You are on page 1of 1

Mapagpalang gabi mga Kuya. Pakibasa po sana at pakaisiping mabuti.

Ano ba ang The Fraternal Order of Eagles – Philippine Eagles?

Ito po ay isang panghabangbuhay na kapatiran na kung saan ang kasalukuyang Pangulo,


karamihan ng mga Senador at Kongresista, mga miyembro ng Kabinete, at karamihan sa mga
pinakamatataas na opisyales ng ating bansa ay maaari mong makadaupang-palad at tawaging
Kuya o Ate.

Ang lakas po ng ating samahan ay nasa bawat isa sa atin. Kaya naman po masusi ang pagpili ng
ating mga magiging Kuya o Ate.

Mapalad po tayong mapabilang sa mga makasaysayang “Charter Members” ng Tarlac


Gerona Eagles Club dahil tanging ang mga kilala at mga karespe-respetong miyembro lamang
po ng ating komunidad na rekomendado ng mga Kuya at ng ating mga malalapit na kaibigan na
kilala rin sa pagtulong sa kapwa ang aming mga inanyayahang subukin ang pagpasok sa ating
kapatiran.

Batid po namin na noon pa man, Agila man o hindi, ay tumutulong na kayo sa inyong kanya-
kanyang komunidad, at ito po ang nagbubuklod sa atin – ang ating masidhing pagnanais na
makatulong sa ating mga kapatid na Agila, at sa ating komunidad. Service through strong
brotherhood.

Kapag po napabilang kayo sa ating kapatiran, makakaasa po kayo na lagi kayong may Kuya at
Ate na matatakbuhan, at umaasa rin naman po kami na matatakbuhan rin namin kayo sa panahon
ng pangangailangan.

Sa susunod pong mga araw pagkatapos ninyong maipasa ang inyong mga Application Forms,
makakaasa po kayo na may Agila na lalapag sa inyong lugar upang magsiyasat at alamin ang
inyong estado sa komunidad at antas ng paggalang sa inyo ng mga tao sa inyong lipunan upang
tiyakin na karapatdapat nga kayong mapabilang sa ating kapatiran.

Tungkulin po ng bawat isa sa atin na patuloy na pangalagaan ang mabuting pangalan ng ating
kapatiran at makakaasa po kayo na gagawin namin ang lahat ng aming makakaya upang
bantayan ito.

Sa tulong po ninyo at sa patuloy na pagkakaisa natin patuloy na mamamayagpag ang Agila.

Mabuhay ang Agila!

You might also like