You are on page 1of 4

Colegio de San Francisco Javier, Inc.

School ID: 404698


Palompon, Leyte
S. Y. 2021 – 2022

JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

PAGSUSULIT SA MGA KASANAYAN


sa
Filipino 10 (Unang Kwarter)

Pangalan: _______________________ Antas at Seksyon: _________________


Guro: Maria Angelita B. Miramon Petsa: ____________ Iskor: _________

I. PAGPIPILI
Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem. Isulat lamang ang titk o letra ng
mapipili mong sagot sa patlang bago ang bawat bilang.

______1. Siya ang kaibigan ni Achilles na nagpanggap bilang siya upang ipagtanggol ang taga-Achea.
a. Thetis b. Menoetius c. Patroclus d. Hector

______2. Ito ang dahilan kung bakit ipinasuot ni Achilles ang kanyang kalasag sa kanyang matalik na kaibigan.
a. Ito ay nagsisilbing regalo ni Achilles sa kaibigan.
b. Upang magbalat-kayo ang kanyang kaibigan sa mga taga-Troya.
c. Upang proteksyonan ang kanyang kaibigan sa paparating na labanan ng Olympia.
d. Dahil may kapangyarihan ang kanyang kalasag.

______3. Ito ay kinikilalang Holy Land o Banal na Lupain ng mga Kristiyano maging ng mga Hudyo, Muslim at mga Baha’i.
a. Egypt b. Israel c. Greece d. Saudi Arabia

______4. Ang Kasalan ng mga Hudyo ay karaniwang nangyayari o ginaganap sa ______,


a. Hatinggabi b. Umaga c. Hapon d, Gabi

______5. Ito ay bahagi ng pananalitang Filipino na tumutukoy ng kilos at gawi.


a. Pang-abay b. Pangngalan c. Pandiwa d. Pang-ukol

______6. Ito ay galing sa salitang Latin na myhos at mula sa Griyego na muthos na ang kahulugan ay kuwento
a. Mitolohiya b. Parabula c. Mito d. Maikling kuwento

______7. Ang lahat ng lungsod na ito ay napasyalan ni Rebecca sa kanyang pamamalagi sa Espanya maliban
sa isa.
a. Barcelona b. Madrid c. Toledo d. Salamanca

______8. Siya ay kilala bilang makapangyarihang diyos ng mga Tagalog.


a. Liddum b. Bathala c. Gurugang d. Diwata

______9. Ito ay uri ng pakikipagtalastasan ng karaniwang nasagawa nang harapan, sa telepono, sa pamamagitan
ng makabagong aplikasyon ng teknolohiya tulad ng face time, Skype at iba pa.
a. Pakikipag-usap b. Berbal c. Pasulat d. Di-berbal

______10. Ang tawag sa panandaliang pagtulog o pagpapahinga pagkatapos kumain.


a. Coffee break b. Lunch break c. Siesta d. Syte

______11. Ang tawag sa tulang pasalaysay na naglalahad ng kabayanihan at pakikipagsapalaran ng


pangunahing tauhan.
a. Tula b. Epiko c. Parabula d. Sanaysay

______12. Siya ay kinikilala na Hari ng Uruk.


a. Homer b. Gilgamesh c. Virgil d. Enkido

______13. Ang kauna unahang epiko ng mga Ingles.


a. Gilgamesh b. Homer c. Heliad d. Beowulf
______14. Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng Epiko, maliban sa;
a. Umaaliw sa komunidad ng kapuri-puring gawain ng kanilang mga ninuno
b. Naghahatid sa mga kaugalian at paniniwala ng mga nakaraang henerasyon
c. Upang maiparating ang mabuting balita at magandang mensahe ng Maykapal
d. Naghahatid ng alaala ng mga ninuno

______15. Ang elemento ng epiko na binubuo ng simula, saglit na kasiglahan, kasukdulan, kalakasan at wakas.
a. Banghay b. Tugma c. Saknong d. Sukat at Indayog

II. AYDENTIPIKASYON
A. Panuto: Tukuyin kung anong saklaw ng di-berbal na komunikasyon ang hinihingi sa bawat bilang. Isulat sa
inilaang patlang ang tamanag sagot.

_________________1. Nagtataglay ng mensahe ng oras.


_________________2. Nagpapahiwatig ng mensahe gamit ang amoy.
_________________3. Nagtataglay ng mensahe gamit ang iba’t ibang kulay.
_________________4. Naghahatid ng mensahe gamit ang amoy.
_________________5. Paggamit ng mga simbolo o larawan.

B. Panuto: Ibuod ang nabasang Parabula sa Modyul 2 “Ang Parabula ng Sampung Dalaga”. Gamitin ang
angkop na mga salita sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayaring nasa kahon.

Sa huli Una
Sumusunod
Pagkatapos Sa kabilang banda

1.

2.

4.

5.
III. OPINYON
1. Dahil sa Pandemya, nasusubukan ang pagkakaisa ng mga mag-aaral sa pagsagot ng kanilang Learning
Modules. May iba ay nagkokopyahan, mayroon namang mga mag-aaral na pilit na nagsusumikap upang
matuto. Dapat bang magalit ang guro kung nabasa niya ang mga kinopyang sagot ng mga mag-aaral?
Ano ang opinion mo sa ganitong scenario?

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

“Ang may malinis na kalooban ay walang kinakatakutan”

__________________________ ___________________________
Pangalan at Lagda ng Mag-aaral Pangalan at Lagda ng Magulang

Inihanda ni: Isinuri ni:


Maria Angelita B. Miramon Roderick Alterado
Guro sa Filipino 10 Baitang 10 - Team Leader

You might also like