ay maaaring isang forum/lecture na mas maraming
tao. Dito nagaganap ang palitan ng impormasyon.

Intrapersonal na Komunikasyon – uri ng komunikasyon na nagaganap sa loob lamang ng


isipan ng isang tao, na nagdidikta ng kaniyang magiging tugon sa mga pangyayari sa paligid.

Interpersnal na Komunikasyon – uri ng komunikasyon na ginagamit na pakikipag-ugnayan ng


mga tao sa kanilang kapwa.

Pangkatang Komunikasyon – ugnayan sa pagitan ng tatlo o mas marami pang tao na may
iisang layunin.

Pampublikong Komunikasyon – nakapokus sa tagapagpadala ng mensahe kaysa tumatanggap.

Forum – isang pagtitipon o asembliya na bukas para sa publiko upang magkaroon ng diskusyon.
Nilalayon ng forum na maging bahagi ang awdyens sa talakayan.

Apat na Uri ng Wika at Salitain – Balbal, Lalawiganin, Pambansa, Pampanitikan

Lektyur – isang pang-edukasyonal na pagsasalita sa harap ng awdyens lalo’t higit sa mga mag-
aaral sa antas kolehiyo. Naglalayon na makapagturo ng isang ideya sa tao. Layunin nitong
magturo o magbigay impormasyon hinggil sa isang paksa.

- Espesyal na anyong komunikasyon kung saan ang boses, ekspresyon ng mukha at


pagtingin ng mata ay makatutulong o makasasagabal sa nilalaman ng presentasyon.

- nagbibigay ng orihinal na ideya at mga pagtuturo na nagmula sa Material na nakikita sa


libro.

Ginagamit ang lektyur upang:

▫ Makapagpakilala ng bagong asignatura

▫ Makapagbuod ng isang tinalakay na usapin

▫ Maiugnay ang mga teorya sa aktwal na gawain

Impormal na Talakayan – Malayang pagpapalitan ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa at


walang pormal na mga hakbang na sinusunod. Ito ay binubuo ng lima hanggang sampung tao.

Pormal na Talakayan – Nakabatay sa tiyak na mga hakbang. Nakahanda ang mga ito sa
kanilang paglalahad, pagmamatuwid o pagbibigay ng kuru-kuro.
Mga Disbentaheng Lektyur – Dapat magaling ang lektyurer at dapat makuha niya ang loob, isip
at atensyon ng kanyang klase. Kailangan niyang maintindihan ang kanyang mga estudyante
upang sila ay makinig. Kailangan ring mataas ang pinag-aralan at alam ng lektyurer ang
kanyang mga sinasabi.

Katangian ng Lektyurer – May interes sa kapaligiran, May angking kasanayan, May pulso sa
publiko, May ganap na kaalaman sa paksa, May pakiramdam at pandama sa palapatawa.

Seminar – Ang tagalog ay BINHISIPAN. Ang salitang ito ay galing sa 2 salitang BINHI at
ISIPAN.

» Binhi - buto ng itinatanim at kailangan mong alagaan upang ito'y lumaki at mamunga.

» Isipan - ang parte ng katawan ng tao na ginagamit upang tayo ay makapag-isip ng tama at
makapag desisyon.

Research Seminar – isang seminar sa pagsasaliksik ng isang hanay ng mga koordinasyong


pang-akademikong sesyon at aktibidad.

Seminar – isang interactive na paraan ng pagtuturo na kung saan ang lahat ng tao sa seminar ay
hinihiling na makilahok.

Workshop/Pagsasanay – pagtuturo o pagpapabuti sa sarili o sa iba, ang anumang kakayahan at


kaalaman na may kaugnayan sa mga partikular na kapaki-pakinabang na kakayahan.

- layuning pag-ibayuhin ang kakayahan, kapasidad, pagkaproduktibo at ang kabuuhang


kagalingan.

General workshop – ibinibigay sa magkakaibang partisipant.

Closed workshop – inihanda batay sa pangangailangan ng espisipikong pangkat ng tao.

MGA HAKBANG SA PAGSASANAY

 Pagpaplano – kabilang na rito ang paksa, partisipant, bilang ng partisipant, oras na laan,
mga gawaing nakahanda, mga kagamitan at presentasyon.
 Paghahanda – kabilang na ang lugar ng pagdarausan, kagamitan na kailangan sa aktwal
na workshop, pagkain para sa partisipant at tagapagsanay, dokumentasyon at ebalwasyon.
 Implementasyon – na binubuo ng panimula, nilalaman at wakas.

Symposium – pormal na pagtitipon sa isang setting ng akademiko kung saan ang mga kalahok
ay eksperto sa kanilang larangan. Ito ay naghahatid o nagpapabatid ng kanilang mga opinyon o
pananaw sa isang napiling paksa ng talakayan.
Kumperensya – nagmula sa salitang medyebal Latin conferentia na nangangahulugang pulong,
paghaharap o debate. Ito ay tumutukoy sa isang pormal na pagpupulong kung saan ipinapalit ng
mga kalahok ang kanilang mga pananaw sa iba’t ibang mga paksa.

 Sa isang symposium, ang mga eksperto ay nagbibigay ng mga lektura sa iisang paksa
samantalang sa isang kumperensya, mayroong isang talakayan sa ilang mga paksa.

Round Table – isang maliit na pangkat na nag-uusap-usap para sa isang gawain na nararapat
matapos sa madaling panahon. 10-12 katao

Small Group – ang bawat kalahok ay nakakapagbahagi ng kanilang mga saloobin at ideya sa
isang itinakdang panahon ng pagpapalitan ng mga kuro-kuro.

Pagpupulong – isang gawain kung saan ang mga grupo ng tao ay nagtitipon sa isang lugar sa
takdang oras upang magusap tungkol sa mga bagay bagay.

Ang pagoorganisa ng pulong ay mahalaga upang ito ay maging epektibo at mabisa.

4 na Elemento ng Organisadong Pulong

Pagpaplano – magsisilbing balangkas sa gawain

Agenda – galling sa salitang Latin na ‘agendum’ na nangangahulugang “to do” o mga dapat
gawin.

Paghahanda – paghahanda ng lugar at kagamitan

MAHALAGANG PAPEL SA PULONG

Tagapangulo – facilitator o tagapatnubay o meeting leader.

Kalihim – recorder o tagatala

Mga Kasapi sa Pulong

Pagpoproseso – ang pulong ay dapat mayroong patakaran, hakbang, at pagkakasunod-sunod

Pagtatala – ang tala ay tinatawag na katitikan

Katitikan ng Pulong – opisyal na tala ng isang pulong na kalimitang isinasagawa ng pormal,


obhetibo, at komprehensibo.

Pasalitang Pag-uulat – pagpapahayag ng isang paksa sa harap ng mga tao, maliit o malaking
grupo.

Ang layunin ng Komunikasyon ay makapagbigay ng maganda at maayos na pakikipag-usap ng


dalawa o higit pang tao na nagbibigay ng tamang impormasyon.
Maliit na Pangkat – binubuo ng tagapagulat/tagapagsalita at iilang miyembro

Malaking Pangkat – madaming tagapakinig

MGA HAKBANG SA PASALITANG PAG-UULAT

 Pagpaplano
 Pagsasanay ng Presentasyon
 Pagpapahayag ng ulat

You might also like