You are on page 1of 4

MGA MISTERYO NG BANAL NA PAGKABATA NI HESUS

Namumuno: O Diyos, Ilawit Mo ang Iyong tulong sa akin.


Sagot: O Panginoon, magmadali Ka sa pagsaklolo sa akin.

N: Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espirito Santo.


S: Kapara noong unang-una, ngayon, at magpakailanman at magpasawalang hanggan. Amen.

Ama namin...
I
Hesus, Katamis-tamisang bata, na bumaba sa sinapupunan ng Iyong Ama para sa aming
kaligtasan, na ipinaglihi ng Espirito Santo, na tumahan sa sinapupunan ng Birhen, at bilang
Salitang nagkatawang-tao, ay nag-anyong alipin, kaawaan Mo kami.

S: Kaawaan Mo kami, Batang Hesus, Kaawaan Mo kami.

Aba Ginoong Maria...


II
Hesus, Katamis-tamisang bata, na sa pamamagitan ng Birhen mong Ina ay bumisita kay Elisabet,
na pinuno ang Iyong prekursor na si Juan Bautista ng Iyong Espirito Santo, at pinabanal Mo siya
sa sinapupunan ng kanyang ina, kaawaan Mo kami.

S: Kaawaan Mo kami, Batang Hesus, Kaawaan Mo kami.

Aba Ginoong Maria...


III
Hesus, Katamis-tamisang bata, na nanahan sa sinapupunan ng Iyong Ina sa loob ng siyam na
buwan, na pinanabikan ng Birheng Maria at ni San Jose, at inialay sa Diyos Ama para sa
kaligtasan ng mundo, kaawaan Mo kami.

S: Kaawaan Mo kami, Batang Hesus, Kaawaan Mo kami.

Aba Ginoong Maria...


IV
Hesus, Katamis-tamisang bata, pinanganak ng Birheng Maria sa Betlehem, ibinalot sa lampin at
inihiniga sa sabsaban, ibinalita ng mga anghel at dinalaw ng mga pastol, kaawaan Mo kami.

S: Kaawaan Mo kami, Batang Hesus, Kaawaan Mo kami.

Aba Ginoong Maria...


Luwalhati sa Iyo,
O Hesus, ipinanganak ng Birhen,
At sa Ama at sa Espirito Santo,
Magpasawalang hanggan.
Amen.

N: At ang Verbo ay nagkatawang-tao.


S: At nakipamayan sa atin.

Ama Namin...
V
Hesus, Katamis-tamisang bata, sinugatan matapos ang walong araw sa pagtutuli sa Iyo, binigyan
ng maluwalhating Pangalang Hesus, at sa pamimigitan ng Iyong Ngalan at ng Iyong Dugong
binubo ay nahayag na Tagapagligtas ng mundo, kaawaan Mo kami.

S: Kaawaan Mo kami, Batang Hesus, Kaawaan Mo kami.

Aba Ginoong Maria...


VI
Hesus, Katamis-tamisang bata, inihain sa templo ng Iyong Inang Birhen, ikinarga sa mga kamay
ni Simeon, at inihayag sa Israel ni Ana, na propeta, kaawaan Mo kami.

S: Kaawaan Mo kami, Batang Hesus, Kaawaan Mo kami.

Aba Ginoong Maria...


VII
Hesus, Katamis-tamisang bata, inihayag sa pamamagitan ng isang tala sa tatlong pantas, sinamba
sa mga kamay ng Iyong Ina, inalayan ng mga mahiwagang handog na ginto, kamanyang, at mira,
kaawaan Mo kami.

S: Kaawaan Mo kami, Batang Hesus, Kaawaan Mo kami.

Aba Ginoong Maria...


VIII
Hesus, Katamis-tamisang bata, hinanap ng masamang Herodes para patayin, dinala ni San Jose
kasama ng Iyong Ina patungong Ehipto, nailigtas mula sa malupit na pagpatay, at niluwalhati ng
mga papuri ng mga martir na walang kamalayan, kaawaan Mo kami.

S: Kaawaan Mo kami, Batang Hesus, Kaawaan Mo kami.

Aba Ginoong Maria...


Luwalhati sa Iyo,
O Hesus, ipinanganak ng Birhen,
At sa Ama at sa Espirito Santo,
Magpasawalang hanggan.
Amen.

N: At ang Verbo ay nagkatawang-tao.


S: At nakipamayan sa atin.

Ama Namin...
IX
Hesus, Katamis-tamisang bata, na nanirahan sa Ehipto kasama ng Kamahal-mahalang Maria at
ng Patriarkang San Jose hanggang sa kamatayan ni Herodes, kaawaan Mo kami.

S: Kaawaan Mo kami, Batang Hesus, Kaawaan Mo kami.

Aba Ginoong Maria...


X
Hesus, Katamis-tamisang bata, na bumalik mula sa Ehipto sa bayang Israel kasama ng Iyong
mga magulang, nagtiis ng maraming paghihirap sa daan, at pumasok sa bayan ng Nazaret,
kaawaan Mo kami.

S: Kaawaan Mo kami, Batang Hesus, Kaawaan Mo kami.

Aba Ginoong Maria...


XI
Hesus, Katamis-tamisang bata, na nanahan sa banal na tahanan sa Nazaret, nagpasakop sa Iyong
mga magulang, namuhay sa kahirapan at pagod, lumago sa karunungan, edad at biyaya, kaawaan
Mo kami.

S: Kaawaan Mo kami, Batang Hesus, Kaawaan Mo kami.

Aba Ginoong Maria...


XII
Hesus, Katamis-tamisang bata, dinala sa Herusalem nang Ikaw ay labindalawang taong gulang,
may hapis na hinanap ng Iyong mga magulang, at may kagalakang natagpuan makalipas ang
tatlong araw sa kasahaman ng mga guro, kaawaan Mo kami.

S: Kaawaan Mo kami, Batang Hesus, Kaawaan Mo kami.


Aba Ginoong Maria...

Luwalhati sa Iyo,
O Hesus, ipinanganak ng Birhen,
At sa Ama at sa Espirito Santo,
Magpasawalang hanggan.
Amen.

N: At ang Verbo ay nagkatawang-tao.


S: At nakipamayan sa atin.

Manalangin tayo:
Makapangyarihan at walang hanggang Diyos, Panginoon ng langit at lupa, na ipinahayag Mo
ang Iyong sarili sa mga maliliit, ipagkaloob mo sa amin, na marapat na gumagalang sa mga banal
na misteryo ng Iyong Anak, ang Batang Hesus, at tinutularan siya sa aming buhay, ay maging
marapat na pumasok sa kaharian ng Langit, na Iyong ipinangako sa mga maliliit na bata. Sa
pamamagitan ni Hesukristong panginoon namin. Amen.

You might also like