You are on page 1of 3

Baitang 7 – Filipino

Ikalawang Markahan
Ikatlong Pagsusulit –Modyul 5-6
Pangalan: __________________________________________Iskor: _______

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.
1. Ito ay uri ng editoryal kung saan nililinaw ang isang isyu na ang hangarin ay higit
na mauunawaan ang balita o pangyayari.
a. Nagpapakahulugan c. Namumuna
b. Nagpapabatid d. Nanghihikayat
2. Ang layunin nito ay magmungkahi sang-ayon sa paninindigan ng pahayagan.
a. Nagpapakahulugan c. Namumuna
b. Nagpapabatid d. Nanghihikayat
3. Binibigyang kahulugan ang isang pangyayari o kasulukuyang kalagayan sang-
ayon sa paningin o pananaw ng pahayagan.
a. Namumuna c. Nagpapabati
b. Nagpapakahulugan d. Editoryal
4. Ito ay bahagi ng pahayagang nagsasaad ng mapanuring pananaw o kuro-kuro
hinggil sa napapanahong isyu.
a. Pahayagan c. Editoryal
b. Paksa d. Balita
5. Pinakamahalagang bahagi ng editoryal.
a. Panimula at Katawan c. Katawan at Wakas
b. Panimula at Wakas d. Wakas at Gitna
6. Ang dapat taglayin sa pagsulat ng editoryal.
a. Sabi-sabi c. May pinapanigan
b. Katibayan d. Walang katotohanan
7. Ano ang tawag sa uri ng editoryal na hawig sa sanaysay na impormal?
a. Nanghihikayat c. Nanlilibang
b. Nagpaparangal d. Nagbibigay-puri
8. Ano ang dapat taglayin ng panimulang talata ng isang editoryal?
a. Binabanggit dito ang isyu c. Binabanggit dito ang paksa
b. Binabanggit dito ang ideya d. Binabanggit dito ang opinyon
9. Ibang katawagan sa editoryal.
a. Pangulong-tudling c. Sanaysay
b. Pahayagan d. Tudling
10. Ang editoryal ay makikita at mababasa sa ____________.
a. Aklat c. Pahayagang Pampaaralan
b. Pahayagan d. Lahat nang nabanggit
11. Alin sa sumusunod ang layunin ng tekstong naglalahad o ekspositori?
a. Magbigay impormasyon c. Manghikayat
b. Magbigay kasiyahan d. Mamuna
12. Sa anong paraan pinahahalagahan ng mga taga- Bisaya ang kanilang
kultura?
a. Pinahahalagahan nila ang kanilang kultura sa pamamagitan ng paglimot nito.
b. Pinahahalagahan nila ang kanilang kultura sa pamamagitan ng paggawa nang
mabuti.
c. Pinahahalagahan nila ang kanilang kultura sa pamamagitan ng pagsawalang-
bahala nito.
d. Pinahalagahan ng mga taga-Bisaya ang kanilang kultura sa pamamagitan ng
patuloy na pagpreserba nito.
13. Anong paniniwala ng mga taga-Bisaya ukol sa paglibing ng inunan ng
sanggol sa tabing-dagat matapos makapanganak ang isang babae?
a. para lumaking malusog ang bata
b. para lumaki itong magaling lumangoy
c. para suwertehin ang bata paglaki nito
d. para lapitin ito ng mga nilalang sa dagat
14. Ang sumusunod ay katangian ng tekstong naglalahad maliban sa isa.
a. analisis na proseso c. obserbasyon sa kapaligiran
b. pagsasaad ng sanhi at bunga d. paggamit ng mga totoong datos
15. Ang sumusunod ay mga kaugalian ng mga Bisaya maliban sa isa.
a. Likod-likod c. Mangluhod
b. Mamae d. Pagbibigay ng dote
16. Ito ay isa sa mga hulwaran ng tekstong ekspositori na may layuning
ipaliwanag o bigyan ng kahulugan ang isang termino o parirala.
a. Depenisyon c. Paghahambing
b. Kahinaan d. Pagkasusunod-sunod
17. Bakit ang babaylan ang karaniwang gumagawa sa ritwal na bulong at
Engkantasyon?
a. dahil siya ang itinalaga ng mga tao na tagapamagitan sa mga anito at diwata
b. dahil matanda na siya at puwede na siyang mamatay
c. dahil mayroon siyang naiibang kapangyarihan
d. dahil pinag-aralan niya ito
18. Tawag sa ritwal na ginamit bilang pantaboy sa masamang espiritu na nasa
katawan ng tao.
a. Bugyaw b. Bulong c. Engkantasyon d. Luy–a–luy–a
19. Bakit kailangang umusal ng bulong kapag ikaw ay dumaan sa isang punso?
a. para hindi sila matapakan c. para linisin nila ang daan
b. para makadaan ka ng diretso d. para hindi ka matinik
20. Bakit hindi niluluma ng panahon ang kultura ng mga taga-Bisaya kahit pa sa
pagbabago ng panahon?
a. dahil nakalimbag ito sa mga aklat
b. dahil nagpasalin-salin pa rin ito sa bibig ng tao
a. dahil itinuro pa rin ito sa mga paaralan
b. dahil patuloy pa rin itong niyayakap, pinaniniwalaan, at ginagawa ng mga
taga-Bisaya
Susi sa Pagwawasto

1. B
2. C
3. B
4. B
5. A
6. B
7. C
8. C
9. A
10.D
11.A
12.D
13.A
14.C
15.D
16.A
17.A
18.A
19.A
20.A

You might also like