Baka Sakali

You might also like

You are on page 1of 2

BAKA SAKALI

March 8, 2021
Eyong

May kung anong mabigat sa aking dibdib.


Kanina ko pa iniisip kung ano. Kung bakit.
Hindi ko malaman, hindi ko maisip
Hindi ko masabi, hindi ko masambit.

Pano ba sinusukat ang galing? Paano ba sinusukat ang tapang?


Paano ba sinusukat ang pagiging malakas? Ang pagiging palaban?
Sa dami ba ng luhang tumulo at natuyo?
O sa mga ngiting bigla na lang naglaho?

Paano ba sinusukat ang tagumpay? Paano ba sinusukat ang saya?


Paano ba sinusukat ang tamis nitong ligaya?
Sa dami ba ng guhit sa ilalim ng iyong mata?
O sa dami ng mga labi na iyong napatawa?

May kung anong mabigat sa aking dibdib.


Kanina ko pa iniisip kung ano. Kung bakit.
Hindi ko malaman. Hindi ko maisip.
Hindi ko masabi. Hindi ko masambit.

Gaano ba kalayo ang dapat mong lakbayin?


Gaano ba kataas ang dapat mong akyatin?
Hindi ba sapat ang ligaya dito sa ibaba?
Bakit pakiramdam ko, ako’y nawawala

Gaano ba kataas ang dapat liparin?


Gaano ba kalayo ang dapat hakbangin?
Hindi pa ba sapat ang mga sugat na nasa aking kamay?
Sa malakas na hangin, dapat bang magpatangay?

May kung anong mabigat sa aking dibidib


Kanina ko pa iniisip kung ano. Kung bakit.
Hindi ko malaman. Hindi ko maisip.
Hindi ko masabi. Hindi ko masambit.
Bumabangon na parang wala sa sarili.
Gumigising na parang tulad nang dati.
Tumatakbo nang walang kasiguraduhan.
Naglalakbay nang walang patutunguhan.

Hahayaang mawala at maligaw ang sarili


Sa mga lugar na napuntahan na dati.
Sa mga lugar na pinapangarap parati.
Sa mga lugar na matagal nang minimithi.

May kung anong mabigat sa aking dibidib


Kanina ko pa iniisip kung ano. Kung bakit.
Hindi ko malaman. Hindi ko maisip.
Hindi ko masabi. Hindi ko masambit.

Kung sakali mang landas natin ay magtagpo


Ngumiti ka mula sa malayo.
Huwag mong tatanungin kung kumusta ang mundo.
Bastat tingnan mo lang ang mga ngiti sa labi ko.

Kung sakali mang ako ay iyong makita.


Ngumiti ka lang na parang hindi tayo magkakilala.
Hindi mo kailangang magtanong. Hindi mo kailangang magsalita.
Bastat tingnan mo lang ang saya sa aking mga mata.

Baka sakali, nawala na itong bigat sa dibdib.


Baka sakali, akin nang nasambit.
Baka sakali, akin nang nasabi.
Baka sakali, akin nang na-isip.
Baka sakali, nalaman ko na ang ano at ang bakit.

You might also like