You are on page 1of 3

Araw- araw sa balita’y maririnig,

Siguro pagod ka na rin kapatid,

Mga luhang tumutulo sa mga mata,

Mga iyak, hiyaw at sigaw

Kamay na itinataas,

Humihingi ng saklolo,

Pero walang nakakarinig..

Mga kinakaukula’y hindi bingi pero ayaw makinig,

Pandemya, bagyo, lindol at iba pa

Sunod-sunod na sakuna tila ba’y di na alintana

Paulit-ulit na hinagpis, napakasakit

Nakakapagod, nakakapanlumo, nakakapanghina

Mapakinggan sa balita

Kabuhayan pininsala ng bagyo

Si lolo nasa tuktok ng yero

Si lola lumikas dahil bulkan nagaalburoto

Isang batang kanina lang ay nanghihina

Kinabukasa’y pumanaw na

Mga balitang nagmistula ng musika

Sa sobrang lakas ng katotohanan

Lahat ay nabibingi na

Kailan pa ba tayo tayo magtitiis

Sa mga patong-patong na hinagpis

Kailan ba mapapakinggan,

Sa panahon ba ng botohan?

Kaya ikaw, oo ikaw!

Kailanga’y sakuna ay paghandaan

Nasa paaralan o tahanan, dapat itoy malaman


Sa pagyanig ng lupa,

Duck, cover and hold dapat isagawa

Pagkatapos ng pagyanig ang gusali ay lisanin

Pumunta sa malawak na lugar

Kumalma at manalangin

Sa panahon ng bagyo,

Makinig sa TV at radyo

Ihanda ang pagkain, kaligtasan tiyakin

Emergency lights, cellphone at salbabida

Pangunahing pangangailangan dapat ihanda

Ngayong panahon ng pandemya,

Mga itoy dapat isagawa,

Magsuot ng face mask

Maghugas ng kamay

At dumistansya

Dahil bakunay nariyan na,

Aba kapatid tayoy magpaturok na.

Sigalot na dulot ng COVID 19

Atin ng puksain

Kapatid dahil itoy iyong naririnig

Halinat tumindig

Kamay na humihingi ng saklolo

Boses na sumisigaw, humiyaw

Ikaw rin ang makapagliligtas

You might also like