You are on page 1of 1

SHE’S BEAUTIFUL

STORY BY: KAYECEL MARIE D. GUMAPAC

INTRO OF THE MAIN CHARACTER:

This days, ang ganda ay required na. kahit saang dako ka man mapadpad kung pangit ka pangit rin ang tingin ng ibang
tao sayo. Tulad ko na first rank sa lahat ng pangit sa mundo. Troll nga ang tawag ng mga kaklase ko sa akin. Ipinanganak
na talaga akong ganito kaya simula noon Troll na ang tawag sa akin ng lahat. May isang tao lang na napansin ako pero
nawala rin siya na parang bula. Ako si Aira Cruz isang high school student ng Empire University. Nagtataka siguro kayo
kung bakit ako nakapasok sa ganito ka ganda at ka mahal na school, well scholar lang namn ako sa school na ito, hindi
nga ako maganda matalino naman ako, mataas lagi ang grades ko at lagi akong top sa lahat ng klase except sa beauty.
Noong una naiisip ko na okay lang na maging ganito ako pero na realize ko na kailangan ko maging maganda para
mapansin ng iba ang halaga ko. Minsan naisip ko nang magpakamatay dahil sa mga bullies na natatanggap ko pero inisip
ko na kung mamamatay ako ano nalang ang mangyayari kay Mama magiging mag-isa nalang siya. Simula noon hindi na
ako nagpa apekto sa mga pambabastos at panlalait nila dahil alam ko sa sarili ko na maganda ako hindi man sa labas
pero sa loob.

STORY:

In Empire University

Si Aira ay laging top sa klase, laging number one siya palagi sa lahat ng subject lalo na sa Mathematics. Nasa senior high
school na siya at scholar ng Empire University . lagi siyang na bubully dahil sa hindi siya maganda, nagkaroon siya ng
isang kaibigan pero trinaydor lang din siya. Nagkaroon ng crush si Aira pero pinagtripan lang din siya. One day in school,
na bully ulit si Aira ng G Girls(Sikat na bully sa school nila na binubuo nina Irene, Ella and Eunice). Binuhusan siya ng
gatas sa ulo habang nagbabanyo. Pagkatapos ng insidente ay lumabas si Aira sa campus at pumunta sa lugar na paborito
niya ang Manila Bay. Umiyak lamang siya doon at naisipang magpakamatay pero may isang babae ang biglang pinigilan
siya. Pagkatapos nun ay nag-usap sila at tinanong ng babae kung bakit niya naisipang magpakamatay, sinabi ni Aira
habang umiiyak na pagod na raw siyang palaging napipintasan at nilalait.

You might also like