Sanaysay

You might also like

You are on page 1of 1

Wika: Ugat ng Karunungan at Kultura ng Bayan

Lahat ng bansa ay nakikilala sa wika nitong ginagamit. Ang wika ay ang pinakamahalagang
kasangkapan ng tao sa pakikipagtalastasan. Iba’t ibang wika ang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon,
pakikipag-ugnayan at pagpapahayag. May sarili itong pagkakakilanlan, ang iba ay mahirap bigkasin at
mahirap unawain. Iisa lamang ang layunin nito, ang wika ay dapat siyang pagmulan ng karunungan at
kultura ng isang bayan.
Ang wika ay maaaring gamitin sa iba’t ibang paraan ng karunungan. Kung walang wika
mahihirapan magkaintindihan ang mga mamamayan at walang kapayapaan ang bayan. Ito ay
nagsisilbing instrumento sa pagkakaroon ng epektibong komunikasyon at pundasyon ng mabuting
pakikipagtalastasan. Sumisimbolo sa mga bagay na nagbibigay ng kahulugan, interpretasyon at
kabuluhan sa pamamagitan ng mga salita na ating nakikita, naririnig at nababasa.
Ito ay nagiging instrumento ng mabuting pakikipagkapwa-tao sapagkat sa ating pagsasalita,
naihahatid ang tunay na diwa ng tao patungo sa isa’t isa, at pagbuklod-buklod ng iisang lengguwahe ng
kabutihan at kagandahang-asal. Wikang naging instrumento sa pagkakaroon ng magandang edukasyon
at mabisang komunikasyon. Sumasalamin ito sa sariling kultura na nagpapaunlad sa ekonomiya ng
bansa. Nagkakaroon ng pagkakaintindihan dahil sa mainam na komunikasyon at sa ating pagsanay sa
pakikipag-usap, nahuhubog din ang pagkatao, hindi lang ang gramatika.
Kasabay ng pag-unlad ng kultura ng bayan ang pag-unlad ng kaniyang mamamayan. Tugon sa
pag-unlad at pagbabago sa bawat sulok ng mundo ang pagyakap at pakikipagsabayan sa agos na ito.
Ang pagpapalit anyo mula sa makalumang salita hanggang sa kasalukuyan upang maipabatid ang
kayamanang angkin ng isang wika. Ang wika ay ang tulay na nagsisilbing daan upang makamit ng
bawat isa ang tunay na kahalagahan ng ating wika. Ang wika ay dapat palawakin at bigyang pansin
simula sa mga bagong salita, ito man ay sa pamamagitan ng pagbigkas, simbolo, at tunog.
Patuloy na manaliksik dahil ang wika ay hindi nawawala at kailanman mamatay, hangga’t may
gumagamit ng wika mananaliti itong buhay sa bawat puso’t isipan ng mga mamamayan. Ang wika ay
karapat-dapat na gamitin sa tamang paraan at gawing inspirasyon ang bawat wikang nalalaman sapagkat
ito ang hagdan tungo sa mas malawak na kaisipan at kaunlaran ng bayang sinilangan. Ang wika ay
tumutulong na mapanatili ang mga damdamin ng kultura, sining at pagkabansa ng isang bayan.
Pahalagahan ang wikang kinagisnan dahil ito ang ugat ng malawak na karunungan at kultura ng
bayan. Ipagbunyi ang bawat salitang nalalaman at bigyang buhay ang bawat wikang nananalaytay sa
ugat ng puso’t isipan. Higit sa lahat, wika pa rin ang pinakamahalagang sangkap sa anumang paraan ng
mabisang pakikipagtalastasan at komunikasyon. Huwag magsasawang manaliksik sapagkat ang ating
wika ay dapat aralin, mahalin, at pagyabungin.

You might also like