You are on page 1of 3

6

KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ayon kay Ethan Jakob B. Gaa sa kanyang artikulo na may pamagat na English Speaking

sa mga Paaralan noong 2016, halos lahat ng paaralan sa Pilipinas ay sinusunod na ang English

speaking policy. Ngunit ito ba ay nakakatulong talaga sa mga estudyante ng mga paaralan? Ang

ating sariling wika ay nawawala na sa bawa’t oras na wikang Ingles ang pinapaunlad ng lahat ng

paaralan sa Pilipinas. Sa labas o loob ng classroom ay nangangailangan na ang bawat estudyante

ay magsalita ngw wikang Inges upang masanay na sila. Totoong mayroon ngang magagandang

maidudulot ang pagiging sanay sa pagsasalita ng wikang Ingles. Ang English speaking policy ay

isang magandang pagsasanay para mapaunlad ang kagalingan ng mga estudyante sa pakikipag

komunikasyon gamit ang Ingles sa iba’t ibang industriya at ekonomiya.

Sa kabila ng lahat ng magagandang kalamangan ng English speaking policy, paano na

kaya ang ating tunay na wika? Ang ating wika na Filipino ay nagsisimula ng mawala dahil sa

pag pokus ng iba’t ibang paaralan ng Pilipinas sa English speaking policy. Nagsisimula ng

mawala ang pagkakakilanlan nating mga Pilipino at ito ang nagiging dahilan kung bakit nasisira

ang pamana sa atin ng ating mga ninuno. May naitutulong nga ang English speaking policy pero

dapat ito ay sa loob lang ng silid-aralan sinasanay at hindi sa buong lugar ng eskwelahan.

Hayaan dapat ang mga estudyante na magkaroon ng kalayaan upang makapag salita ng gusto

nilang wika at kung saang wika sila sanay. Ang pagpilit ng mga paaralan sa kanilang mga

estudyante na mag salita ng wikang Ingles ay ang magiging dahilan kung bakit hihina ang

pagmamahal ng mga Pilipino sa bagong henerasyon sa Pilipinas.

Ayon sa isinagawang interbyu ni Mark J. Ubalde ng GMANews.TV noong 2014, lalong

paiigtingin ng Kagawaran ng Edukasyon ang mga hakbang upang pataasin ang English
7

Proficiency ng mga mag aaaral sa taong 2014. Ayon kay Education Secretary, Jesli Lapus,

“Despite the improving National Achievement Test or NAT results in English among the

students, we believe that we have to push even further to sustain their improving performance,”

sinasabi ni Lapus sa isang pahayag. Ayon kay Lapus, pagtutuunan ng pansin ng kanyang

departamento ang mga paaralang nakapagtala ng mababang antas ng kasanayan sa Ingles batay

sa resulta ng 2000 NAT. Sinusukat ng NAT ang naiintindihan at kasanayan ng mga mag aaral sa

Matematika, Agham, Ingles at Hekasi. Sinasabi ni Lapus na mahalaga ang kahusayan sa Ingles

upang lalong matutunan ang iba pang aralin kagaya ng Agham at Matematika kung saan ang

nasabing wika ang ginagamit sa mga libro. Ayon sa kanya, ang pagiging bihasa sa wikang

Ingles ay alinsunod sa kautusan ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo na magkaroon ng

30 porsyentong pag unlad sa “baseline data in English science and mathematics” sa 2010 inuulat

ni lapus na naglaan si Arroyo ng 500 milyon upang sanayin ang mga guro matapos nitong

mapansin na walnag gaanong magagaling sa wikang ingles sa mga paaralan. Kabilang sa mga

ipatutupad ng departamento upang pagibayuhin ang programa sa ingles ay ang pagakakroon ng

“1:1 new textbook- pupil ratio in English, beginning reading, remedial reading, whole school

approach to reading and writing.” Balak din nilang magkaroon ng speech laboratories sa mga

paaralan simula sa 2008, ayon kay Lapus. Samantala, sinasabi nya na ipinagpapatuly ng DepEd

ang pagpapatupad ng Every Child A Reader Program (ECARP) upang tiyaking makababasa ng

maayos ang mga magaaral mula baiting 1-6. Inihahayag din nya na susuriin ng departamento

ang 13,286 magaaral sa elementary at 1,320 guro sa sekondarya upang alamin ang English

proficiency level ng mga paaralan.


8

Ayon sa artikulong Wikang Filipino Bilang Midyum sa mga Paaralan na inilathala ng

nagngangalang Filone noong 2015, hindi masamang ituro ang lingwaheng Ingles sa mga

paaralan. Mas makakabuti na parehong dialekto ang alam sa panahon ngayon upang hindi ito

maging hadlang para makipag kumunikasyon sa mga banyaga. Madaling makakakapag sabayan

sa larangan ng trabaho at hindi makakaranas ng diskriminasyon kahit saang bahagi ng mundo.

Mahalagang marunong tayong magsalita at umintindi ng Ingles, ng sa ganon ay magkaroon pa

tayo nang mas madami at magandang oportunidad na pwede nitong maibigay sa atin. Subalit,

huwag din natin dapat kalimutan ang sariling wika sapagkat ito ay kaakibat ng ating kultura na

dapat pahalagahan magpakailanman.

Kaharamihan sa mga pribadong paaralan ngayon ay tinuturo ang wikang inggles. Kahit

mahalaga ang wikang inggles, dapat hindi natin kalimutan ang ating sariling nating wika, ang

wikang pilipino. Kaya mahalaga ang wikang inggles, sa panahon ngayon mahalaga ito dahil

kapag mag hahanap ka ng trabaho dapat maalam ka mag salita ng inggles. Kaya naman ang mga

guro sa mga paaralan, bata palamang tinuturuan na sila ng salitang inggles.

You might also like