You are on page 1of 4

KONSEPTONG PAPEL

Ipinasa ni: Estrada, Ronna Mae P.

Melisse Rana N. Fallore

Ipinasa Kay: Ginang Judi Rosas

KAHALAGAHAN NG MGA MAKABAGONG TEKNOLOHIYA SA PAGKATUTO NG


MGA MAG-AARAL NG ACLC COLLEGE OF ORMOC
Ang edukasyon ay lubhang napakahalaga sa atin dahil Isa ito sa mga susi para mag tagumpay
Ang Isang indibidwal ngunit meron paring mga nagiging hadlang para ito ay makamit gaya ng
kinakaharap nating pandemya. Naging malaking bagay ang pag-usbong nang mga
makabagong teknolohiya sa atin sapagkat nakakatulong ito upang mas mapadali ang mga
bagay bagay lalo na at pandemya na ang kinakaharap natin dahil limitado lang ang
nakakapag-aral, dahil sa mga bagong batas na ipinapatupad. Sa pag-usbong ng mga
makabagong teknolohiya ay nakakatulong ito upang hindi maging hadlang ang pandemya sa
mga mag-aaral dahil sa patuloy -tuloy na pagka embento ng mga dalubhasa naging
makabuluhan ito at nagagamit na ngayon upang makapag-aral dahil meron ng paaralan tulad
ng ACLC College of Ormoc na Sinusulong ang ganitong programa na tinatawag na Online
Education(OED)sa paraang ito ay nakakapag-aral paring mabuti ang karamihan dahil nga ito sa
mga makabagong teknolohiya gaya ng Google classroom at Google meet sa pamamagitan nito
ay mas naging ligtas Ang mga mag-aaral at guro sa kinakaharap natin ngayong pandemya.
Hindi na natin kailangan na dumayo pa sa paaralan upang mag-aaral dahil sa pamamagitan ng
online class ay nakakapag-aral panamn din Ang mga mag-aaral. hindi lang paaralan ang
nakikinabang nitong mga makabagong teknolohiya dahil mismo Ang mag nagwowork from
home din ay napakalaking bagay na ito sa kanila.

RASYONAL:

Napakahalaga ng pag gamit ng makabagong teknolohiya sa panahon ngayon dahil hindi lang
edukasyon ang naidudulot nito dahil meron ding ginagamit ito upang kumita tulad ng
Computer Shop sa patuloy namang pag-usbong nito ay nagamit narin ito sa ACLC College of
Ormoc upang makapag patuloy paring Ang paaralang ito sa Kanilang pagtuturo dahil
napapagaan din ng mga guro ang Kanilang ginagawa dahil noong Hindi pa lubos itong
pinapakinabangan ng mga guro ay napakadami nilang ginagawa upang

makapagturo subalit ngayon ay lubos na itong pinakikinabangan at Hindi na kailangan ng


ibang guro na pumunta ng ibang paaralan para magturo dahil nagagawa na nila ito ngayon
gamit Ang makabagong teknolohiya na nasa Kanilang mga tahanan lamang.
LAYUNIN:

Nais ng paaralan ng ACLC College of Ormoc na Hindi mahadlangan Ang Kanilang mga
ginagawang pagtuturo dahil para din ito sa Kanilang mga mag-aaral kaya nagsulong Ang ACLC
College of Ormoc ng programa na tinatawag na Online Education (OED) sa paraang ito ay
makakapagturo parin ang mga guro kahit na may nagaganap na pandemya, dahil maaari na
silang magturo kahit nasa tahanan lang ito nais rin ng paaralan na gawing magaan ang
gagawin ng mga guro gayundin ang mga mag-aaral para may matutunan parin Ang mga mag-
aaral kahit Sila ay nasa bahay lang.

METODOLOHIYA

Ayon sa aming mga isinagawang pag oobserba sa ginagawang programa ng paaralang ACLC
College of Ormoc na OED, Google classroom at Google meet ay napakaepektibo nito Lalo nat
ngayong may pandemya. Dahil mas marami silang napapag-aral kumpara noong Face to face
pa ay ngmaraming mga studyanteng Hindi makakapasok dahil sa mga transportasyon,
kawalan ng Pera pang bili ng pagkain at iba pa ngunit sa pamamagitan ng online class ay
marami ng mga studyanteng nag-aaral dahil nasa bahalay lamang Sila at mas nakakatipid pa
ito Kaysa sa FtoF na klase. Base namn sa aming ginawang panayam sa social media tungkol sa
pag gamit ng makabagong teknolohiya ng ACLC College of Ormoc para makapagturo ay
maraming nag sasabi na napakaepekto ng ginawang programa ng paaralang ACLC dahil mas
napapadali at napapagaan nito Ang pagtuturo at pag-aarala, at salahat ng paaralan Dito sa
Ormoc city ay Ang ACLC College of Ormoc lang Ang mayroong ganung Sistema kaya
napakalaking tulong ito sa mga mag-aaral na gustong mag-aral na nasa Kanilang tahanan
lamang para iwas covid-19 .

INAASAHANG BUNGA:

Ang inaasahang bunga ng ginawang pagtuturo ng ACLC College of Ormoc sa pag gamit ng
makabagong teknolohiya ay mas mapagaan at mapadali Ang pagtuturo at pag-aaral ng
lalahok sa Kanilang programa na OED. Maasahan ng paaralang ito na mas madami Ang
Kanilang mapag-aral dahil sa pag gamit ng mga modernong teknolohiya at mapagaan Ang
trabaho ng Kanilang mga guro sa pagtuturo.

You might also like